Hindi ko alam kung mahihimatay ako or magwo-walk out ako ng magkakaharap kami sa mesa ng isang sikat at eleganteng restaurant sa isang five star hotel. Parang dinaig ko pa ang dinala sa fantasy world habang nakatunghay sa mga taong nasa harapan ko. Pati na sa taong nakaupo sa kaliwa ko. Feeling ko ay anumang oras,luluwa na ang eyeballs ko. Tama,ganun ka shocking ang nagaganap sa loob ng private room na kinakainan namin.
"Angelina, ano? Kumain ka na. Namamayat ka na oh."untag sa akin ni Rafael na tila ba normal na hapunan lang ang nagaganap sa mga oras na ito. At nanindig pa ang balahibo ko ng aktong susubuan niya ako kaya't pinilit kong agawin ang kutsara sa kanyang kamay. "Ako na. Kaya ko."at nginitian ko siya.
Sa loob ng private room na ito ay katabi ko ngayon si Rafael sa kaliwa at si Eve sa kanan at katabi naman ni Eve si Kenneth na boyfriend di umano nito. Hindi ko pa nakikilatis ang lalaki sapagkat wala sa kanila ang atensyon ko. Na kay tita Fina at sa jowa nito na si kuya Tonton. Ang nakakagulat talaga ay parang baliwala lang kay Rafael ang kasweet-an ng dalawa sa harapan namin.
"Angelina,iha. Pagpasensyahan mo na ako kung napagtaasan kita ng boses at iniwasan kita nitong mga nakaraang buwan. Sumama lang ang loob ko nang ang nag iisang anak kong babae pa ang tututol sa pag iibigan namin ni Tonton." Mukhang sincere si tita sa mga sinasabi nya ng sumabat si Eve. "Mamita ha,ako kaya panganay mong anak na bababe,mas matanda nga ako ng ilang buwan kay Jeric eh, di ba?" At nagpa cute pa ang loka.
"Hay, oo nalang. Bakla! Tumigil ka nga sa kakasabat mo, kung hindi ay babangasan ko yang bubot mong hinaharap!" Banta ni Rafael na tinawanan lang ni Kenneth.
Bumukas ang pinto at iniluwa noon ang matangkad at gwapong si kuya Jeric kasama ang kasintahan nito na si Ate Mayla na katrabaho nito dito sa Manila. Nag beso ang dalawang babae at nagmano si kuya kay tita Fina.
Naguguluhan man ako ay pinilit kong magpakapormal at hintayin ang susunod na mangyayari.
Nang matapos na ang hapunan at habang hinihintay ang pag dating ng mga panghimagas ay tumikhim si tita Fina kaya't nakuha niya ang atensyon ng lahat."Gusto kong gawing pormal ang relasyon namin ni Anthony sa harap ninyong lahat. Hindi kami kasal ni Ted kaya't walang masama sa gagawin ko. Alam niya na hindi na magwo-work pa ang relasyon namin kaya't hinayaan niya na akong magmahal ng iba. Ngunit dahil may karamdaman siya ay hahayaan ko siyang manatiling nakatira sa bahay namin. Kami nalang ni Tonton ang bubukod. Si Rafael ay malaya nang mamili kung saan niya nais na tumuloy. Ngunit mabuti nang sa bahay parin siya sapagkat lasenggero at may sakit na ang kanyang ama. Nauunawaan mo naman anak,hindi ba?" Litanya ni tita. "Alam ko na yun ma. Mabuti nang naroon kami para matuto kaming mamuhay na hindi na iaasa ang lahat ng bagay bagay sa iyo. At ng hindi rin kami makaabala sa inyo ni kuya Ton. Basta ba'y si Eve at Angeline ay sa bahay pa rin nakatira para naman hindi kami malungkot doon. At sana ay madalaw mo kami tuwing weekdends. Okay na sa amin yon ni bunso."saad ni Rafael.
Nagugulumihan man ako sa bilis ng pangyayari ngunit naiintindihan ko na kung ano ang kalalabasan. At tila ba'y alam na ni Chico ang lahat. Papa's boy iyon,kaya siguro hindi sumama sa gathering na ito.
"Ma,hangad ko ang kaligayahan mo. Pero sana ay magsama nalang kayo at wag ng magpakasal. Ikakasal na kami ni Mayla sa December. Hayaan nyong kami muna. Intindihin niyo naman ma,kailangang si Papa parin ang naroon dahil kilala na ng magulang ni Mayla si Papa. Sorry pareng Tonton. Pero sa kasal ay si Papa ko parin ang naroon. Pwede kang sumama ngunit hindi kita maipapakilalang ama ko." Paliwanag ni kuya Jeric.
"Ayos lang Jeric. Napag usapan na namin iyan ng mama mo." Sincere na saad ni kuya Tonton.
Wala akong masyadong sinabi sa buong panahon na nasa hapag kainan kami. Napakalayo ng Manila para umuwi pa kami kaya paniguradong sa hotel na rin kami matutulog. Nakakaimbyerna ang maayos na pagtanggap nila sa kabet na iyon. Daig ko pa ang tunay na anak kung tumutol,ayos na pala ang lahat. Tama si Rafael. Wala nga akong kaalam alam.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?