Angelina
Christmas Party
Masaya kaming magkakaibigan. Kasama ni Leanne ang baby niyang si Nicholas Joseph aka Jojo. Isang taon at apat na buwan lang pala ito. Akala namin ay dalawamg taon na dahil making bata. August 6 ang birthday ng bata. Gumaya pa sa amin ni Giselle na ipinanganak sa buwan ng Agosto.
Kasama ko si Renz sa school. Hindi lang kami masyadong showy dahil akala ng mga teachers ay pinsan ko siya. Nakakatawa dahil hindi naman kami magkamukha. Hindi ko nakita pa si Rafael mula ng mag hiwalay kami sa gate kaninang umaga.
Sa potlock ay kasama ko si Stephen,Giselle, Marga and Leanne. Si Marga ang nag decide na healthy food ang dalhin nin kaya pansit ang dala namin. Isang bilao ng pansit canton at isa ring bilao ng pansit palabok. Sa bahay nila Stephen kami nagluto kaninang madaling araw. Dun rin kami nagpalipas ng gabi. Ewan ko ba pero nagpumilit lang makisali sa gulo namin si Rafael, dikit tuloy ng dikit si Marga sa kanya. Hindi ko alam kung anong ambag niya sa klase nila.
Balik tayo dito sa classroom.
Pinagpapasa-pasahan mga classmates namin si baby at ang alam nila ay pinsan ni Leanne. Pinili na naming itago muna para hindi husgahan si Leanne sa eskwelahan.Lumabas ako at nilapitan si Renz na kinakausap ang mga guro. Si ma'am Malena ay panay ang papansin sa boyfriend ko. Kaya sabi ko ay magpapatulong lang ako sa pinsan ko na mag-ayos ng mga pinagkainan.
"Selos ka love?" At talagang tinanong pa oh!
"Ay hindi. Lakad na at makipaghuntahan ka pa dun. Teacher ata ang gusto mo, wala akong balak maging teacher.hmp!" Iniwan ko siya sa may kainan at lumabas ng classroom. Lumingon ako at nakitang tatawa tawa siya kaya natawa na rin ako. Inilabas ko ang cellphone sa aking bulsa at itinext siya.
'C.r. lang ko,nakakakilig ang ngiti mo love :)'
Nagreply agad siya bago ko pa maibalik ang cellphone ko sa aking bulsa.
'I love you so much my Angel. Kahit wala kang trabaho, kaya kitang buhayin bilang reyna ko.'
Talaga naman oh! Haha, ako na ang kinikilig.
Nenita Gutierez Mendez
Halos mawalan ako ng ulirat ng makita ang asawa ko sa aming bakuran. Kasama nito ang lalaki sa larawan na ipinakita sa akin ni Renz,ang nobyo ng kaibigan ni Leanne.
"Mahal ko. Narito na ako. Patawarin mo ako at dahil sa akin ay nasaktan kayo." Umiyak na ako ng tuluyan at sinalubong siya ng yakap. Matutuwa si Leanne kapag nalaman niyang narito na ang kanyang daddy.
Nagkausap na kaming tatlo. Hihintayin na nila ang pagdating ni Leanne, natatawa ako sa mga kalokohan ng asawa ko. Hindi pa alam ng lalaki na si Leanne ang hinahanap niya at ang pangalan nito. Ang alam nito ay Princess ang pangalan ng anak ko. Tumanggi rin si Ric na pumasok sila ni Ramon habang wala pa raw si 'Princess'. Iyon ang endearment namin kay Leanne nung bata pa ito.
"Sa tingin niyo po ay magugustuhan parin ako ng anak niyo?" Nakakatuwa ang binata sapagkat hindi ito mapakali at ilang ulit ng itinatanong iyon. Seryosong seryoso naman ang asawa ko. Kami nalang ang nagkamustahan. Malaki ang pasasalamat ko kay Ramon. Dahil sa kanya ay nakulitan na si Sylvia na bestfriend ko na pauwiin na sa akin ang aking asawa. Sa pagkakaalam ko ay mahal na mahal pa rin niya ang asawa ko. Alam ko namang mahal ako ni Ric kaya hindi ako nagtatampo na sa naturang doktora pa siya nagpagamot.
"So,sa Manila ka na magpapatuloy ng gamot ngayon. Sasamahan ka namin ni Le-Princess. Wag kang mag -alala. " Sabi ko kay Ricardo.
Napatingin kami kay Ramon na pabagsak na umupo sa katapat naming upuan sa garden.
"Paano kami ng anak ko kung pupunta kayo sa Manila?" Hay, ang cute ng binatang ito. Napailing iling na lamang ang aking gwapong asawa.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?