Chapter Seventy Five

276 5 0
                                    

Lorenzo

Buntis si Mama,si papa naman ay nagsisipag na sa trabaho. Ilang beses na ba akong napuyat dahil sa bangayan nila?




Narito ako ngayon sa pinapatayong paaralan sa Lumar City. Grade two na ako ngayon. Kasama ko si tito Chico na pinapasyalan lahat ng sites na itinatayo.

Kasama ako ni mama na magdesisyon tungkol sa paaralan na itatayo. Hiniling ko na magkaroon ng music building dahil nahihilig ako sa mga music instruments.

Masaya ako para sa mga magulang ko. Mabuti naman at magkakaroon na ako ng kapatid. Sawang sawa na ako sa atensyon ng mga kamag anak namin. Kapag malaki na ako, sa America na ako mag-aaral. Gusto kong maging Abogado. Yun pati ang pangako ko kay tatay Rodel.








Rafael

Magkatabinkami ni Nah-nah. Mahimbing itong natutulog. Wala nang passionate nights dahil masungit si misis. Mabuti n nga lang at hindi maselan ang pagbubuntis nito. Pero nakakainggit isipin na naibigay lahat ni Rodel ang luho ni Angelina noong maselan ang pagbubuntis ng asawa ko. Kaya naman naisip kong magkaank pa ulit pagkatapos ipanganak ang baby girl namin na ayon na rin sa ultra sound.

Napagdesisyonan na namin na Lauren ang ipangalan sa aming munting anghel. Iyon kase ang kahilingan ng father-in-law kong tumatanda na.



Mahimbing ang tulog ng asawa ko. Ang tanging pakonsweloko ay yung ganito. Kahit nagsusungit ito ay ayaw ako nitong mawala sa paningin niya. Ang isa pang napaglilihian ng asawa ko ay yung dati niyang kaklase na si Alexa. Lagi nito iyong binibigyan ng baked cookies to the point na iiyakan nito kapag tinanggihan ng dalaga. Tila ba hindi na naka move on iyon sa pinsan ni Nah-nah. Wala namang kaalam alam ang mag-asawang Go.


"Rafael,babe, lapit ka dito. Nilalamig ako."

Nagising si Angelina at kinapa kapa ang unan ko. Nahiga akong muli at pinaunan siya sa aking bisig. At muli nga ay itinaas nanaman nito ang isang hita sa bewang ko. Hindi na ito masyadong nakadikit sa akin dahil sa laki na ng tiyan nito. Kaya habang natutulog ito at nakayakap sa akin ay nakapagitan ang anak namin.

"Baby girl, lumabas ka na kaagad ha? Miss na ni papa si mama eh." Kausap ko sa batang nasa sinapupunan ng asawa ko.

Naramdaman kk ang init ng hininga niya nung tumawa siya.
"Para kang bata Rafa, as if lalabas si Lauren para pagbigyan ka, eh next month pa ang ka-buwanan ko. "

Yinakap ko ang aking asawa at hinalikan ko sa noo niya.

"I love you,my Angelina."

"Love you too. Tulog na tayo..  Inaantok pa kami ni baby."
















Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon