Chapter Sixty Three

174 3 0
                                    

Rodel

Ipinasok ko na sa paaralan si Anghelita. Nakapag kinder na siya noon sa Maynila kaya grade one na ito ngayon.

Maghapong wala ang anak ko. Ipanagbabaon ko ito ng pagkain para hindi magutom.

Hindi naman kami masyadong naghihirap dito sa Batanes dahil malaking tulong ang perang binigay sa akin ni aling Mela. Nabili ko na ang lupang kinatitirikan ng bahay kubo namin. At nagkaroon na rin kami ng pwesto sa palengke at doon ay mayroon kaming sari-sari store.

Nakakatuwa ang pagbabago ng anak ko. Simula ng dumating sa amin si Marina ay naging masayahin na ang bata. Siya ang nagpangalan sa ina. Katwiran nito ay may nakita itong palabas na sirena sa tv na Marina ang pangalan at may mahabang buhok.

Ngayon nga ay kakauwi ko lang. Hinanap ko si Marina. Naroon ito at pinapakain ang mga manok. Nagsimula na itong magsalita pero hindi nito maalala ang sariling pangalan at edad.

Ipinatingin ko na ito sa doktor sa kabilang bayan at ang sabi sa akin ay mayroon itong naranasang matinding trauma na sanhi ng pagkalimot nito o amnesia. Maaari raw na panandalian lang pero mayroong tiyansa na hindi na magbalik ang ala ala nito.

"Marina,kumain ka na ba? Inuuna mo pang pakainin ang mga manok natin. Halika at kumain na tayo." Yakag ko sa kanya.

Habang nanananghalian ay hindi ko maialis ang tingin sa kanya. Maganda siyang babae,mapusyaw ang balat at maganda ang tabas ng katawan. Sa kabila noon ay hindi ko nakikita sa kanya ang yumao kong asawa. Pero hindi ko itatanggi na nagugustuhan ko siya. Sa kabila ng pagiging tahimik nito ay napakagiliw naman nito pagdating sa anak ko.

"Marina, gusto mo bang sumama sa akin sa bayan? Mamimili tayo ng mga gamit sa bahay. Gusto mo ba?"

"Sige,pag uwi nalang ni Anghelita.
Ako na ang maghuhugas ng mga plato. Puntahan mo muna si Mang Berting. Balak niyang arkilahin ang bangka mo." Nakangiti ito sa akin. Kung titignan kami ay para nga naman kaming normal na mag-asawa. Pero sa katotohanan ay ni hindi ko pa siya nahahawakan mula noong pinunasan ko siya ng bimpo noon sa Maynila. Tulog pa nga siya noon.

Hanggang ngayon ay nahihiya akong kausapin siya. Ni hindi ko pa siya naaakbayan kahit kaharap namin ang mga kapitbahay. Hindi rin kami magkasama sa kwarto, kahit mahigit dalawang buwan na kaming mag-asawa.



"Nay! Tay! Tignan niyo ang ginawa ko! Sabi ni teacher ang galing galing ko daw!!" Masayang salubong ng aking anak pagkapasok ng kubo.
May dala dala itong drawing na may tatlong tao, nakalagay roon ang nanay,tatay at Anghelita.


Si Marina naman ay kakatapos lang maligo at nakabihis na. Binihisan niya ang anak ko at kami ay umalis na. Doon kami maghahapunan sa Jollibee,na paborito ng anak ko.


Matapos ang maagang hapunan ay namasyal kami. Mayroong tiangge tuwing gabi sa bayan. Kaya binigyan ko ng limang daang piso si Marina para makapamili. Kasama niya ang anak ko. Ako naman ay dadaan muna sa pwesto. Sa gitna nalang ng Plaza kami magkikita.




Anghelita

"Nanay,bakit ternong bistida natin at mga pambahay laang binili mo?" Tanong ko kay nanay.

Ang ganda ganda ng nanay ko. Kaya naman tuwing umaga ay nagpapahatid ako sa kanya hanggang skul. Maraming nanay ang nagsasabing maganda si nanay. Sabi ng janitor sa skul ay mana ako kay nanay ng ganda.

"Anak,hindi ko kailangang gumastos. Isa pa ay pinaghihirapan ng tatay mo ang pera. Ano ba ang kailangan mo at iyon ang bibilhin natin?"

Ang ganda na nga ng nanay ko, at ang bait pa niya. "Nanay,alam ko na! Nahaba na ang buhok ko pero nakalimutan ni tatay na pagupitan ako. Tara nanay!" Hinila ko siya papunta sa gupitan ng buhok nung baklang Vanessa.

"Nanay, gusto mo ikaw din?" Hinawakan ko ang buhok niyang sobrang haba na hanggang pwet.

"Sige nga. Masyadong mainit ngayon eh. Sabi ni nanay at naupo.






" pwede bang makigamit ng banyo?"

"Dyan girl sa pinto sa kaliwa. Ang ganda niyong mag ina. Nakakainggit. Buntis ka ano?ang lapad ng balakang mo,halata na pati ang tyan mo."


Naitanong ko kay nanay kung buntis siya. Hindi niya raw alam.

Nagbihis kami ni Nanay ng ternong bulaklaking bestida. Kulay pula iyon at lalong pumuti si nanay. Mas maputi lang ako ng konti kay nanay. Pareho na kaming sobrang iksi ng buhok. Di na kailangang ipitan at headban nalang.

Nakita namin si tatay na nakatalikod. Tinawag ito ni nanay.

"Rodel,andito na kami."

Natawa ko ng mapanganga si tatay, "ah-aherm. Ah ang ganda niyo." Namumula ang mukha ni tatay at parang nahihiya.

"Tatay!tatay! Sabi ni Vanessang bakla, buntis si Nanay."

Ngayon naman ay parang estatwa si tatay.

Basta ako masaya,magkaka baby na akong kapatid!yehey!!

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon