Chapter Seventy

196 4 0
                                    

Rafael


"Ah,so boss pala kita."

Sabi nito matapos kong ipaliwanag kung bakit ko siya sinundan.

"Halika at pumasok ka sa amin Sir. Magmeryenda ka."

Hinawakan nito ang kamay ko. Hindi ko mapigil ang ngiti ko habang hawak niya ang kamay ko.

Pagpasok namin ay pinaupo niya ako sa sofa.

"Sir,kain muna kayo."
Sa tapat kong lamesa ay ipinatong niya ang isang stick ng banana cue na nasa pinggan at isang basong juice.

"Pasensya na kayo. Hindi kase talaga kami natanggap ng bisita dito. Kaya wala akong maibigay sa inyo."

Napangiti ako ng maalala ko yung banana cue na binili niya noon sa apartment namin sa Manila. Kung pwede ko lang kainin ang banana cue na ito sa ganoong paraan, daig ko pa ang nanalo sa lottery.

Kumagat ako ng banana cue. Masarap siya,matamis masyado.

Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa harapan ko. Nakatitig ito sa akin at blanko ang emosyon sa mukha nito.

Kapagkwan ay ngumiti ito sa akin. May kakaibang kislap ang mga mata nito.

"Masarap ba sir?" Bakit parang namamaos ang boses nito?

"Sir,kung hindi niyo mamasamain....."

Dinukwang nito ang mukha ko at....


......pinahid ang gilid ng labi ko.





"....may asukal ho ang gilid ng labi niyo."


Napakalakas ng tibok ng puso ko. Si Nah-nah. Sa harap ko. Abot kamay ko na siya at kayang kaya ko na siyang halikang muli.

At sa ganoong sitwasyon lumagabog ang pinto at sabay na pumasok ang ngiting ngiti na dalagita at ang anak kong nakabusangot. Ang batang lalaki ang unang nagsalita sa dalawa..

"Nanay! Palayasin mo nga yung nagpark ng kotse sa harap natin! Pahara hara!!"/"Nanay!! Inaaya ka ng mga teachers ng tea party!! Pwede ba kaming sumama nanay!? Nanay!!"

Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko. Tumayo ito ng deretso at....tumakbo palapit sa mga ito at binuhat ang batang lalaki. Sumabit naman sa bewang nito ang dalagita..

"I miss you mga bulilit!! Isa isa ang salita ha? Mahina ang kalaban." Ngiting ngiti ito..

Pero walang maliw sa pagsasalita ang dalawang bata.











Nakaupo ako ng maayos. Minamata ako ng batang si Lorenzo. Hindi ko tuloy malunok ang kinakain kong banana cue.

Si Anghelita naman ay nag-aaral sa gilid ko. Wala itong pakialam kahit binabato ito ng mga binilog na papel ni Lorenzo.

"Bakit ba andito ka nanaman?wala ka namang gagawin dito."

Naka-ismid si Lorenzo habang nagsasalita. Uminom ito ng juice na masama ang tingin sa akin.

"Lorenzo ha? Umayos ka, mapapagalitan ka ni nanay sa ginagawa mo niyan." sabi ni Anghelita habang nagsusulat.

"Ah,ano kase..."

"Ate!? Ate,sumulat si nana Josa... Ate Rina!???"

May babaing nakauniporme ng company namin. Nagmamadali itong umakyat ng hagdan at hindi ako napansin. Tumakbo rin paakyat si Anghelita. Naiwan kami ni Lorenzo sa sala.

"Hay,hanggang kelan ka ba magpapaligoy ligoy?manong? Kung talagang ama kita,bakit hindi mo kilala ang nanay ko? Hindi siya tanga,at ayaw niya ng paligoy ligoy. Sige ka,baka mainlove si nanay kay kuya Jun. Matalino yun at prangka tulad ni nanay. Ikaw din." Sabi nito habang nakatitig sa akin. 

Kaya naman nabuo na ang desisyon ko.

"Sige,bahala ka ng ubusin ang banana cue na ito. Magpaplano muna ako. Babalik ako kaagad at kukunin kayo." Tumayo ako at palabas na sana ng hawakan niya ang isang kamay ko.

"Kailangan kasama namin si ate,kase kung iiwan siya,hindi kami sasama ni nanay sayo."



















Leanne

Magkakaharap nanaman kami sa living room ng bahay ni mommy dito sa Montana subdivision.

Pailing iling si mommy, napakagulo kase ng mga pangyayari. Si Ramon naman ay tahimik at nakamasid kay Rafael.

Alam ko naman  na dating nagkaroong ng damdamin si Ramon kay Angie. Pero alam kong hindi naman ganoon kalalim iyon. Hindi ko siya kinompronta dahil ipinakita naman niyang ako ang pinipili niya. Isa pa'y alam kong pinaraya na niya ang kaibigan ko sa pinsan niya noon.



"So,ano ang plano mo?" Tanong ni Giselle. Napakalaki ng tiyan nito at nakakatakot tingnan. Parang ano mang oras ay manganganak na.

"Kung pwede sana,dalawin niyo siya. Base sa sinabi ng anak ko. May naaalala na si Angelina. Siguro ay hindi lang nito alam kung paano babalik sa atin or baka hindi pa bumabalik ang lahat ng memorya nito." Paliwanag ni Rafael.

"Hindi ba dapat sa pamilya mo magsimula?" Katwiran ng asawa kong si Ramon.

"I know, kaya nga naisip kong dumalaw roon kasama kayo. Or kahit una una. Nakausap ko na si mama. Pati si Eve and Kenneth,uuwi ng Pinas para sa planong ito."

Magandang ideya nga...

"Kami na lang ni Ramon. Malaku ang naitulong niya sa akin na makabalik sa mag-ama ko." Hinawakan ni Ramon ang magkabilang kamay ko.

"Sabay na tayo sa kanila Steph..Namimiss ko na si best friend ko." Sabi ni Giselle na sinang-ayunan ni Stephen.

"Salamat sa tulong ni-yo?"

"Hi! Galing ako sa bahay ni Rina!!! Dumalaw ako,and guess what!? Kilala na niya ako!! Grabe,sabi niya wala daw kuoas ang ganda ko. Sabi naman sa inyo eh, ako ang unang maaalala ni Angelina.. Gandang ganda sa akin iyon.eh...haha!!"

Si Marga... Nangunguna nanaman. Napatingin ako kay Giselle. Nag-aalburoto ito.

Pero si Rafael... Ayun at naagaw na ni Marga.. Nag -uusap na tungkol sa expedition ni Margang nakalong dress na kulay talong.







Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon