Maxine
I'm so excited. Bukas ay pasukan na. Makikita ko na siya.
"Kanina ka pa hindi mapakali jan, Max. Baka gusto mo namang magpatulog? Nabubulabog yung baby ko eh. Ano bang kinakalampag mo jan?" Pang uusisa ni Leanne na pinsan ko.
"Wala naman. Excited lang. Ready na mga gamit ko. Oo nga pala. Hindi mo ba talaga ako masasamahan sa school bukas? "
"Max, kahit gusto ko,hindi pwede. Magpapabakuna si Jojo bukas. Wala namang alam sa ganun si Rams eh."
"Dibale na nga. Ingat kayo bukas ha?"
"Matulog ka na Maxine, baka mapuyat ka at hindi ka pa makapasok."
"Opo kamahalan" tumawa pa siya bago lumabas ng kwarto ko.
Excited na akong masyado kaya hindi parin ako makatulog.
Paikot ikot ako sa kama.Inilabas ko ang cellphone ko mula sa bedside drawer..
Tama,tititigan ko nalang ang mukha ng mahal ko. Haha."Hija, gising na aba. Ala una na ng hapon. Ano bang ginawa mo at puyat na puyat ka? " bumangon agad ako ng marinig kong ala una na.
Kumain na ako ng tanghalian. Balak ko talagang magpunta ng school. Hindi na ako nag uniporme. Bukas nalang dahil di na ako makaka- attend ng klase. Nakita ko si Angelina sa isang classroom sa second floor ng building 2. So doon pala ang classroom namin. Kaklase ko siya.
Nakinig ako saglit sa lecture .
Nang matapos ang lecture nung teacher ay umalis agad ako bago pa ako maabutan sa labas ng corridor.Tumambay ako sa computer lab. Naging friends agad kami nung lalaki doon. Nag uusap kami about softwares and such. Nagpaalam na ako nung nagbell na. Hindi ko na naitanong ang pangalan nung mama na smart about computers. Tumakbo na ako palabas para maabutan ko si Angelina. Kaya nung nakita ko siya ay sinundan ko. Gugulatin ko sana kaso may sinusundan siyang babae, sumunod siya sa loob ng cr. Papasok din sana ako pero bago ko pa mahawakan yung doorknob ay naglock iyon.
Hihintayin ko nalang siyang lumabas.
Naririnig ko ang boses ni Angelina. Pero hindi ko maintindihan dahil saradong sarado ang cr.
Binati ko siya nung lumabas na siya ng cr. Nakita ko pang pumasok sa isang cubicle yung babae.
"Kamusta ka naman Maxine? Lalo ka atang gumanda ah?"
Natawa ako. "Ikaw,lalo kang gumanda. Walang nagbago sa akin."
Dumating si Giselle, "Oh My Gosh! Maxine!! Is that you? Lalo kang gumanda ah!!" Hyper parin ito kahit karay karay ang nobyong isnabero.
Masaya ang kwentuhan namin. Pero mas masaya ako dahil nasilayan ko ang mahal ko kahit tinanghali ako ng gising.
Angelina
Matagal na hindi ko nakikita si Renz. Sabi ni Ramon ay napaaway ito sa bar kaya umuwi muna ng Manila, lagi niya naman akong tinatawagan.
Last school year ay hindi ako naka-attend ng JSprom dahil sa kanya.
Ihahatid niya dapat ako noon kaso hindi niya ako inihatid at nagdate nalang kami. Bawal kase ang outsiders sa prom dahil gabi iyon ginaganap at para rin sa seguridad ng mga estudyante.Matagal na rin simula ng mapansin ko ang pagbabago ng ugali ni Renz. Hindi ko na nakikita yung cute na singkit na minahal ko.
Kapag naiisip ko yung una naming pagkikita at yung mga times na kilig na kilig ako sa mga ngiti niya, napapaisip ako kung talaga bang mahal ko siya or baka infatuation lang. Wala na iyon ngayon. Wala na yung kilig. Pero meron pa rin yung kagustuhan na makita at makausap siya. Yung mga times na magkahawak kamay kami at syempre yung lambingan.Madalas ay naghihigpit siya sa akin. Kesyo daw dapat ay nasa bahay na ako. Laging ila-lock ang kwarto. Yung mga ganung bagay. Minsan feeling ko nakakasakal na.
Simula nung makita ko yung mga pictures na dala ni Giselle noong nakaburol si uncle Ted ay nabasag na yung puso ko. Pero nung nalaman ko yung ginawa niyang kababuyan mula kay Leanne,parang ayokong iwan siya. Naiisip ko na siguro nga ay kasalanan ko dahil hindi ko ibinigay ang puri ko sa kanya.
Takot ako, at wala akong tiwala sa ibang tao. Kahit nga si Rafael ay hindi buo ang tiwala ko. Kahit sino,wala pa akong pinagkakatiwalaang lubos. Kahit na patunayan nila yung katapatan nila sa akin, hindi parin ako nagtitiwala. Iyon ang pinakaleksyon ng buhay ng nanay Laura ko. Ikamamatay na niya ay niloko parin siya.
"Angie, have some of this." Si Leanne habang inaalok ako ng baked cookies niya. Isinama lang ako ni Maxine. Busy si Giselle na makipag date kay Stephen.
"Mamimiss kita Leanne," sinserong pahayag ko.
"Ako rin naman. Ngayon pa nga lang ay namimiss ko na kayong mga bestfriends ko...
...Bes,atin lang ito ha? Pero kase,nag aalala ako para sayo. Si Rams na mismo ang nag-udyok sa akin na sabihin sa iyo ito. ......"
Nagtatakang lumapit pa ako sa kanya para marinig ko ang ibinubulong niya.
"Hiwalayan mo na daw si Renz habang maaga pa."
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?