Angelina
Maghapong tutok ako sa mga exams. Halos hindi kami nakapag usap nila Giselle at Leanne. Halos lahat kami ay marubdob na sumagot ng mga pagsusulit. Meron lang talagang walang pakialam at mabilis nagsagot dahil hinulaan lang.
Nung mag-uwian na ay saglit lang kaming nagpaalaman ng mga kaibigan ko. Mukhang lutang rin sila katulad ko. Magrereview nanaman kami mamayang gabi kaya wala munang gala at girldates.
Pagkauwi ko ng bahay ay nadatnan ko si uncle Ted. Mukhang abala ito sa pagluluto. Nitong mga nakaraang araw ay lalong humihina ang katawan nito. Malala na ang sakit nito sa puntong wala ng lunas. Pero nagpupumilit parin itong kumilos. May kasama rin kaming caregiver na lalaki, si Jonas. Katunayan ay ito ang nagtuturo kay uncle Ted na magluto. Alasais na rin naman kaya pag akyat ko sa kwarto namin ni Eve ay nagbihis agad ako. Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Rafael.
"Ah,kakain na raw. Tatawagin sana kita." Medyo ilag itong tingnan ako. Umabrisete ako sa braso niya at hinila siya pababa.
"Tara na,gutom nako. Kailangan ko pang magreview."
Pagkatapos maghapunan ay pinaglinis ko na ng katawan si Chico. Maaga namang nakatulog agad ang bata. Mabuti at hindi sumabay ang exams nila sa amin. Nauna sila nung isang linggo at si uncle Ted pa raw ang nagtutor dito.
Kasalukuyan akong nakasalampak sa sala dahil mas mabilis ang internet doon. Niri-research ko yung mga hindi kumpletong kopya sa aking mga notebooks. Mostly ay mga paksa lang ang naisusulat ko dahil sobrang bilis ng mga teachers mag explain. Naiintindihan ko naman pero kapag kailangang balikan ay kulang parin ang kopya ko.
"Ano?kailangan mo ba ng tulong?" Si kuya Jonas. Nakadungaw siya sa math problems na sinosolve ko.
"Ah, geometry to kuya. Kaya ko toh. Sa History ba magaling ka?kailangan ko ng ka-one on one para mamemorize ko yung mga dates eh."
"Sige ba, tapusin mo na yan at nang masimulan na natin. Kuha lang ako ng fruits. Papainumin ko na rin muna ng gamot si Sir Ted." At pumunta na ito sa kusina.
At si Rafael? hindi yun nagrereview. Siguro ay tulog na yun.....
Kinabukasan ay madaling araw palang ay naligo na ako. Kailangan na maaga ako sa classroom para makapahinga ako doon bago pa dumating ang mga kaklase ko. Hindi ako makatulog sa bahay ng mahimbing dahil natatakot akong tanghaliin ng gising.
Pagdating ko sa classroom ay nagulat ako na hindi ako ang una. Naroon si Giselle at Stephen. Magka holding hands.
"Basta, sikreto muna natin yung sinabi ko ha? At wag kang mag alala, ako bahala kay insan. Lagot yun sakin kapag inaway ka nanaman. Sabi nga pala ng mom ko,dalaw ka ulit samin after exams. Marami daw siyang gustong itanong sa iyo." Giliw na giliw si Stephen at hahalikan na sana si Giselle matapos sumang ayon ang huli nung tumikhim ako at pumasok ng classroom.
"K-kanina ka pa?" Namumutla si Giselle,pero yumakap kay Stephen.
"Oh common Giselle,kakadating ko lang nung bago kayo magtukaan." At tumawa ako. Namumula ang mukha ni Giselle habang si Stephen naman ay nakangiti lang sa akin.
"Hindi ko kayo pinagbabawalan ha? But please, keep it low. I need sleep more than anything now." I went to my seat. Inihiga ko yung ulo ko sa desk.
Nung uwian na ay sa bahay nila Leanne ang destinasyon namin.
"Nasan si Maxine, Leanne?" Tanong ko. Ang pagkaka-alam ko ay huminto ito ng pag aaral para makasabay namin sa forth year.
"Nililibot ang Pinas. Kasama niya sila tito at tita. And dinadalaw rin nila yung mga kamag anak ng dad niya. Galing sa malaking pamilya si tito Fred hindi katulad ng sa amin nila mommy."
Nagkwentuhan kami. Ngayon lang umamin si Giselle na sila na nga ni Stephen. Na pakulo lang ni Marga na magpanggap silang mag jowa ni Stephen.
Si Leanne naman ay natahimik nung turn na niya. Parang hirap na hirap siya. Kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.
"Okay,ganito nalang. Mag laro tayo ng game. Puro tanong lang and bawat isa satin ay kailangang sagutin ang tanong. Okay?"
"Deal!" Si Giselle na naha-hyper na naman.
"Sige,yun nalang." Si Leanne na parang okay na.
"First question, favorite color. First si Giselle,then ako, last ka Leanne. Go!"
-"Pink"
-"peach"
-blue"Ganun din sa question ha? Nauna ka Angelina so si Leanne na. Ako ang kasunod. Anong tanong mo Leanne?"
Saglit na nag-isip si Leanne," fave food?"
-"cookies"
-" cheesy beef shawarma!"grabe, feeling ko nagke-crave na ako ng shawarma ngayong naisip ko yun.-"bulgogi"
Giselle," first crush in high school life! Sino?dali! Ako si Rafael,haha!!"
-"nakakaloka ka, ako, uhm, si sir Ronnie, yung teacher natin sa PE nung first year. Hahaha,sayang Leanne, di mo nakilala si sir,ang pogi niya,kahawig niya si Romnic Sarmiento."
-"ako, dito, crush ko yung si Yukito. Crush lang naman, kase ang galing niyang mag swimming. Cute din siya." Wow, playing safe si Leanne.
Ako nanaman ang magtatanong, "first kiss?"
Giselle,"si Stephen. Ahaha.gosh naman Angelina,nakakahiya tanong mo!"
"Ako, si Rafael." Natahimik sila. Si Giselle ang bumasag ng katahimikan. "Si Rafa? Ibig sabihin tinu-two time mo si papa Renz?" Grabe ang panlalaki ng mata ni Giselle.
"Hindi noh,isa pa,lasing lang si Rafa nun. Nalasing ng bf ni Eve., ikaw na Leanne."
"Itago nalang natin sa pangalang Monmon. Basta, yun na yun." At nakayuko lang si Leanne na para bang ang lalim ng iniisip.
"Ako na," sabi ni Leanne," virgin?"
Napatawa ng sobra si Giselle,"of course!"
"Oo,pero baka malapit na." Kinindatan ko pa si Giselle at nagsibunghalit kami ng tawa.
"Ako hindi na. Girls, gusto kong magtapat sa inyo. "
Napatulala kami kay Leanne, nakabawi agad ako sa gulat pero mukhang hindi si Giselle.
"Kaya ako nandito sa Pilipinas kasama si mommy ay para hanapin ang anak ko na pinamigay ni dad. Hindi totoong divorced sila. Pinagsisisihan na ni dad pero hindi siya makasama dito dahil may colon cancer siya. Malala na ang sakit niya kaya gusto kong mahanap agad ang anak ko para makita niyang mabuo muli kami." Umiyak na ng umiyak si Leanne, nabigla ako ng yapin siya ni Giselle,naiiyak na rin ako. Pero pinigilan ko,
"Si Ramon ba ang ama?" Natigil si Leanne ng tanungin ko siya. Nagtataka si Giselle,
"Ramon?yung pinsan ng jowa mo?"
"Oo,pasensya ka na, minsan kase nakita ko yung pangalan niya noong bago pa lang tayong magkaibigan at pinahiram mo ako ng notes mo. Hanggang sa hindi ko sinasadyamg papuntahin ka sa bar. Nakita ko kung gaano ka kadisappointed nung bumaba si Ramon at iniwan ka sa kwarto, kitang kita ko rin yung koneksyon niyo ng bata. Parehong pareho kayo ng mata Leanne."
Napaiyak na naman si Leanne, at ikinuwento niya ang lahat ng pangyayari,pati narin ang paglayo ni Johannes dahil sa sakit na naramdaman nung hindi niya ito hinayaang akuin ang anak niya.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?