Ramon
I went upstairs. My kiddo is sleeping on my bed and I want to watch him sleep. In my hands are Krystal's postcards.
I saw my child awake and nibbling the ruffled sheets of the bed.
"Hey Kiddo, my JoJo. You're up already? You've just woke up?huh?" I sat near him on the edge of the bed, he knelt and reach after me. I reached for him too. But then, he just snatched one of Krystal's postcard and amazingly stared at it.He really loves Krystal...err no. Not like that. Sinubukan niyang kagatin sa gitna yung picture na mukha pala ni Krystal at nagtaka pa nung hindi niya makagat. Flat eh. Habang tinatry niyang isipin kung paano niya kakagatin iyon ay may nakita akong sulat sa likod.
Dahil sa curiosity ay inagaw ko iyon kay Joseph kaya umiyak ang bata. Iniabot ko yung ibang postcards ni Krystal. Iyon ang nilaro laro nito. Binasa ko ang nakasulat sa likod ng post card.
'Baby brother,
Alagaan mo ng mabuti si Joseph ha? Masaya ako dito,wag kang mag-alala. Tumawag si ma at pa galing sa Texas. Uuwi daw sila kapag ikinasal ako. Saan kaya magandang church?or beach wedding nalang kaya? Anyway, kailangam mag share ka. Ako lang babae sa atin kaya kayong tatlo ni Ryan at Bon ay dapat magbibigay ng malaking halaga sa wedding ko. Sabihan mo na rin si Renz.
At oo nga pala. Nakita ko yung lolo ni Joseph. Nasa ospital siya ngayon. Nakita ko siya sa garden nung minsan nilabas namin para magpahangin si Lola Mary ng boyfriend ko. Tanda mo pa si Lola Mary ano?
Nagkausap kami, sinabi kong inaalagaan at minamahal natin si Joseph. Ayaw niya lang talagang sabihin kung nasaan ang anak niya at kung ano ang pangalan niya.
Kung hindi ka busy, nakuha ko ang name and address niya dun sa nurse na nag aalaga sa kanya. Dati kaseng classmate ni honey yun kaya napakiusapan namin. See you soon brother!!
Ricardo Mendez~#0451 White Oaklane Street ,L.A. California.
P.S. Wag mo nang dalhin si bebe Joseph, baka kunin nun pabalik.'
Nagulantang ako. Pupuntahan ko siya. Kailangang mahanap ko si mysterious Angel bago pa ako mahulog ng tuluyan kay Angelina.
Before Christmas, kailangang mapuntahan ko ang lolo ni Jojo. I still hav twenty one days.
Giselle
"Sabi ko naman sayong hindi ko alam. Bakit ba ang kulit kulit mo!?" Papasok palang ko ng classroom, narinig ko kaagad ang galit na boses ni Stephen. Masamang makinig sa usapan ng iba pero naku-curious talaga ako.
" inilagay ko nga iyon sa drawer ko! Baka ginamit mo nanaman!" Si Marga? Nag-aaway silang magjowa?
"Manahimik ka nga! Sino ba ang maysabi na idikit mo ang sarili mo sa bahay ko. Dun ka tumira sa bahay niyo. Kung anu-ano na nga paghihirap ko dahil sayo. Hindi naman kita girlfriend. Pinsan lang kita,tapos isinisisi mo sa akin ang pagiging burara mo?tsk. Isusumbong kita kay mommy, sobra ka na Marga. Kapag di mo itinigil yang pagmamando mo sa akin, susunugin ko lahat ng bag mong nakakalat sa bahay!" Omo!
Tumakbo ako palayo sa classroom. Doon ko nakasalubong si Leanne sa hallway malapit sa faculty room. Inaya ko siyang pumunta sa ladies room at sinamahan naman niya ako. Doon ko ichinika sa kanya ang lahat. Nagtilian kami at nagday-dream sa magiging future namin ni Stephen.
Renz
"Sure ka bang hindi na kita ihahatid sa gate?" Hinawakan ko ang kamay ni Angelina. Sinundo ko siya sa village nila para ihatid sa school.
"Tara na, male-late na tayo." Sabat ni Rafael sa amin ni Angel ko bago pa man ito makasagot. Hahalikan ko sana si Angelina kaso lang ay padabog na isinara ni Rafael ang pinto ng kotse sa backseat. Nakalabas na pala ito.
"Salamat, kita tayo sa sabado. Hindi ako makakapunta sa grocery mamaya. May exam kami ngayon hanggang bukas. Sa sabado pa ako maluluwagan ng schedule. Mamimiss kita." At hinalikan niya ako saglit sa labi bago lumabas ng kotse. Tinanaw ko sila ni Rafael. Gusto kong masiguro na makakapasok siya ng maayos. Bago ko pa buksan ang makina ng kotse ay nakita kong inakbayan ni Rafael si Angel ko.
Alam ko na may gusto ang batang iyon kay Angelina. Pero ayaw kong sitahin dahil alam ko namang kapatid na ang turing ni Angelina sa binatang iyon. Pero hindi ko mapigilang mabagabag.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?