Chapter Sixty Four

172 3 0
                                    

Marina

"Mga anak, wag kayong mag-aaksaya ng papel, alam niyo namang kailangan nating magtipid dahil magpapagawa tayo ng bahay."

Muli kong pinagsasabihan ang dalawang anak ko. Sadyang maligalig ang panganay kong si Anghelita. Napakabibo nito na kabaligtaran naman ni Lorenzo.

Si Lorenzo ay ipinanganak ko matapos akong mawalan ng ala ala. Magtataka ang lahat sa bayan kapag nalaman nilang magkaiba kami ng tinutulugan ng asawa ko. Hindi ko naman maaya ang lalaki dahil alam kong hindi kami mag-asawang talaga.

Wala akong matandaan mula sa nakaraan maliban na lamang sa kakaibang panaginip na pilit kong nireresolba. Baka mga ala ala ko iyon na hindi ko magawang alalahanin.

Kahit masaya at komportable ako sa pamilyang ito ay hindi ko maialis sa sarili ko na may kulang. Parang may hinahanap ang puso ko. Kahit na napaka gwapo at responsable ni Rodel ay hindi ko ito magawang mahalin bilang asawa.

"Nay,si ate,may crush daw." Sabi ni Lorenzo. Nakakatuwa ang batang ito. Hindi ko ito kamukha. Hindi rin nagmana kay Rodel,dahil hindi naman niya ito anak. Parang pamilyar ang mukha ni Lorenzo pero hindi ko masabi kung kailan at saan ko iyon nakita.

"Lita,anong sinasabi ng kapatid mo? Alam mo namang mabikis makaintindi ito, kung ano ano pa nag ikinukwento mo." Tatawa tawa ang dalagita at yinapos ako.

"Nay,crush lang yon. Kayo ni tatay ang love ko,pati si bunso n sumbongero." At ginulo nito ang buhok ng nakababatang kapatid.




"Rodel,sabi ko naman sayo, wag kang magpapagod. Alam mo namang sobra sobra ang kinikita natin,bakit ba nagpapakapagod ka?" Sermon ko sa asawa ko. Nasa ospital kami dahil bigla nalang natumba si Rodel habang nakikipag harutan sa mga bata.

"Ayos lang ako Rina. Totoo, hindi ko na uulitin." Pangako nito.

Pero nung dumating ang resulta ng medical exam nito ay tila ba pinagsakluban ako ng langit at lupa. May butas ang puso nito at nangangailangan ng heart transplant.







Napaoperahan si Rodel. Mabuti na lamang at may ipon kami. Ang kaso ay wala pang anim na buwan ay nagka-heart failure ito. Hindi tinanggap ng katawan nito ang bagong puso. Narito nga kami sa Maynila nagpagamot. Nilisan namin ang Batanes mula ng magkasakit si Rodel.

Bago pa ito dalhin sa Maynila ay ibinenta na namin sa murang halaga ang aming bahay at lupa,maging ang bahay namin na katatapos lang ipagawa. Halos maubos ang ipon namin.

Ilang linggo matapos namin malaman na wala ng pag-asa si Rodel ay ibinilin niya sa akin ang mga anak namin. Nagpakasal kami ni Rodel gamit ang apelyidong napanaginipan ko.

Kaya naman ako ay nakakapag trabaho na. Kailangan kong magsumikap para sa mga anak ko. Ngayon ay labing dalawang taong gulang na si Anghelita. Si Lorenzo ay anim, kaya habang lumalaki sila ay lalong lumalaki ang gastusin.

"Hija?kamusta ka na? Naku,hindi ko malilimutan ang pag tulong ninyong mag-asawa sa Batanes noong nanganak ang anak ko. May matutuluyan ba kayo?Dito na ba kayo titira sa Maynila?"

"Naku aling Josa, kabilin bilinan ng asawa ko bago mamatay eh wag dito maninirahan sa Maynila dahil sa dami ng masasamang loob."


"Ay kung ganoon, bakit hindi ka sumama dito sa pamangkin kong si Andrea, kakagraduate lang nito ng high school. Magtatrabaho ito sa Lumar City. Maganda roon at payapa. Hala at pumasok kayo sa maliit naming bahay. Kawawa naman iyang dalagita mo at nilalamig na."

"Salamat po aling Josa. Lorenzo? Magmano ka kay aling Josa. Ikaw rin Lita." Utos ko sa magkapatid.

"Mano po." "Mano po aling Josa."

"Naku!eto na ba yung sanggol na kalong kalong ko noon sa tindahan?ka gawapong lalaki pala nito!"

Proud na proud naman si Anghelita sa kapatid.






"Wow ! Nanay!! Ang ganda dito!!"
Bilib na bilib si Anghelita sa tanawin sa labas ng bus. Katabi nito sa Andrea sa tapat ng inuupuan namin ni Lorenzo.


"Naku Lita, ang ganda ng school na papasukan mo. Pero mas maganda kunh makakakuha ka ng scholarship para hindi ka na gagastos pa." Sabi ni Andrea.

Dito raw sa Lumar nagsisipasukan ng trabaho ang mga taga Maynila dahil sa napakagandang lugar at matataas na sweldo.




'Dito ko sisimulang mabuhay kasama ang mga anak ko.'

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon