Rodel
Kasalukuyang kong sinusuklay ang buhok ng limang taong gulang kong anak na si Anghelita.
Lagi namang maiksi ang buhok nito. Hindi ko pinapahaba dahil sa takot na mahawa ito ng kuto ng mga kalaro. Ngayon ay pansamantala kaming naninirahan sa iskwater dito sa Maynila. Hinihintay ko lang ang ale na nagkautang sa akin ng malaking halaga noong ako ay may maayos pang trabaho.
Balak ko kasing umuwi ng Batanes kung saan ako lumaki. Ako ay galing sa ampunan doon at napadpad lang sa Maynila noong sumubok magtrabaho para kumita ng pera.
Dito ay nakilala ko ang kasintahan kong si Lucia na isang bar girl. Nagmahalan kami at umuwi sa kanila sa Tacloban. Doon ay nagkaroon ako ng regular na trabaho bilang security guard. Siya naman ay nakontento na sa pagiging may bahay ko. Lumaki rin kase siyang ulila at sa Tacloban na lumaki kung saan siya kinupkop ng mga kapitbahay at pinagpasa pasahan ng mga kaibigan ng namayapang magulang.
Naging masaya ang pagsasama namin. Hanggang sa isilang ang anak namin na si Anghelita. Iyon ng pinakamasayang ala ala na binaon ng aking asawa. Nasa ospital ako at binabantayan ang anak kong premature baby sa loob ng incubator. Nasa inuupahang boarding house naman si Lucia na kalalabas lang ng ospital.
At ganun nalamang ang pagkadurog ng puso ko nung lamunin ng tubig ang asawa ko ng magkasea-surge sa Tacloban. Ligtas kami ng anak ko dahil mataas ang palapag ng ospital. Pero hindi ko na muli pang nakita ang bangkay ng asawa ko.
Narinig ko ang mga yabag sa labas ng bahay. At bago pa ako makatayo ay dumating si aling Mela,yung sinasabi kong dating nagkautang sa akin noong binata pa ako.
"Hijo,hindi ba't uuwi ka ng Batanes? Makikiusap ako sa iyo. Dalhin mo itong batang ito."
Napatanga ako sa ale, kailangan ko nga ng pera,bakit pa ako magdadala ng dagdag gastusin?
Pinaupo niya ang babaeng nakatulala at balot na balot ang kasuotan. Teka? Bathrobe yata iyon na pinagpatong patong na isinuot dito.
"Halika dito, ako bahala sa pamasahe niya. Ilayo mo siya nv Maynila hijo. Kawawa ang dalagang iyan. Nasabi ko naman sa iyo na puro sindikato ang nanunuluyan sa Inn na pinapasukan ko,hindi ba? Mukhang balak nilang patayin ang babaeng iyan. Naaawa ako. Puro pasa pa nga ang katawan niya at nung makalingat ang mga sangganong intsik na iyon ay itinakas ko siya at kumuha ng malaking halaga sa isa sa mga maletang nakabuyangyang. Eto, at kunin mo. Maawa ka sa batang iyan Rodel. Iligtas mo ang buhay niya. Kailangan ko ng bumalik roon bago pa ako abutin ng gabi. Tumakas lang ako ngayon dahil tanghalian. May dala akong lumang damit. Pag palitin mo ang babae at itali mo ang buhok. Bahala ka na kung paano mo siya ilalayo. Ipagdarasal ko kayo at nawa'y gabayan kayo ng Diyos pagpunta sa Batanes." Hindi ako pinagsalita ng ale at tuluyan ng umalis.
Napatingin ako sa babaeng tulala. Totoo nga at may mga pasa ito sa mukha. Hindi ko alam kung hanggang saang parte ng katawan nito ang napuruhan. Dahan dahan akong lumapit. Ang batang anak ko ang unang lumapit sa babaeng nakaupo sa papag.
"Na-nay!"sabi ng munting bata.
At sa kinagulat ko ay gumalaw ang babaeng tulala at inabot ang anak ko. Yinakap niya ito at umiyak ng umiyak.
Habang pinapanood ko ang anak ko na nilalaro ang mahabang buhok ng babae ay may kung anong ideya ang pumasok sa isipan ko.
" Anak,nakikita mo itong mga damit? Bihisan mo si nanay tulad ng pagbibihis mo sa manika mo. Dali anak. Tapos papasyal tayo kasama si nanay!"
Tuwang tuwang lumapit ang anak ko sa babae. Nakikinig ito sa anak ko pero hindi nagsasalita. Lumabas muna ako para bumili ng gamot at makakain. Masyadong malaki ang perang ibinigay ni aling Mela. Sobra sobra iyon para pambayad sa inutang niya noon. Kaya gagawin ko ang ipinakiusap niya. Hahayaan kong maging ina siya ni Anghelita hanggang sa ligtas at magaling na siya.
"Nanay, para kang yung manika kong si Jeniper. Mahaba yung buhok niya,ikaw din."
Pagdating ko sa bahay ay sinusuklayan nito ng babae. Nakatulog ito at nakasandal sa pader habang sinusuklaya ng bata. Nakabihis na nga ito at maayos na ang itsura. Medyo madungis ang mukha kaya naisipan kong punasan ang mukha at katawan nito ng basang bimpo.
Kinagabihan ay naisip kong umalis na ng Maynila. Kaunti lnv ang gamit ko at ganun din ang sa anak ko. Pumara ako ng madaling araw ng taxi papuntang airport kung saan may masasakyan na papuntang Batanes. Kasama ko ang anak ko at ang dalagang tulala.
"Nanay! Nanay! Gising ka nanay!" Naalimpungatan ako sa iyak ng anak ko. Magkasama sila sa kabilang kwarto ng anak ko. Napatakbo ako papunta roon at nakita ko pa ng pagbangon nito habang naiyak. Ang anak ko namn ay tumahan at niyakap ang babae.
"Nanay,walang bad dito. Babantayan tayo ni tatay, wag ka ng matakot."
Napatingin ito sa bata at yinakap ito.
"Salamat.....anak."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ang tuwang tuwa kong anak na yinapos pabalik ang babae.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?