Stephen
Kasama ko si Giselle ngayon,ang grupo namin ang natalo sa game.
Panalo kami sa pinakamasarap na food and healthy pa nga raw dahil maraming gulay, pero talo ang grupo namin dahil kami rin ang pinaka nabusog at kasalanan din ng pinsan kong si Marga na sobrang arte.Nakakatawa dahil ang pangalan ng grouo namin ay Mix&match. Mag-isa ko lang na lalaki. Kaya saan nila nakuha yung match? Yung mix daw ay dahil dalawang transfer student sa amin and tatlo ang matagal na sa school na ito, but still, I really think it s a silly group name. Kung itatanong niyo kung sino ang gumawa ng name ng group namin, walang iba kundi si Marga at ang mga friends niyang maaarte.
Kaya heto at kami ang naglilinis ng classroom. Si Leanne ay inaalagaan ang anak nito. Pinapakain niya ng puting liquid na malapot. Sabi ni Giselle ay Nestogen daw iyon,baby food.
Si Marga naman ay kanina pa nagwawalis. Mag-iisang oras na siya dun sa gilid. Kaming apat lang ni Giselle ang pinakabusy pati yung magsyotang kanina pa nagngingitian kahit nasa magkabilang dulo ng classroom.
"Hay salamat! Tapos na tayo!! Steph, una na ako ha? Bibili pa ako ng pang regalo kay dad. Bye guys!!!" Unang una ng umalis si Marga. Dinadakot pa lang ni Angelina yung winalis niya na iniwan niya sa pinto. Iiling iling nalang kami.
"So, sa bahay muna tayo?" Tanong ni Leanne, nakasakay na kaming lahat sa Honda CRV na sasakyan ni Renz.
"Love,dun muna tayo kanila Leanne, ayoko pang umuwi. Masarap mag bake ng cookies si tita,nag promise siyang tuturuan niya ako ngayon. Isa pa, para makasama pa natin si Joseph, hmm?" Tinitignan ko si Angelina sa salamin. Malambing nitong yinapos ang braso ni Renz ng pumayag ito. Nasabi ko na kay mom na mukhang malabong magkatuluyan si Angie at yung si Rafael. Bahala na daw basta bantayan ko lang daw si Angelina.
Hindi na ako nahihirapan kase mata ko na rin ang girlfriend kong si Giselle tuwing may lakad sila. Mukha naman daw mahal na mahal nila ang isa't isa. Natahimik na si mom sa kakakulit sa akin.
Nagkakatawanan pa kami nung dumating kami sa bahay nila Leanne. Malaki ang bahay nila pero mas malaki yung bahay namin ni Marga na nakatayo sa Lopez Heights Subdivision. Dito na kami maghahapunan. Alas singko palang ng hapon. Mamaya ay ihahatid ko si Giselle sa bahay nila at kukunin ang susi ng kotse ko kay tita Lora,ang mama ni Giselle ko.
Buhat buhat ni Giselle si Joseph habang dala ko ang handbag niya. Iniwan una namin ang mga regalo sa loob ng kotse. Mamaya na iyon kukunin pagkapahinga namin.
Binuksan ni Leanne ang gate nila at pumasok na kami ni Giselle,kasunod namin ang dalawang magkaakbay na sila Renz at Angie.
"Parang anak mo yan Giselle ah? Wag muna kayong gagawa ha? Ako nga pinaka-iingatan ko itong si Angel ko." Wika ni Renz at hinalikan ang pisngi ni Angie.
"Hoy,ang landi niyong dalawa. Hindi kami malandi ni Stephen ko noh!"
"Shh.akin na muna si baby ko kung mag iingay kayo." Sita ni Leanne. Para talagang nanay namin itong babaeng pusa na ito. Laging tagasaway.haha
"Leanne,naamoy mo yun?mukhang may barbeque party sa likod!!!" Tuwang tuwa si Angie.
Inakay kami ni Leanne papasok ng bahay. Iniwan namin ang bag namin malapit sa center table.
Kinuha ni Leanne ang anak niya at nagtungo sa lanai sa likuran ng bahay kasunod kami.At ang mukha ni tita Nita at dalawa pang lalaki ang nakangiting sumalubong sa amin.
Leanne
"Mommy,anong meron? Busog kami sa kainan. Bakit nag barb- what's this?" Natulala ako. Mukha ni daddy, pumayat ang daddy ko. Si daddy,at si.....Ramon?
"Oh,pano ka nakapunta dito insan?" Basag ni Renz sa katahimikan.
"Tsk,Renz ha?panira ka. Tara dun kay tita, magtuhog tayo ng marshmallows." Lumingon ako kanila Renz at Angelina para mapigil ko ang aking luha.
"Akin na muna ang baby niyo. Babantayan namin ni Giselle sa taas." Sabi ni Stephen at inabot si baby Nicholas at pumasok sila sa bahay patungo sa nursery room ng anak ko.
"Dad..."
"Princess..."
Nagyakapan kami ni dad. "Oh how I missed you daddy!! Are you okay now? Are you healed? Oh your hair! What happened to you? I missed you dad, I'm so sorry!"
Halos hindi ako makapaniwala.
Nung magkainan na ay bumaba ang dalawa mula sa nursery room. Naroon naman ang kasambahay naming si Nana Tessa para bantayan si Nicholas.Habang nakain ay hindi ako humihiwalay kay daddy. Hawak ko ang kamay niya. Sinusubuan ko rin siya ng pagkain. Sobrang alaga ako sa kanya. Bukod sa namiss ko siya ay hindi ako makapag relax dahil titig na titig sa akin si Ramon.
Nararamdaman ko. Inaasikaso siya ni mommy at ng mga kaibigan ko pero alam kong nakatitig siya sa akin.
Nung mag kanya kanyang uwi na ang mga ito ay kaming apat na lamang ang nainom ng tsaa sa living room ng bahay. Sinusuklay ko ng kamay ko ang kakaunting tumutubong buhok ng aking ama. Nakaupo ako sa arm rest ng upuan ni dad.
"Hijo,hindi ba't may jetlag pa kayo ng daddy mo? Dumito ka na ng tulog dahil mahaba haba ang pag-uusapan ng pamilyang ito." Sabi ni mom habang nakangiting nagsasalin ng tsaa.
Heto na ang mommy ko. Lagot na!Pangiti-ngiti lang si dad.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?