Stephen
Nasa labas ako ng gate sa school. Inaabangan ko yung Monterosports na kulay blue. Nang makita ko yun ay hinintay kong makababa ang dalawang estudyante bago ako pumasok sa gate.
Ako nga pala si Stephen Go. Laking Maynila ako,pinatapon lang ako ni mommy dito dahil nababarkada ako roon. Isa pa,may pinababantayan siya sa akin. Ang ayaw ko lang sa school na ito ay yung fact na dito nagrereyna reynahan ang nag iisang pinsan kong babae na si Marga. Kung hindi ba naman baliw iyon,pinagkalat na magsyota kami. Saka ko lang nalaman kay mommy na inutos nito iyon kay Marga para hindi ko pagkaguluhan kung sakaling kabi kabilaan nanaman ang magiging girlfriend kontulad sa Manila.
Habang naglalakad ako sa hallway ng building namin ay nakita ko si Angelina na parang pinipilipit habang may kausap sa cellphone. Medyo binagalan ko ang aking mga hakbang para marinig ko kung ano ang dahilan ng pag ngiti ngiti nya na nagmumukha na siyang baliw.
May narinig akong tawa na boses lalaki pero bago pa iyon makapag salita ay may mga yabag na napakalakas na palapit sa direksyon namin.
"Mahal ko,bebe ko!!!! " si Giselle!! Kasunod niya yung mukhang pusa na classmate din namin na si Leanne. Akala ko ay sa akin pupunta si Giselle pero si Angelina ang sinunggaban nito. Nakamata lang sa akin si Leanne at ngumiti. Natauhan ako kaya't tinanguan ko siya at tumalikod na. Mabagal parin ang mga hakbang ko.
"I miss you bebe ko. Walanjo ka naman. Nagkaboyfriend ka lang nalimutan mo na kami. Nagseselos na ako. Ikaw din,pag ako nagtampo ipapakidnap ko yang jowa mo. Gusto mo ba yun? Ipapatapon ko siya sa Bermuda triangle." Nagtawanan na ang mga babae.
Naiba na talaga ang image ko. Sa dati kong school ay pinagkakaguluhan ako. Pero ngayon,kung kailan ako nakakilala ng talagang type ko, hindi ko naman mapormahan. Ang gusto ko kase ay yung babaeng cute pero brutal, ayoko sa mahinhin or sa masyadong misteryosa. Kaya nanggigigil ako kay Marga. Hindi na tuloy ako pinapansin ni Giselle. Kainis yung bratinella na iyon!!!
"Ano ang sabi mo? May boyfriend na siya? At hindinyung batang si Rafael?" Pag uulit ni mommy,kala mo naman bingi.tsk.
Nilakasan ko ang boses ko at itinapat sa cellphone ko ang aking bibig. "Kakasabi konlang mom. Isesend ko yung pictures nila sayo. Buti nalng at friends kami sa fb. Kanina lang kase ako nag online. Tawagan ko nalang ulit kayo bukas. Bye mom." At pinatayan ko na ng phone. Si Marga ay nagsha-shopping ngayon. Mag-isa lang ako sa bahay. Isinend ko sa email ni mommy yung naidownload kong litrato ni Angelina at ng boyfriend nito. Pagkatapos ay inistalk ko na ulit si Giselle. At least hindi siya kasing arte ng pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?