Chapter Sixty Seven

190 4 0
                                    

Marina

"Nanay!! May kapatid ka ba? Diba wala?may inalagaan ka bang bata dati? Sino itong kasama mo? Nanay!!"

Ganiyan si Anghelita. Maingay pero cute,parang si Giselle.

Giselle? Sino iyon?

Napatingin ako sa dala dala ni Anghelita. Kinuha ko ang litrato at inipit iyon sa mga librong binabasa ko.

"Lita, sinabi ko naman sayo na huwag kang masyadong nasigaw. Dalaga ka na eh. Makakasira sa ganda mo iyan." Biro ko pa. Kamukhang kamukha ito ni Rodel. Babae nga lang.

"Nanay naman. Alam mo namang mana ako sayo,"

"Na kahit anong gawin, maganda parin. Kahit anong isuot.,sexy parin!"
Sabay naming sinabi ang mantra naming mag-ina.

"Tss. Saan banda?" Sabay kaming lumingon kay Lorenzo. Nakasimangot ito at mataas kung tumingin. Mukha itong mayabang at kahit anong ibihis ko dito ay napaghahalataang matalino.Henyo pa nga ang tawag dito ni Rodel.

"Heto na ang anak kong napakagwapo. Halika nga!pakiss si nanay!"

Tumakbo ito palapit at nakiyakap sa amin. Kahit may pagkaisnabero ito ay mapagmahal namang bata. Hinalikan ko ito sa noo at ginantihan nito iyon ng halik sa pisngi ko. Ganoon din ang ginawa ni Lita sa kanya. Pero nung hinalikan nito ang ate nito ay nabasa ng laway ang pisngi ng ate nito.

"Lorenzo! Ikaw talaga,kadiri ka!!!"
Naghabulan sa kwarto ang dalawa. At nakisali na ako. Masaya ako dahil mabilis na napalagay ang mga bata sa bagong lugar.

"Ate Rina? Sasama ka bang mag-apply sa akin?" Si Andrea na naka formal na damit. Hinila ko ito paloob ng kwarto namin at pinasuot ang isang terno ng damit ko. Bumagay iyon dito.

"Siguro ay sa lunes na ako mag-aaply, kapag natapos yung na yung Intrams week nila  Lita sa school. Balak kong i-video ang isasayaw nila bukas." Biyernes bukas at mahalaga ang event sa school.


Kinabukasan nga ay gumayak na ako. Madadaanan naman ang eskwelahan ni Lorenzo sa labasan ng baranggay kaya idinaan na namin. Si Lita naman ay sinamahan ko na sa school nito, sa Don Manuel High School.

Maaga kaming nakarating at inayusan ko kaagad ang dalagita. Inaral ko pa ang paglalagay ng tamang make up sa kanya. Sa gilid ng mukha niya ay pinintahan ko ng mga bulaklak. Iyon kase ang tema ng costume nila. Parang pang hawaiian dance,ewan ko lang kung ano ang isasayaw nila. Surprise raw sabi ni Anghelita.

Nang matapos ay iniwan ko na siya kasama ang mga kaibigan niya.

May nakakasalubong akong mga guro at karamihan sa mga iyon ay may mga edad na. Yung isang nakita ko ay maganda at mukhang nasa early forty's. Sabay kaming naglakad papuntang Auditorium.

"So kamusta ka naman?dito ba nag-aaral ang kamag-anak mo?" Tanong pa nito. Cynthia daw ang pangalan nito.

Napaisip tuloy ako,malamang,alangan namang pumunta ako dito ng walang dahilan?

"Ah,yes ma'am." At nauna na ako sa kanya. Hanggang sa.....

"Angelina! You may forget every teachers, you terrible girl! But you can't do that to me, you will always be my favorite student!! How could you act like you don't know me? You even helped me reconcile with teacher  Ronnie! My husband. What's wrong with you??"

Hindi ko ito pinansin. Pero narinig ko ang lahat ng sinabi niya.








Alexa

"Okay girls!galingan niyo ha?"
Napadako ang tingin ko kay Ms. Dayos. Ang ganda ng pagkakapaint ng mga flowers sa mukha nito.

"Ikaw ba may gawa niyan?"tanong ko.

"Yung nanay ko po ma'am. Nauna na po siya sa Auditorium."magalang na sagot nito.

"Okay,in five minutes,we'll go up to the Auditorium!!"

Marina

🎶🎶Angelina baby, please
Please baby, be mine
Angelina do your chacha
Forget about the time
Sign your name across my heart
Honey, ain't that smart?
Angelina, ready-steady-start🎶

Nagsasayaw ang anak kong si Lita. Nakakatuwa na panoorin ang bibong bibong dalagita.

Hanggang sa may vague memory na dumaan sa isip ko.
Nagwawalis ako habang kinakanta ang lumang kanta na iyan...at may tumawag sa akin ng 'Babaita'?

Ipinilig ko ang aking ulo at inayos ang pagrerecord ng sayaw ni Anghelita.

🎶We can chacha on the floor
We can chacha on the couch
Baby, we can chacha all around my house
We can chacha in the night
Chacha till two
And if you chacha me
I have to chacha you🎶

🎶Oh Angelina, Angelina, Angelina
Oh my sweet signorina, signorina, Angelina
I-I-I bet, that we sweat
Angelina, Angelina, be my signorina!🎶🎶
🎶🎶Oh Angelina- Angelina, Angelina, 
Oh my sweet singorina (Angelina), signorina Angelina
I-I-I guess you say yes
Angelina, Angelina, be my signorina!
Aaaw! Whoo! [whistle]🎶🎶







Alexa


Natapos ang sayaw at naperfect ng class ko ang sayaw nila. Intrams kase ngayon kaya naman naisipan kong magkaroon ng dance number ang mga estudyante kong hyper.

Sinundan ko sila sa back stage at doon ay nagsisiksikan ang mga magulang.

"Ma'am,students? I really want to thank you. Thank you for supporting your kids, and girls,you're so awesome!!"

Nagtawanan ang mga ito. Napadako ang tingin ko sa dulo kung saan pakendeng kendeng pa si Anghelita. Nakatalikod ang nanay nito kaya na-curious ako sa itsura nito. Bibo kase si Anghelita. Baka lang naman mana sa ina. Lumapit ako.

"Mrs. Dayos, thank you po sa pag-attend nyo. Napakaganda ng face paint ng anak n-"

Napaatras ako. Si Angelina?!

"Walang anuman Teacher. Lahat naman ng magulang gustong makita ang achievements ng mga anak eh." Ngumiti ito sa akin.

Pinagmasdan ko ang mukha nito. Walang ipinagbago. Maliban na lamang sa buhok nito na dati'y laging mahaba,ngayon ay napaka iksi na.

At ang mga mata nito. Habang nakatitig sa akin,bumalik sa akin yung mga panahon na naiinis sa akin ito at ayaw na ayaw akong makasalubong dahil sa kaartihang ipinakita ko noon sa kanya.

"Teacher? Okay ka lang?"narinig ko ang boses ni Anghelita.

" I'm so sorry. Patawarin mo na ako. Sorry sa kagaspangan ng ugali ko dati. Naiinggit lang ako sayo noon kaya kita inaway. Forgive me! Angelina. I regret making you my enemy! I'm so sorry!"

Lumuhod ako. Pinagsisisihan ko ang ginawa kong pang-iinsulto sa pagiging friendly niya sa akin noon. I feel terrible simula nung iwasan niya ako. Lalong nawala ang self steem ko nung ipamukha niya sa akin na pinsan pala niya yung akala kong nilalandi niya.

"Ma'am ? Tumayo ho kayo!ano hong sinasabi niyo?hindi ko ho kayo kilala. Ngayon ko lang ho kayo nakita." Napatulala ako sa kanya...

"What did you just say?!" Si ma'am Cynthia!? Oh,ka close nga pala niya si Angelina noong sophomore year nito. Pero ano daw? Hindi niya kami kilala?!





Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon