Renz
Kinaumagahan ay nagpaalam ako kay Angelina na pupunta sa bayan. Hindi na ito nagpumilit pang sumama dahil abala ito sa pagpipili ng mga bato sa bigas.
Habang nagmamaneho ay napapangiti ako. Kaninang umaga kase ay binuhusan niya ako ng malamig na tubig na marahil ay galing pa sa balon.
Paano ay nakita nito ang leeg na punk ng kissmark. Mabuti nalamang daw at walang ibang makakakita dahil talagang nahihiya ito.Nabili ko na ang lahat ng kakailanganin namin na pang-isang linggo. Nasa kotse ko na ang lahat ng maalala kong bilhan pa ng mga bestida si Angelina. Bukod kase sa nagmumukha siyang asawa ko ay mabilis rin iyong hubarin. Napatawa ako kaya pinagtinginan ako ng mga aleng namimili.
"Para ba sa asawa mo hijo?"
Nginitian ko yung ale, "Oho,manang. Pwede bang pakipilian ako ng maganda? Morena yung asawa ko. Maliit at balingkinitan lang ang katawan."
"Naku,alam ko ang bagay sa kanya,kung hindi mo naitatanong ay ganoon ang sukat ko noong bata bata pa ako." Nagkatawanan yung mga aleng katabi nito.
Medyo may kalayuan ang tinitigilan namin ni Angel ko mula sa bayan. Nasa Bae,Pangasinan kami. Sobramg liblib ng lugar at ang kapitbahay namin ay tatlong kilometro pa ang layo. Doon ko iniiwan ang aking sasakyan. Mayroon namang pushcart na magagamit kung lalakarin ko papuntang bahay ang mga pinamili ko.
"Aldo? Nandito na ako. Pakitago na itong susi at uuwi na ako sa amin." Tawag ko sa katiwala ko ng lupa. Dito sila nakatira ng buong pamilya niya.
"Manong,may bisita ka. Inihatid ng magandang kotse kanina. Mayaman ata." Bulong nito ng lumapit sa akin.
Pagpasok ko sa kanilang maliit na tahanan ay nabungaran ko ang kaibigan ni Angel na si Giselle. Nang makita ako nito ay galit na galit na lumapit sa akin at sinampal ako.
Inawat ito ng nobyo. Sa likod nila ay isang magandang ginang ang nakaupo. Seryoso itong nakatingin sa akin.
"Magandang tanghali sa iyo, Renz Boas." Sino ba ang ginang na ito?
Angelina
Natapos akong magwalis sa bakuran. Pinakain ko yung mga manok tulad ng itinuro ni Renz.
Naisipan ko ring linisin ang loob ng kubo. Sinimulan ko sa pagwawalis at pagpupunas ng upuan at lamesa. Naayos ko na rin ang kama namin ni Renz. Ikatlong araw ko na dito mamayang hapon. Nung dalhin pala niya ako dito ay magdamag akong tulog.
Inipon ko yung mga damit namin para labhan. Binuhat ko iyon pero nahulog yung pantalon ni Renz. Doon ay may nakapa akong matigas. Ang cellphone ni Renz.
Hindi ko iyon pinakialaman. Inilagay ko sa may tokador malapit sa bintana.
Natapos na akong maglaba. Nakapagsaing na rin ako at nagprito ng talong na pananim sa bakuran. Sa kakahintay kay Renz ay nakatulog ako.
Nagising ako sa patuloy na pagriring ng cellphone ni Renz. Tiningnan ko iyon. Unregistered yung number. Sinagot ko na para matigil.
"Love," si Renz!!
"Nasan ka na?pagabi na oh? Nasiraan ka ba?malapit ka na ba?"tuloy tuloy na tanong ko.
" love,"narinig ko ang hikbi niya, "sorry. Sana mapatawad mo pa ako. Hanapin mo yung numero ni Aldo sa cellphone ko. Magpasundo ka. Iuuwi ka niya sa Lumar."
Ano? "Renz,hindi ko maintindihan. Hihintayin kita dito. Please lang. Wag mo akong biruin ng ganyan!" Pilit akong tumawa.
"Mahal na mahal kita,Angel ko." At pinatayan ako ng tawag.
Hindi!hindi ako aalis. Dito lang ako. Babalik siya. Babalik si Renz sa akin.......
Mahal niya ako.
Renz
It doesn't make sense. Nagpapakalasing ako habang nakaupo sa eroplanong sinasakyan ko.
Pakiramdam ko ay masisiraan ako ng bait. Kung bakit sa lahat ng babae ay si Rica pa? Bakit siya pa ang pakakasalan ko! Bakit ba hindi ko inalam kung sino siya? Sana ay hindi ako naiipit ng ganito.
Pati ang buong buhay ko na si Angelina ay iiwan ko ngayon. Sana balang araw ay mapatawad niya ako.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
Fiksi Umum[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?