Chapter Thirty Eight

215 3 0
                                    

Angelina

Parang ayaw pa akong pauwiin ni Renz. Nandito kami isang kanto bago ang looban papunta sa bahay namin nila Eve. Mahigpit ang mga yakap at hawak niya sa akin. Tila ba iiwan ko siya.

Kaya buong panahon ay wala akong ginawa kundi ang i-assure siya na magkikita kami kinabukasan.

Mahigit isang oras bago ko pa siya nakumbinsing pauwiin na ako, kapalit noon ay ihahatid sundo niya ako araw araw.

Alam kong wala siyang ipagdududa sa akin dahil wala siyang alam tungkol sa amin ni Rafael nung bakasyon. Ibang kaso ang ginawa niya sa akin. Narinig ni Leanne ang lahat ng inamin ni Renz sa pinsan nito kaya nakarating sa akin.



"Oh negra,saan ka galing?" Bumalik sa pagiging pintasero si Rafael. Ewan ko ba pero masaya ako na bumalik siya sa dati.

"Makanegra ka jan! Kapre!!"
Binato ko siya ng throw pillow na naabot ko mula sa sofa.

"Kain na prinsesang negi, nagluto ako ng hotdogs. Maagang natulog si Eve, hindi na nagluto."Sabi nito habang tutok na tutok sa pinapanood na basketball game sa tv.

" may kasama bang itlog yung niluto mo?" Tanong ko. Napansin kong napatingin siya sakin.

"Bakit?" Tanong din niya.

"Uhh,kailangan ko ng protein. Feeling ko nanghihina ako. Tsk, bakit naman sunog yung hotdog mo! Edible pa ba yan!?" Inis kong inusog usog yung hotdog sa pinggan. Talagang maitim sa sunog.

"Pfft." Napalingon ako. Itinakip ni Rafa yung throw pillow sa mukha niya at hindi tumitingin sa akin.

"Hoy bruha ka!Audible yang bunganga mo! Ang lakas lakas ng boses mong pangit ka! Palengkera ka ba!" Sigaw ni Eve mula sa second floor.

Tss. Makapagluto nga ng itlog.






Ramon

"Kuya,nagda-drugs ba si Renz?" Tanong ko kay kuya Bon. Paano naman kase. Kanina pang madaling araw ay gising pa rin ito mula kagabi. Pag-uwi nito ay laptop na ang kaharap.

"Shh,hindi tol, bantay sarado ko yan dito sa loob ng bar."

Para kaming tanga na nagbubulungan sa tabi ng pinto. Pinapanood namin ang komportableng komportable na si Renz.

"Balik tayo sa usapan kanina. Magma-migrate kayo sa California? Tol,guguluhin ka ni Krystal doon kapag ikinasal na sila ni Bob. Ikaw din."

"Napag-usapan na namin yun ni princess. Hanggang July nalang kami rito. Ayaw kong pinag uusapan sa school si Leanne. At isa pa, mas magandang doon lumaki ang anak namin. Magaganda ang paaralan doon." Katwiran ko.

Maiiwan ang mga business ko kay kuya Bon. Si Ryan ay kasalukuyang nag-aaral ng Business Management sa kolehiyo at ito ang makakatulong ni kuya sa pagpapatakbo ng bar.

Nagbabalak rin akong magbusiness sa California. Hindi bar kundi isang Restaurant naman. Gusto kong ipagpatayo ng kainan si Leanne dahil magaling itong magluto at Culinary rin naman ang kukunin nito sa Kolehiyo.

"Tol, ang tino mo na ah. Im proud of you. Haha" nagkatawanan kami at napatingin kay Renz.

"Kuya,bantayan mo si Renz. Parang may mali talaga sa kanya."



















Kenneth

Last performance ko na ngayon. Next month kase ay pasukan na. Sa bahay na rin ako nila Eve titira. Mahal ko yun talaga kaya ayaw kong may ibang poporma sa kanya.

Pareho kaming natanggap na teacher ngunit sa magkaibang paaralan. Ako ay sa Don Manuel  high samantalang si Eve ay sa Matiban Elementary school.

Balak namin magpakasal sa Las Vegas next year. Tanggap naman ng nanay ko kaya walang problema.

Matapos ang last performance ko with the band ay nagkantiyawan kaming uminom.

I was just excusing myself to the mensroom when a familiar face caught my eye. And damn. Kumulo ang dugo ko sa ginagawa ng lalaking iyon.

Yinakag ko ang mga kasamahan kong lumipat ng bar. Baka mapaaway lang kami kapag nasugod ko ang hinayupak na lalaking iyon. Ayoko sa lahat yung ganoong ugali ng lalaki. Ako nga na transgender ang syota ay todo ang pagmamahal ko. Tapos siya ay nangga-gago ng syota? Shit siya.

..ibinalita ko kay Eve ang nakita ko. Tumawag siya sakin habang pauwi ako sa condo at pinag -usapan namin ang buong pangyayari.

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon