Chapter Forty Six

202 3 0
                                    

Angelina

Dumating yung Aldo dito kahapon. Dala dala niya yung pinamili ni Renz nung isang araw. Akala ata ay wala na ako dito dahil basta basta nalang pumasok. Umalis din naman kaagad nung sinabi kong hindi ako magpapahatid.
Baka nasungitan sa tono ng boses ko kaya hindi na bumalik ulit.

Kasalukuyan akong nakahiga sa duyan na nakasabit sa dalawang puni ng mangga.

Mahangin at presko.

Hindi naman ako magtatagal pa dito. Uubusin ko lang iyonv binili ni Renz at babalik na ako sa Lumar. Ini-enjoy ko nga eh. Kase pag nalaman ko ang dahilan kung bakit niya ako iniwan ay baka umiyak nanaman ako. Oero sana,hindi ganun kagrabe ang dahilan. Syempre ayokomg masaktan ako. Sarili ko parin ang importante.

Sinong niloloko mo,Angelina?Tanong ng isipan ko.

Napabuntong hininga ako. Makalayas na nga. Tsk. Akala ko matatahimik ako sa lugar na ito. Lalo lang ako napapaisip.

Nagpasundo na ako kay Aldo. Walang imik ang lalaki. Kotse ni Renz ang minamaneho niya pero parang iba na rin dahil napakadumi nito dahil maalikabok ang daan.

Nagpacarwash ang lalaki nung nakalabas kami ng Bayan. Mabuti naman at mukhang inirolyo sa alikabok ang puting kotse.


Nakasuot ako ng uniporme. Papasok ako. Mabuti nalang at may nabili akong foundation cream sa 7eleven na nadaanan namin.

Pagpasok ko ay nanlalaki ang mga mata ng classmates ko.

"Ms. Miranda. Sana ay hindi ka na pumasok. Last period na ito ng klase at-"

"Sorry po ma'am. Nahilo po ako  galing ako sa clinic." Pumunta ako sa likod kung nasaan ang mga lockers namin at binuksan yung akin.

"Ma'am. Uuwi na po ako. Sobrang sakit ng ulo ko." Hindi ko na hinintay magsalita yung Research teacher at lumabas na.



Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa bahay nila tita Fina.Nagulat ito ng makita ako at niyapos ako ng mahigpit.

"Mabuti naman at umuwi ka na. Miss na miss ka na namin."

Tumango tango lang ako at nagpunta ng kusina. Naroon na si Chico at nagmemeryenda. Naki-agaw lang akk sa kinakain niya chocolate chip cookies at umakyat na sa guest room. Dalawa ang kama doon at doon kami naglalagi ni Rafael. Wala na ang mga gamit nito,malamang ay umuwi na sa Matiban,sa bahay niya.

Nakatulog agad ako matapos maligo. Halos hindi na pansin yung mga chikinini sa leeg ko. Parang allergy na namamantal.  Kapag tinanong nila ay sasabihin ko nalang na nawala sa isip ko at nakakain ako ng buko.



Naging mahimbing at payapa ang tulog ko. Pero may napanaginipan ako. Ang panaginip na ngayon ko lang ulit napanaginipan. At mas malinaw na iyon.






















Rafael

Hindi ako mapakali. Nag text si mama at ang sabi ay nasa bahay nila si Angelina at natutulog.

Ang tagal matapos ng klase. Hindi na ako magpa-practice ng basketball ngayon.


Nung uwian ay dumiretso agad ako sa bahay nila mama. Naabutan ko si kuya Tonton na nagluluto ng adobong pusit.

"Wala si mama mo, bumili sila ng project ni Chico. Si Angelina, nasa kwarto niyo. Nakalock ata,check mo yung susi sa bodega." Mahabang litanya nito habang tutok sa niluluto.

"Thanks po." "Sige lang."

Pagkakuha ko ng susi ay dahan dahan kong binuksan ang pinto.
At doon nga sa dulong kama ay tulog na tulog si Angelina.



"Mabuti naman at umuwi ka na sa akin mahal ko."
































Leanne

"Honey,ano ito? Kasal? Si Renz at anak ng Mayor sa Lumar? Paanong nangyari ito?"

"Hindi ko alam princess. Gago yang si Renz. Sabi ni kuya Bon ay nabuntis yung dalaga. Kaya ayan. Pinadalhan tayo nung loko ng wedding invitation."

"Nasa lahi niyo talaga ang pikot ano? Ano kaya kung wag na tayong magpakasal. Nag-iinit dugo ko jan sa pinsan mo. Mga babaero kayo!!!" Kinurot ko yung braso ni Ramon. Ang tigas!

"Hon naman, wag mo ibuntin ang galit mo kay Renz sa akin. Iba ako noh, sayo lang ako."

Ako na ang maswerte. Kawawa namn ang best friend ko.


Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon