Angelina
Nakatayo ako sa labas ng cottage. Nakasandal ako sa puno ng buko. Medyo masakit ang katawan ko dahil sa kalokohan ni Rafael. Isang linggo na kami dito at namimiss ko na si Lita at Lorenzo. Kahapon nga lang ay kavideo chat ko si Lita na kasama ni Dad sa Thailand. Naiispoiled na ang bago kong kapatid. Yung pagkukulang kase ni dad sa akin ay ibinubuhos niya kay Anghelita.
Si kuya naman ay nasa Japan ngayon. Inaasikaso nito ang pag-aaral ng panganay na anak na si Julie, pero si Ate Lani na asawa niya ay ka-close ko na rin. May anak pa itong isang lalaki na sobrang likot kaya ayaw ni Lorenzo na pumunta sa bahay namin dahil minsan ng nabasag ang display nito sa kwarto na regalo pa ni mama Fina.
Napayakap ako sa sarili ko. Naiisip ko si Maxine. Sana ay matahimik ito sa kinaroroonan nito. Hindi ko itatanggi na may kasalanan ako sa kanya. Na dahil sa pagiging manhid ko ay patuloy siyang nasaktan. Pero hangad ko na sana ay sa huling panahon niya bago lumisan ay pinagsisihan niya ang pagtalon sa tulay.
Natapos ang pagmumuni muni ko ng yakapin ako ng asawa ko mula sa likod. Pinagbibigyan ko ito sa ngayon. Pero hindi pwede sa akin ang mga pinaggaga-gawa nito sa kompanya. Maraming umaasa sa kompanya at napapabayaan nito iyon. Kaya pagbalik namin sa Lumar ay humanda ito. Walang asa-asawa kapag trabaho na ang pinag-uusapan.
"Nah-nah??" Malambing na bulong nito.
"Hmm?"
"Masusundan na kaya si Lorenzo?gusto kong makita kang buntis. Pati gusto kong mag-alaga ng baby.. Tara!gawa tayo."
Hah! Hinila ako nito pabalik sa cottage.
Pagbigyan na nga ang bata. Lagot naman sa akin ito pag uwi.
Pinalayas ko si Rafael,nag-iinit ang ulo ko. Doon ito naglalagi sa bahay ni mama Fina. Kasama ko sa bahay si Chico at ang anak kong si Lorenzo.
Kasalukuyan akong nag-aayos dahil may kailangan akong ayusin sa kompanya. May mga trabahador na nagwewelga dahil sa hindi tumataas ang sahod ng mga regular na trabador.
Kaya naman hindi ko mapigilang palayasin sa bahay si Rafa. Hindi kasi nito napaghandaan ang sitwasyon. Sinasabi ko na nga ba at umaasa na ito sa kapatid.
Nag-aaral si Lorenzo kasama ang anak ng kaibigan namimg si Leanne na si Jojo. Dito na naglalagi ang mga ito at hindi na raw babalik sa California nang malugi ang restaurant ni Leanne doon.
"Lorenzo,makinig ka kay kuya Jojo mo,at Jojo salamat sa pagtutor mo kay Enzo ha?
Chico,tara na. Tanghali na at kaiangan nating maausap ang mga tao."
Nakipag kausap ako sa lider ng mga nagwewelga, nagpakilala rin ako bilang asawa ni Rafael na si Maitha Andrade.
Napagkasunduan na tataasan ang sweldo ng mga regular na trabahador. Nakaisip din ako ng plano para matulungan ang kanilang mga pamilya.
Kinagabihan nga ay lumuwas ako ng Manila para kausapin si Daddy ko. Natuwa si Lita sa aking naisip at sinabi rin nito sa akin ang napili nitong kurso sa kolehiyo. Lahat ng nasa plano ko ay natutupad.
Ilang linggo rin bago nagpakita sa aking opisina si Rafael. Para itong nagbibinata na kuntodo porma at may dala dala pang roses and chocolates. Pinagtitinginan ito ng mga empleyado kaya pinapasok ko kaagad.
"Nah-nah, flowers for you!"
Naiiling na tinanggap ko iyon. Pinindot ko ang intercom at pinapasok ang sekretarya kong si Harold na nobyo ng kapatid kong si Lita.
"Pwede pakitawag si Andrea sa table niya,ipapaayos ko yung mga bulaklak na dala ng asawa ko. Thank you."
"Babe, Nah-nah,sorry na. Masyado akong naging busy sayo kaya napabayaan ko. Sorry na, wag ka nang magalit. Ilang linggo na akong nalulungkot,baka madepressed na ako nito.
..minsan nga naiisip ko na baka panaginip lang ang lahat at paggising ko wala na ulit kayo ni Enzo..".
" aysus,nagdrama pa... Balita ko kay kuya Tonton eh wagas kang magvideoke sa bahay nila." Tinalikuran ko ito at inilagay sa drawer ko ang chocolates.
"Eh Babe,nakanta nga ako. Puro nakakaiyak naman. Yun kase ang nararamdaman ko kapag malayo ako sayo. Feeling ko broken hearted ako." Madrama na pahayag nito. Kaya natatawa si Andrea na kakapasok lang at kinuha ang bouqet ng roses sa desk ko. Nag fighting sign pa ito kay Rafa.
"Sige na,umuwi ka na sa bahay. At isa pa pala,pinalayas kita sa bahay,bakit pati sa kompanya hindi ka pumapasok?may mga damit ka naman kanila mama ah?" Pang-uusisa ko pa.
"Nagpaamiss din kase ako sayo." Kumindat pa ito bago tumalikod sa akin.
"Eherm." Parinig ko. Kaya humarap ito sa akin ng nakangiti.
Tinaasan ko ito ng kilay at nagcross arms. "Kiss ko?"
Natatawang lumapit ito at hinalikan ako ng parang walang bukas. Pinahid pa nito ang lipstick kong kumalat.
"I love you Nah-nah."
"Oo na,I love you rin. Ayus ayusin mo trabaho mo kung ayaw mong makipag hiwalay ako sayo. Magiging dalawa na anak natin kaya magtino ka na."
Nanlaaki ang mga mata nito at ngiting ngiti...
Nung nasa labas na ito ng opisina ko ay narinig ko pa ang pagsigaw nito. Ipagsigawan ba namang buntis ako. Kung hindi ba naman mukhang siraulo ang asawa ko. Tsk tsk.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?