Renz
"Love,tumawag pinsan mo,pauwi na daw dito." Nakapout ang lips ni Angelina. Kalong kalong niya si Jojo. Hinalikan ko siya. Hinablot ni Jojo yung tshirt ko na kulay pink.
"Hala ka,baka bakla itong si Jojo,type yung damit mo!haha"
Nagba-blush nanaman siya. Ako man ay kinikilig tuwing nahahalikan ko siya. "Masyado na itong batang ito. Magsalita ka na Jojo, wag yung puro laro at lakad inaatupag mo. Ang kaunti pa ng salita mo." Malambing kong inugoy ugoy ang bata. Nakangiting tumayo mula sa kama si Angel ko at lumapit sa amin."Love, tumawag na ako ng resbak eh,kaso pauwi na pala yung si Ramon."nakangiti ito ng makahulugan. Napabunghalit ko ng tawa kase mahaba habamg lesson ang gagawin namin ngayon.
" hah! Ano na?nasaan na ang aalagaan ko?" Humihingal si Leanne, ang isa sa bestfriend ni Angelina.
"Nandito oh, paki-alagaan naman. Kami ay maraming gagawin. Thank you ha, ikaw lng kase ang kilala kong mahilig sa bata. Si Giselle ay mainitin ang ulo at isa pang isip bata. Baka pati landiin non ang ama niyan. Malandi pa naman iyon. Haha"
Natatawa ako sa mga pinagsasasabi ni Angelina habang inihahatid si Leanne sa kwarto ni Ramon. Gabi na ang dating non. Baka nga kinabukasan na eh. May mga empleyado naman kami sa baba. Bihira na rin kase akong makapag mix ng drinks dahil abala ako kay Angelina. Nahiga na ako sa kama. Kapag ganitong nakaligo ako sa gabi ay inaantok agad ako. Hindi ko namalayan na napaidlip na akong tuluyan.
Mabango, amoy iyon ng shampoo ko. Pero may ibang halimuyak na humalo doon. Naalimpungatan ako ng makita si Angelina na nakayakap sa akin at tulog na tulog. Mukhang naligo ito. Sobrang dumi naman kase kumain ni Jojo kaya malamang ay nadumihan ito nung sinubuan ng baby cereals ang bata. Yinapos ko pa ito palapit sa dibdib ko at inamoy amoy ang kaniyang buhok na dahilan para magising ito.
"Akala ko ba tuturuan mo akong mag gitara?" Inaantok na sambit niya.
"Next time nalang. Turuan mo nalang ako kung paano ka halikan kapag bagong gising ka." At hinalikan ko na ang kanyang mga labi...
Ramon
Pag akyat ko sa second floor ay dumiretso ako sa kwarto ni Renz. Doon ko naabutan ang sila ni Angelina na parehong tulog at nahilik. Halos mahulog na si Angelina kaya pumasok ako para iusod siya. Nadaanan ko yung sofa kung saan nakapatong yung damit na hinubaran ng dalagita. Namumuti iyon sa mukhang powder ng gatas. Lumabas na ako at pumunta sa kwarto ko.
Laking gulat ko ng makakita ako ng isa pang dalagita na inihehele ang anak ko. Mukha itong maamong pusa, idagdag pa ang mabalbon nitong braso. Balut na balot ito ng makapal na jacket at hanggang talampakan na red jogging pants. Medyo nagulat ito ng mapaharap sa akin.
"Ah, hello, kaibigan ka ni Angelina ano?pasensya ka na ha? Maghapon kaseng sila lang nag alaga sa anak ko. Ditonka na matulog. Samahan mo nalang itong anak ko, gabi na at maraming lasing sa ibaba. Sa baba naman ako mag iistay, so feel at home ha?" Dumungaw lang ako sa anak ko na tulog habang inihehele niya. Hinalikan ko ang kamay ng bata bago lumabas ng kwarto...
Pumasok sa isip ko ang tulog na si Angelina. Wala naman sigurong nangyari sa kanila dahil may bisita sa kabilang kwarto. Medyo napanatagang loob ko.
Leanne
Hindi niya ako kilala. Ni hindi niya man lang ako pinansin o hinayaang magsalita.
Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Siguro ay minahal ko siya kahit na isamg gabi lang kami nagkakilala. Hindi ko siya nalimot kahit anong hikayat noon sa akin ni dad at kahit na tanggap at mahal na mahal ako ni Johannes, na kababata ko sa Cali.
Saglit akong napaisip. Ang kailangan ko lang ay ang makapiling ang anak ko. Kapag nangyari iyon ay baka magkabalikan na si mom and dad. Isa pa'y wala naman talaga akong dapat pakialam kay Ramon Boas.
Nang gabing iyon ay halos sumabog ang cellphone ko sa dami ng photos namin ni Nicholas na kunuhan ko ng litrato.
Ang sarap matulog katabi ng anak ko, sa ikalawang pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?