Renz
Narito ako sa labas ng bahay nila Angelina. Nang marinig kong bumukas ang gate ay lumabas na ako ng kotse.
Unang lumabas si Angel ko.
Kasunod niya yung Rafael na iyon.tss"Kanina ka pa ba love? Pasensya ka na,tinanghali ako ng gising.
Nasanay kase ako sa bakasyon na tanghali na bumangon. Tara na." Sabi niya habang palapit sa akin.Pinagbuksan ko siya ng pinto,bago pa siya makasakay ay tinawag niya yung isa.
"Rafa,sumabay ka na."
"Wag nalang. Maglalaro pa ako sa court. Mauna ka na." Sabi nito na hindi natingin sa akin.
Wala akong pakialam sa lalaking iyon. Kung bakit ba kase dito nakatira si Angelina. Inaya ko na siya noon bago matapos ang pasukan pero tumanggi siya.
Kaya ngayon, heto at araw araw ko ulit makikita ang mukha ng batang iyon.
Pagkahatid ko kay Angelina ay hindi na muna ako umalis. Baka lumabas pa iyon. Or baka sumama sa iba. Kapag naman sa bandamg likod ako magpa-park ng kotse ay natatanaw ko ang loob ng eskwelahan.
Habang nakamasid ako ay may kumatok sa kabilang side ng kotse. At napangiti ako ng makilala ko ito. Pinapasok ko pa sa passenger's seat.
Kaya ganun na lang ang gulat ko nung bigla niya akong pagsusuntukin.
"Gago ka! Baliw ka ba? Ano bang ginagawa mo kay Angelina !!
Pag hindi mo itinigil ang ginagawa mo, baka ipapatay kang gago ka. Ngayon palang layuan mo na si Angelina. Kung hindi ay baka hindi ako makapagpigil at gawin kitang baldado! Hayup ka!!!"Halos hindi ko na maimulat ang mata ko sa dami ng pagdurugo sa mukha ko. Maging ang katawan ko ay nananakit. Ang gagong iyon! Gumagamit ng knucles na bakal. Tang-ina siya!!!
Angelina
Nagtext sa akin si Renz. Busy raw ito at hindi ako masusundo.
Nakahinga ako ng maluwag.
Ngayong school year ay hindi ko kaklase si Giselle. Si Marga lang. Ang pagkakaalam ko ay iba rin ang section ni Stephen. Si Rafael ay napunta sa Star section1 Star section2 yung sa amin ni Marga.Kahit naman sobrang arte ni Marga ay matalino ito. Talagang nag-uumapaw lang ng bilib sa sarili pero talagang maganda ito.
Kaya pala nag accelerate si Rafa ay gusto nitong sumabay sa pag-aaral ko sa Manila. Wala namang kaso sa akin iyon. Ikatutuwa ko pa nga.
Mga bago ang kaklase ko kaya dikit ng dikit sa akin si Marga.
Naalibadbaran man ako ay hinayaan ko na. Hindi naman kami magkaaway tulad nila ni Giselle.Hapon at World Hystory ang tinatalakay namin. Magkakaroon kami ng talakayan tungkol sa natutunan namin noong third year. Magkahiwalay ang grupo namin ni Marga.
Pinakaunang natapos ang grupo ko kaya't fina-finalize na lang namin yung kaunting mali. Yu g iba komg kagrupo ay matulungin kaya natapos agad kami. Napili namin si Alexa na mag present.
Kinakausap ko siya at kinikwentuhan about sa klase namin last year. Tahimik lang siyang nakikinig hanggang sa nagsi-upuan na yung mga kasama namin at kaming dalawa na lang ang nasa lapag.
"Alam mo,Angelina? Hindi ko maexplain pero ayaw ko sayo. Ayaw kitang kausap. Kahit makasama sa isang grupo. Sana ito na ang huling magigung magka-grupo tayo."
Nilingon ko siya at nginitian ng matamis,"bakit naman? May ginawa ba akong masama sayo?"
"Ah basta,ayoko sayo." Sabi niya at pilit na ngumiti sa akin.
Lumapit ako sa kanya. Inayos ko yung buhok niyang nakatabing sa mukha at isinabit iyon sa kanyang tenga.
"Kung ayaw mo sa akin, deal with it on your own. Kase ako, ayoko rin talaga sa mga taong pabida at pathetic. Call me names, I don't mind. But.don't start unnecessary conversation with me. You're not that fuckable little lady." Pabulong kong sinabi habang nakangiti sa kanya.
Kung akala niya ay alam niya ang takbo ng isip ko or kahit kaunting hint sa buhay ko, nagkakamali siya. Best friends, boyfriend. Family or not. Walang nakakakilala kung sino talaga ako.
At hindi ako ang dapat umiwas aa kanya. Siya ang lumayo kung gusto niya. Hindi ako santa oara pagbigyan ang kagustuhan niya.
Natapos ang presentation at hindi makatingin sa akin si Alexa. Nung uwian na ay sinadya kong sundan siya sa restroom.
"No matter how I think about it I think you caught my attention. Tell me, what is it that you don't like about me, Alexa dear?"
"Sorry. Kalimutan mo na yu g sinabi ko." Nakayukong sabi niya.
"Okay. Kalimutan mo na rin na magkaklase tayo. Be yourself but never talk or look at me. I don't want you lingering anywhere near me. Got that?"
Tango lang ang sagot niya.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Maxine.
"Angelina!! alam mo bang dito na ako mag aaral at sa parehong klase tayo,!!!" Umabrisete sa akin si Maxine. Nilingon ko ang naiiyak na si Alexa sa ladies room at kinidatan ito.
Wag ako ang kalabanin niya. Tss.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?