Tahimik lang si Rafael hanggang sa pagsakay namin pabalik sa hotel. Susunod pa nga pala kami sa Star City.
Pagpasok namin sa hotel room ay naghanda na ako ng pamalit at maliligo muna ako dahil nanlalagkit na ako sa pawis. Bago pa man ako matapos ay nahiga si Rafael sa kama kaya nadaganan niya ang aking mga damit.
"Gusto mo pa bang makilala ang tatay mo?" Nakatingin siya sa kisame at hindi sa akin.
"Wala akong pakialam sa kanya,at ikaw," hinampas ko ng pouch yung balikat niya,"lumayas ka jan.nagugusot ang damit ko.tabi,layas, shoo!."
Tatawa tawang gumulong siya sa kama hanggang sa headboard nito at itinakip ang isang unan sa mukha niya. Ako naman ay maliligo na.
Pagdating namin sa Star City ay hyper na hyper si Chico ng madatnan namin. Inaya niya ako sa roller coaster at yun ang paulit ulit naming pinilahan. Nang gumabi na ay nakatulog si Chico sa likod ni Kenneth at namamasyal sila ni Eve na akala mo ay isang pamilya. Cute sana silang panoorin kung hindi lang nakakabwisit yung bunganga ni Eve na talak ng talak.
"Tara sa Ferris Wheel." Hinila ako ni Rafael at pumila kami. Habang nakapila siya ay nagpaalam akong bibili ng tubig at popcorn.
Tubig lang din ang hilig inumin ni Rafael dahil sensitive daw ang tiyan niya. Pero sa palagay ko nag iinarte lang siya. Nakita ko nga siyang bumili ng Zagu noong foundation day sa school. Hinayaan ko na lang.Nakita ko sa pila ng costumers si kuya Tonton. Nginitian niya ako at tinanguan ko lang siya.
Kahit na mukha siyang mabait ay ayoko sa kanya. Siguro ay dahil sa hindi magaan ang loob ko sa mga mang aagaw. Kaya hindi ko siya matanggap sa ngayon. Baka balang araw ay maging okay rin kami.
Pagbalik ko ay saglit nalang kaming naghintay at nakasakay na rin kami ni Rafael."Sa December,sa kasal ni kuya,may sasabihin ako sayo. Mahigit isang buwan nalang iyon. Kaya sana,mahintay mo." Seryoso si Rafa kaya natawa ako.
"Masusunod po kamahalan."Bukas ng hapon ay uuwi na kami sa Lumar City. Lunes ay may pasok nanaman. May quiz pa nga pala kami sa Math sa wednesday. Pag uwi ay mag rereview agad ako.
Nahiga na ako matapos kong mapatuyo ang aking buhok. Si Rafael ay nakikipag kwentuhan kay Keneth sa living room.
Matagal bago ko makuha ang pwestong gusto ko at nagsisimula palang akong mahimbing ng maamoy ko si Rafael na mukhang uminom nanaman ng beer. Ini-lock niya ang pinto at narinig ko pa ang pagbukas ng zipper ng pants nya nung binuksan niya ang ilaw sa cr. Nakatulog na ako ng tukuyan.
Hindi ko alam kung anong oras iyon pero nakakaramdam ako ng init sa aking katawan at para bang gusto kong gumising,yun nga lang ay inaantok talaga ako. Hindi ko kayang imulat ang aking mga mata. Pero parang gising ang diwa ko. Hindi kaya nanaginip lang ako?
At ayun na nga. May napakalambot na bagay ang gumagalaw sa bibig ko,tila ba mahinhing tubig iyon na tumatama sa aking bibig. Mainit pero hindi nakakapaso. Nauuhaw ako. Pinilit kong higupin iyon nang parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig at naimulat ko ang aking mga mata. Hindi ko namalayan na nakaupo na ako sa bewang ni Rafael habang hinahalikan niya ako at yapos niya ng dalawang braso ang bewang ko.
Ano itong ginagawa namin?
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?