Chapter Three

666 9 0
                                    

Angelina

Nagbabasa ako ng wattpad sa phone ko ng may kamay na tumakip dito. Napamaang ako ng masilayan ko ang mukha ni Renz. Ilang araw na rin mula ng ako ang kasama ni Eve dito sa grocery,bakasyon na kasi. Kasalukuyang natutulog si Eve sa second floor kung saan may isang room na sadyang pahingahan namin. Ang sistema namin ni bakla ay siya ang magbabantay sa hapon hanggang hating gabi,tapos ako naman hanggang tanghali. Si tita Fina ay tila ba may pinagkakaabalahan. Nababahala man ako ay isinasawalang isip ko na lamang. Siguro ay kailangan din niyang magliwaliw upang mabawasan ang stress sa buhay.

"Bakit ikaw na agad? Nasaan yung si bakla?" Nakangiting tanong sa akin ni Renz.

"Maaga siyang natulog, binabawi niya yung ilang buwan na pagpupuyat niya." Hindi ko alam pero gusto kong titigan yung cellphone ko. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya.

Ilang araw na simula ng maglagi ako dito ay hindi ko siya naabutan. Lagi na lamang si Ramon ang nakikipag-usap sa amin ni Eve. Marahil ay lumuwas ito pauwi sa Manila.

Napakalamig ngayong gabi. Mabuti na lamang at kalahati lang ng pinto ng grocery ang aking binuksan. Ngunit ang lalaking ito, tila ba balat kalabaw at nakasando pa. "Nilalamig ka ano?", puna niya nang makitang yakap ko na ang akong mga braso,"tara at magkape tayo,may mainit ba kayong tubig dito?" Itinuro ko yung water dispenser na may hot and cold at ngumiti nanaman si singkit. Bakit kaya ang ganda ng mata niya kahit parang guhit nalang iyon? Siguro dahil iyon sa malaki ang mga bilugan kong mata kaya't nagigiliw ako sa mata niyang mga singkit.

"Kape ba ang gusto mo?", ang muling pukaw nya sa aking lumilipad na atensyon. " Hindi ako nagkakape, acidic ako. Maraming bawal." Nakangiting saad ko sa kanya.

Ang akala ko ay matapos niyang magbayad ay babalik na siya sa Bar, malapit na rin kase magsara ang kanilang bar,hanggang alas dos lang ng madaling araw iyon, nakakuha na ng mga alak kaninang hapon si Ramon kasama yung tauhan nilang si manong Jeff,na kaututang dila ni Eve, kung kaya't hindi ko talaga inaasahang pupunta at makikita ko si Renz.

Crush na crush ko si Renz mula noong una ko siyang nakita. Hindi ko ipinangangalandakan pero nag uumapaw ang kasiyahan ko kapag nasisilayan ko ang kanyang mga ngiti.

"Makikitambay muna ako dito ha? Karamihan sa mga costumers namin sa bar ay mga fresh graduates,hinahayaan ko muna na pagkaguluhan nila si pinsan. Nasa loob yung dalawang ex girlfriend nya." Hindi ko alam pero parang sya ang maraming sinasabi ngayon. Kung sa bagay,mabuti na rin ito kesa ako ang mag salita at magkandabulol pa ako sa harap nya. Naupo sya sa upuan na katabi ng inuupuan ko.
"Uhm,pwedeng magtanong?" Sana ay pumayag siya,gusto ko talagang malaman eh.

"Sure," nakangiti na sabi niya bago humigop ng kape sa styrocup.

"Ilang taon ka...I mean, ilang taon na si Ramon?sinong mas matanda sa inyo?" Naku naman..parang tanga naman ako nito...baka isipin nya pinagpapantasyahan ko yung pinsan niya. At hindi nga ako nagkamali. "26 na si Ramon,mas matanda siya sakin ng tatlong taon." Nawala yung mga ngiti niya. "Sana ay hindi mo mamasamain ang sasabihin ko,pero marami ng babae si Ramon,at meron na siyang isang taong gulang na anak. Although wala siyang asawa. Not unless gusto mong mag-alaga ng mga bata?" Grabe. Nakataas yung isang kilay niya. Ang cute talaga ng singkit na ito,kaso bakit nakatitig siya sa akin?

"Bakit ka nakangiti?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya't bigla akong naubo. "Ah,haha,kase,wala naman akong gusto kay "kuya" Ramon. Naitanong ko lang kase mukha pa kayong bata para magkaroon ng business. Ayun lang." Sweet,ang galing kong lumusot. Age lang niya ang importante sa akin. So eight years gap kami.hihi

"Ganun ba?akala ko'y isa ka sa tagahanga ni Ramon." Nakangiti na ulit siya.
"May isa pa akong tanong,kung maaari?" Hirit pa Angelina. Ikaw na makapal ang mukha at feeling close..
"Sige,itanong mo na,okay lang kahit madami pa yang itatanong mo." Nakangiting saad nanaman niya. "Ikaw ba? May girlfriend ka na?" Nakayuko at pabulong kong tanong sa kaniya. Narinig ko ang mahina niyang tawa at napamaang ako nang titigan ko ang kaniyang namumulang mukha,lalo na ang kanyang singkit na mga mata na nakatitig sa akin. "Akala ko ay hindi mo na itatanong...."

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon