Chapter Twenty Four

281 4 0
                                    

Leanne

I suddenly open up my eyes. Maxine is here!!

I went running downstairs and there I saw her. Her parents chatting with mom.

"Maxine! Thank you for coming early, I badly need your help " I hugged her.

"Alam mo naman na malakas ka sa akin. Isa pa, pagpasok ko dito ay magiging fourth year high agad ako. So I dropped out to be in the same year as you.
Now, tell me what to do......"I smiled at her.







Giselle

Ewan ko ba, kahit anong paliwanag ang gawin ni Rafael ngayon sa harap ko ay hindi ako makapaniwala. At kung sakali mang sila nga ang magkakatuluyan 'kuno' ni Angelina, dapat alam ni Angelina iyon.

Kanina kase ay mag-isa ko lang pumasok dahil dumating yung pinsan ni Leanne na si Maxine. Malayo pa si Angelina ay natanaw ko na agad siya. Tatawagin ko na sana ng makita ko si Rafael di kalayuan sa kanya. Naintriga ako kaya pinanood ko ang mga kilos nila. Walang kaalam alam si Angelina na parang aso na sunod ng sunod si Rafa sa kanya. At eto pa, kung makatitig si Rafa,ramdam na ramdam ko yung pagmamahal niya kay Angelina. Hindi bilang kapatid, more like a lover, scratch that, a stalker.

Hindi na ako nakatiis at kinompronta ko na si kolokoy.

" Look Giselle, alam kong mahirap paniwalaan, pero yun ang napagkasunduan ng magulang ko at ng tunay na kamag-anak ni Angelina. Gusto nilang ako na at yun din ang gusto ko. Mahal na mahal ko si Angelina. Kaya wag kang mag-alala,okay na? So tabi na, hindi ko na tuloy siya nasundan." At hinawi ako nito na para bang kurtina lang, pero hindi ito lumakad pa palayo na ipinagtaka ko. Nung lingunin ko si Rafa ay naroon sa harap niya si Angelina.

"Rafael,bakit kausap mo si Giselle?" Nakangiti si bes habang nagpalipat lipat ang tingin sa amin.

"Wala,nagpa-autograph lang siya." At lumakad na palayo si Rafa na nakangisi sa akin.

"Hoy loko loko!ang yabang mo !!" Nag-iinit ulo ko sa kanya. Buti hindi ko na yun crush. Tsk.

"Wala si Leanne?" Nakangiti si Angelina habang umaabrisete sa braso ko. Tinitigan ko ang walang muwang kong kaibigan at napabuntong hininga.

"Oo eh,kung gusto mo, mag movie date tayo mamayang hapon sa bahay nila. Naroon si Maxine.
Sumang ayon siya at pumasok na kami sa classroom.











Ramon

I recieved a letter. Mula iyon kay Krystal. Parang sira iyong babaeng iyon, uso naman ang Email at social media, aning trio at nagsend pa ng sulat via snail mail?tss.

Binuksan ko iyon at mayroong post card na nasa loob. Picture nila ng boyfriend niyang hilaw,nasa California sila kasama ang pamilya ng lalaki. Dati na akong isinama ng mga ito. Naasiwa ako sa kapatid ko nung mga time na mas sweet pa siya sa candy sa lahat ng tao. Kaya nga ako naghotel sa sumunod na araw for our whole duration. At doon ko nakilala,no, doon ako dinalaw ng anghel ng buhay ko para bigyan ako ng anak.

Bigla nalang akong kiniliti sa tadyang ni Renz. Muntik ko na siyang masuntok sa mukha.

" Chill!haha,ang lalim ng iniisio mo Rams ha?" Rams?san galing iyon?

"Anong sabi mo?Rams??" Saan galing yung baduy na palayaw na yun!? Inakbayan niya ako habang nagpapaliwanag.

"Ah,nahawa nako kay love. Yun ang binyag ni Angelina sa pangalan mo. Para daw cute." Lumingon ito sa ikinakabit na billiard pool sa dulo habang nanguya. "Teka lang ha? Paramg di pantay yun." At lumayo sa akin si Renz at kinausap yung nag-iinstall ng mga pools.

Si Angelina, ang kinakabaliwan ni Renz. Si Angelina na laging nag aalaga sa anak ko pagkagaling sa paaralan. Si Angelina na laman ng panaginip ko. Si Angelina na minamahal ko na ng patago. Nakakainis na puso ito.




Someone's POV

Angelina, ngayon ay mamahalin kita. Ipapakita ko sayo kung sino ang talagang nararapat sa iyo. Ako iyon. Kaya kong ibigay ang buhay ko para sayo.

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon