Bumulong sa aking kaliwang tenga si Renz. "Thank you. Pero sana hinayaan mo muna akong ligawan ka. Nakakahiya naman na sinagot mo agad ako."
"Bakit? Halos isang taon na rin naman ang paramdam mo eh. Dinaig mo pa yung mga multo. Haha." Wala na akong magagawa. Siguro ay pag-ibig itong nararamdaman ko. Napakasaya ko kapag kasama ko siya. Magaan sa kalooban at totoong totoo.
"Oy bruha! Talagang lumandi ka pa jan. Uuwi tayo. Emergency. Tara na!" Mabilis ang salita ni Eve habang kinukuha ang kanyang bag sa stock room.
"Ihahatid ko na kayo, mahirap kung magtataxi pa kayo dahil sobrang gabi na." Ang sweet naman ng boyfriend ko. Ito na ba yung part na kikiligin ako?
"Sabing itigil ang landi eh! Kung wala kang kukunin ay tara na." At dumeretso na si Eve palabas. Ipinaabot ko lang yung cellphone kong nakacharge at yung wallet ko sa mesa sa loob ng counter. Inakbayan ako ni Renz sa paglabas namin.
Nakasambakol ang mukha ni Eve mula sa side mirror. Kung sa bagay, laging nasisira ang mood nito kapag naantala ang beauty rest nito. Dati ko na itong ginising ng hindi ko mahanap ang pera sa kaha na itinabi pala niya sa volt sa ilalim ng sahig. Kung hindi ba naman kase loka eh walang itinirang panukli. Pagka alis ng kostumer ay nagsigawan kami ng panlalait sa bawat isa. Pero after nun ay nagkabati rin kami nung almusal,kinaumagahan.
"So kayo na?" Basag ni Eve sa katahimikan.
Nagkatinginan kami ni Renz,inabot niya ang kaliwang kamay ko at idinikit iyon sa kaniyang pisngi.
"Oo,kami na. Bakit? May problema?" Nataas ang kilay ko ngunit ngumiti sa kanya. Buntong hininga lang ang isinagot niya.
"Ay teka! Mag U-turn ka, hindi sa bahay uwi namin. Sa Lumar Medical Hospital tayo." Pagkasabi niya non ay binalot ng pag-aalala ang puso ko.
"Tsk. Gago ka ba? Bakit mo ginawa iyon? Anong probema mo!?" Hindi ako makapag timpi at hinatak hatak ko ang damit ni Rafael. Kasalukuyang binibigyan ng paunang lunas ang pananakit ng sikmura ni uncle Ted. Malala na ang sakit nito ngunit ayaw nitong magpa chemo.
Nalaman lang namin na nagwala si Rafael ng dumatimg ang dating kalaguyo ni uncle. Pinagtabuyan niya ito. Ngunit ng makita iyon ni uncle,sinundan ng huli ang babae. Sa galit ni Rafael ay pinagsaraduhan niya ng pinto ang ama. Gabi na ng bumalik si uncle at nakainom iyon ng sumpungin ng pananakit ng tiyan.
Inawat ako ni Renz at hinila papuntang canteen ng ospital.
Habang papalayo ay hindi ko inaalis ang masamang tingin kay Rafa na nanatiling nakayuko at hindi kinakausap si Eve na salita ng salita. Nag angat ito ng tingin at nagsalubong ang aming mga mata. Malungkot ito ngunit walang mababakas na pagsisisi sa ginawa. Inakbayan ako ni Renz bago pa kami makaliko sa hallway at kitang kita ko pa ang matalim na mga tingin na Rafa bago pa man siya mawala sa paningin ko.Rafael
Naikwento na sa akin ni bakla ang nangyari. So, sila na pala. Ang tanda na ng lalaking iyon. Baka kung anong gawin nun kay Angelina. Hindi ko alam, pero hindi naman ako natatakot na maagaw si Angelina sa akin. May nararamdaman para sa akin si Angelina. At mas malapit ang edad naming dalawa. Walong taon ang pagitan nila. Darating at darating din yung time na magkakalabuan sila.
Pumasok ako sa room ni papa. Nasa kapitbahay si Chico kaya pinauwi ko na si Eve para masamahan ito sa pagtulog sa bahay. Nakakahiya naman kanila Aling Isay, matanda na ito at maselan na ang pagtulog.
Habang naroon ako ay naisip ko ang sinabi ng doktor. Kailangan ni papa na magpa liver transplant dahil hindi na kaya ng surgery kung saan matatanggal pa ng mga doktor ang tumor sa atay nito.
Kilala ng doktor si papa. Napag alaman ko na last year pa itong nagpapacheck up pero ayaw magpa-admit sa ospital. Nahingi lang ng painkillers at nagmamatigas na hindi kailangang manatili sa ospital. Tila ba gusto talaga nitong magpakamatay.
Habang nakatitig ako sa pagod na mukha ni papa habng natutulog ay naalala ko ang nangyari nung gabing iyon, yung gabi na napanood ko siya at yung babae niya.
Tulala ako at hindi makakilos mula sa aking kinatatayuan. Nanlalaki ang mga mata ko ng makita si papa na naglalakad papunta sa direksyon ko.
"Walastik na bata ito. Nanood ka? Haha." Paglaki mo, ganito ang gagawin mo sa mapapangasawa mo. Siguraduhin mo lang na mahal mo. Para masarap talaga." Ngising ngising sinaraduhan ako ng pinto ni papa. Nang natauhan ako ay bumaba na ako. Nakita ko si kuya na nakauposa sala at may ginagawa sa laptop niya. Pinapasok niya na ako sa kwarto para matulog .
Sa batang edad ko ay inalam ko ang mga pangyayari. Matalino ako kaya mabilis kong naintindihan. Ang kaibahan namin ni kuya ay mas matapang ko at mas may pasensiya kay papa. Isang buwan makalipas nga ay dumating sa bahay si mama galing sa trabaho at may bitbit na manika. Kasunod niya ang anim na taong si Angelina.
Nang una ko siyang makita ay alam kong mahal ko na siya. Na akin lang siya. Hindi ako katulad ng mama at papa ko na hindi alam ang gusto sa mahal. At seryoso ako.Hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin si Angelina. Hindi ako pumayag na siya ang papakasalan ni kuya noon, at lalong hindi ako papayag na mapunta siya sa iba. Ikalabas man lahat ng baho ng mga magulang ko ang kapalit.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?