Chapter Sixty Nine

184 4 0
                                    

Marina

"Angelina, pwede bang manligaw? Mahal na kita eh. Iingatan kita,mamahalin. Sana akin ka na lang. Promise,I'll do my best. Kahit ihatid sundo pa kita araw araw, mapuyat man ako mabantayan lang kita tuwing narito ka sa grocery. Kahit anong gusto mo na kaya ko ay ibibigay ko sayo. Mahalin mo lang ako." At yumuko ang lalaking tila ba nasa edad ko lang ngayon o mas bata ng kaunti dahil pulang pula na ang buong mukha nito.

"Hanep insan. Mana ka talaga kay tito at dad,mga makata.hahahha"sabi ng isang boses na hindi ko kilala..hindi ko iyon makita. Pero tila ba malapit lang sa amin.

Hindi ko alam ang nangyayari pero kusang sumagot ang boses ko...
"Sige.tayo na.I-mark mo sa kalendaryo. November 12,biyernes.. Ten fifty-six ng gabi. Tayo na. Girlfriend mo na ako."

At hinawakan ko ang isang kamay niya. Ang boses ng pinsan nito na hindi ko makita kung nasaan ay tawa ng tawa at kinakantiyawan kami......

Dumilim at nagbago ang lugar. Nasa loob ako ng taxi. Mayroong lalaking nakayakap sa akin. Naririnig kong naiyak ako habang nakasubsob sa dibdib nito.

"Tahan na Nah-nah. Hayaan mo na... Nandito naman  ako eh. Alam mo namang kahit mawala pagmamahal ng lahat sa iyo, ako lang ang patuloy na magmamahal sayo ng paulit ulit." Malumay na sabi nito at hinalikan ako sa ulo. Hindi ko makita ang mukha nito. Gusto kong makita kaya kumalas ako. Pero puro luha ang mata ko at hindi ko siya makita ng maayos.

"Gusto kong palitan lahat ng tao sa buhay ko....kaso sayang. Sayang kase eh."  At umiyak ulit ako...hinawakan nito ang magkabilang panga ko,pinahid ang luha sa pisngi ko.

"Palitan mo man ang lahat. Hinding hindi ako aalis sa tabi mo. At kung mawala ka man sa tabi ko. Paniguradong dala dala mo ang puso ko." Ngumiti ito.

Maya maya ay binatak nito ang pisngi ko..

"Ahhh!"

"Kaya itigil mo na ang kakangawa mo! Sige ka,hindi na kita aamuhin kapag nangawa ka pa pag-uwi. Aamuhin kita kung malungkot ka,pero kung nangawa kang parang baka,ikakandado kita sa kwarto mo!!"

"Oo na!mashakit!"

Binitawan nito ang pisngi ko. At hinalikan ako sa tungki ng aking ilong. Niyakap niya akong muli at naramdaman ko ang paghawak niya sa aking bewang. Doon iyon nakapatong at hindi nito inaalis.

"Nanay,gising na. Sabi niyo ay ngayon kayo mag-aaply ng trabaho? Nakakain na kami ni Lorenzo ng almusal. Nagluto n si ate Andrea,nakaalis na nga eh.

...papasok na kami nanay. Nasa labas na ng gate si Lorenzo."

Humalik sa pisngi ko si Anghelita. At lumabas na ng kwarto ko.

Napabuntong hininga ako.

'Sino sa kanila ang mahal ko at bakit hindi ko makita ang mukha nila?'

Boses lang nila ang tandang tanda ko.





Nakaupo ako sa mahabang bench sa waiting area.
Maraming nag-aapply, pero hindi na ako umalis,isa pa ay may mga papeles na akong dala ngayon na inayos ng aking asawa noong ipinagbubuntis ko palang si Lorenzo.



Rafael

Napadaan ako sa hallway kung nasaan si Angelina. Kompirmadong siya nga iyon. Alam kong mag-aaply siya ngayon..kaya naman sinadya kong pumunta sa interview niya.


"So, Mrs. Dayos.. You have an interesting background. How can we be sure that you are fit to be working with us?"tanong ni Stephanie,yung supervisor sa branch namin sa kabilang bayan. Nakamata naman yung supervisor namin dito na si Mr. Salazar. Ka-close ko iyon at nakatitig kay Marina Dayos.

" Well ma'am, I've been around for weeks now,and I saw that there are errors on the process  of manufacturing some supplies. All I can do is do a good job and work as hard as possible."

"Impressive. You're quite observant. You can start as soon as you submit your other requirements. "

Tumayo ang babae. Nagpasalamat ulit ang babae bago lumabas. Sinundan ko ito. Pinagtitinginan ito dahil karamihan sa trabahador ng company ko ay mga nagtapos sa Don Manuel High.

Pero wala sa kanila ang atensyon ko kung hindi sa babaeng mabilis at pulidong pulido ku g maglakad. Yun nga kang ay hindi nito pansin ang pagtaas ng palda nito sa bandang likuran nito. Kita ang hita nitong makinis.

Sinisita ko yung mga nakatingin. Hanggang sa paglabas ay nakasunod ako sa kanya. Para hindi halata ay inilabas ko ang cellphone ko at kunwari ay nagtetext ako.

Lumagpas ako sa kanya nung huminto siya sa isang food cart sa plaza na kalapit lang ng Company building.

"Manong Joy! Kamusta po ang benta natin ngayon?" Masayang bati nito sa matandang lalaki.

"Naku Rina! Ikaw palang ang bibili. Kay aga pa at wala pang mga estudyante. Kaya nga ngayon palang ako nagluluto ng banana cue. Heto at malapit na maluto. Gusto mo ba?"

"Oho,tatlo po. Pabalot yung daawa. Namimiss na ng  mga anak ko yung banana cue niyo. Mataba kase at matamis."

"Ikaw talagang bata ka! Sabi ko sayo aayusin mo ang salita ko. Tignan mo yung gwapong mama oh,! Napatawa sa sinabi mo. Baka isiping bastusin kang babae." Pangsisita ng matanda.

Tumawa lang ang babae. "Subukan lang nilang bastusin ako. Makakatikim sila ng high kick mula sa high heels ko. Hahaha"

Nagtawanan ang dalawa. Lumingon si Angelina sa akin at tinaasan ako ng kilay. Hinila nito pababa ang paldang nakatupi pataas.

"Ikaw,gusto mo ng sampol?" Tanong nito sa akin.

Napamaang na naituro ko ang aking sarili..

"A-ako?"

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon