Rafael
Wala pang isang linggo ay nakatanggap na ako ng tawag mula sa dorm ni Angelina. Tinawagan ako ni Maxine. Galut ang babae sa akin dahil ako ang sinisisi nito sa pagko-collapse bi Angelina sa isang klase nito sa University.
Naidala raw ito kaagad sa infirmary at napag-alaman na kulang sa dugo, idagdag pa ang over fatigue. Lumuwas agad ako matapos ang tawag. Sakto namang tapos na ang klase ko ng tanghali kaya okay lang na umalis agad ako sa paaralan.
Nakatanggap ako ng text mula kay Maxine na inilabas na ng infirmary ng school ang aking nobya at inilipat sa Ospital sa labas ng school, sa Los Baños General Hospital, na nadadaanan ng bus kaya deretso baba na ako sa labas ng ospital.
Hinanap ko ang room number na itinext sa akin ni Maxine. Pagpasok ko ay nakita ko si Angelina na nakasandal sa pagkaka-incline ng kama at kumakain ng ubas.
"Babe,hehe. Hello!"
Pilit na tawa nito at tumingin kay Maxine. Nakasimangot naman ang huli at inirapan ako. Maya maya ay lumabas ito at padabog na isinara ang pinto ng kwarto.
"Anong nangyari?bakit galit sa akin ang kaibigan mo?"
"Ah,kase nga, over daw ako sa pagod at stress. Kaya ayun, nahilo ako sa klase."
Yumuko ito at sumubo muli ng isang pirasong ubas.
Yinakap ko ito at hinalikan sa labi pagkatapos. Nalasahan ko pa ang ubas sa bibig niya.
"Dahil sa akin ano?dahil pinagod kita? Sorry Nah-nah. Sorry!""Okay lang ako. Namiss lang kita. Haha. Stress lang sa school,sabay sabay ang projects at exams kaya ako nahilo. Hindi mo kasalanan. Gusto mo dito pa tayo mag ano eh. Kaya ko kaya,pramis."
Pilit nitong kinukumbinsi ako pero alam kong nanghihina ito.
Hindi na bumalik si Maxine pero okay lang iyon. Ako ang nag alaga kay Angelina. Pati ang mga bilin ng doktor ay isinaulo ko para maalagaan ko ng maayos si Nah-nah. Ibinili ko rin ito ng stocks na pagkain para hindi ito nalilipasan ng gutom. Naauwi na kami at kasalukuyan siya nanonood ng youtube habang nakaupo sa kama niya. Nagluluto ako ng nilagang baka dito sa mini kitchen ng dorm nila. Tuwing napapalingon siya sa akin ay kinikindatan ko siya. Napapabungisngis lang ito. Sa ganoong akto kami naabutan ni Maxine.
Sambakol ang mukha nito at tila ba nakakita ng nakakasukang pagkain nung tignan niya ako. Hinayaan ko na lang dahil alam kong si Angelina na ang pinaka best friend nito.
Habang kumakain ay napansin kong napapatingin sa amin si Maxine. Napuna rin iyon ni Angelina.
"Max,bakit hindi mo imbitahan si Lucas? Marami pa tayong pagkain oh? Para makatikim naman ulit ang boyfriend mo ng lutong bahay."sabi ni Nah-nah.
Natulala ito saglit. " hindi na. Hayaan mo yun. Bahala siya sa buhay niya. Ayoko ngang makita pagmumukha ng lalaking iyon eh." Sabi ni Max at nangalumbaba sa lamesa.
Nagkatinginan nalang kami ni Angelina.
"Nah-nah, hayaan mo na. Baka busy din si Lucas." sabi ko na ikina-kibit balikat lang ni Angelina.Madaling araw kinabukasan ay tumuloy na ako para bumalik ng Manila. Todo bilin ako kay Angelina na ikinapingot lang ng tenga ko dahil natotorete na daw ang ulo nito. Isang matamis na halik ang pinagsaluhan namin bago kami naghiwalay.
Angelina
Mula noon hanggang ngayon ay talagang nag-uumapaw ang puso ko sa pagmamahal ni Rafael. Ipinagpapasalamat ko na bago pa ako matuluyan at maging pakawalang babae ay napunta na ako sa piling ni Rafael.
Aaminin ko na bata pa lang ako ay magulo na ang takbo ng isip ko. Nakita ko kase noon si kuya Jeric at ate Mayla noong nagbakasyon sa bahay. Second year palang ako noon. Ako ang naiwan sa bahay dahil nasa galaan si Chico habang si Rafael naman ay nagba basketball siguro sa labasan.
Kitang kita ko kung paano sila nagiging isa. Simula noon ay nawala na ang pagkainosente ko. Hindi lang ako naimik pero alam ko naman na may malisya yung mga akbay at lambing ni Rafa simula nung magdalaga ako. Hanggang sa matuklasan ko ang tungkol sa mga magulang ko.
Best friend ni uncle Ted si nanay Laura ko. Lumaki kase ang nanay ko noon na titibo tibo kaya naging magbarkada sila. Nagulat na nga lang daw si uncle Ted na nakapag-asawa ito sa Manila at babaeng babae na. Lubos ang tiwala ni nanay kay uncle Ted.
Kaya nung nagkaroon ng gulo sa pamilya ni nanay ay lumayo ito at si uncle Ted lang ang may alam kung nasaan si nanay.Hanggang sa isilang ako at lumaki ay sinusuportahan kami ni uncle Ted.
Lumaki akong mahirap noon kaya sanay ako sa hirap. Itinatak ni nanay Laura sa isip ko ng hindi namin kailangan ng kayamanan lalo na ang ama kong nangangailangan lang ng asawa at anak dahil sa kayamanan na hinahangad nito.
Namatay si nanay Laura sa sama ng loob at sa pag-inom ng anti-depressants. Na overdose ang nanay ko at nakaligtaang kumain bago matulog.
Bago pa ito mamatay ay ibinilin na ako kay uncle Ted at ipinakausap ako na ipakasal sa isa sa anak nitong lalaki. Hindi naniniwala si nanay Laura na babaero si uncle Ted dahil kilala niya ang natatanging babae na minamahal nito.
Kaya naman hindi ko malimot kung ano ang mga bilin sa akin ng nanay ko. Pero ngayong twenty years old na kami ni Rafa ay gusto ko munang makompleto ang pagkatao ko bago ko maibigay ang buong puso ko kay Rafael.
Katabi ko si Rafael at narito kami sa Manila. Sinamahan niya ako dito sa Makati dahil itinanong ko kay tita Martha ang address ng ama ko.
Nakatulog ito paghiga sa kama ng hotel dahil sa pagod."Malapit na matuloy ang wedding na inuungot mo,Rafa." Bulong ko sa binatang nakayapos sa bewang ko at mahinang nahilik.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?