Renz
Natawa ako sa napanood ko. Si Marga nga pala iyon. Yung maarteng kaibigan ng Angel ko.
Namimiss ko na siya. Ilang araw nang si Kuya Bon ang nagpapatakbo ng bar. Nakatambay lang ako sa bar at paminsan minsan lang natulong sa pagmimix ng drinks. Naging regular costumer ko na nga yung tenant sa condo na malapit dito sa bar. Si Rica.Ang balita ko ay isa itong photographer. Gusto niya pa nga akong kuning model. Siguro ay nagbibiro lang siya.
Napakasexy niya at kamukha niya pa yung ex ko. Si Regina. First love ko yun pero pinagpalit ko sa kano. Mahirap lang kase.
Namimiss ko na si Angelina. Pumapasok na nga sa isipan ko na sundan siya kaso nahihiya ako.
"Oh, iniisip mo nanaman ang syota mong bagets?" Si Rica. Napangiti ako. Isa pang kulit niya sakin ay baka pagbibigyan ko na siya. Matagal tagal na rin kase since nakaramdam ako ng pagnanasa sa babae.
Iba kase si Angelina. Bata pa, at ayokong matulad kay Ramon. Wala akong balak na buntisin ng maaga si Angelina. Gusto ko ay masolo ko siya. Hindi pa ako handang may kaagaw. Actually, ayoko ng may kaagaw.
Kapag nasa tamang edad na si Angel ay ibabahay ko na siya. Ako na ang magpapaaral sa kanya. Mayaman ako. Mas mayaman pa nga ako kay Ramon eh.
"Ano na Renz? Hindi mo ba talaga ako mapagbibigyan? Hindi ka naman maghuhubad sa camera eh." Malambing na ipinulupot niya ang mga kamay sa braso ko. Tumawa lang ako at inilapit ang mukha ko sa leeg niya.
"Sorry babe,taken na ako." Bulong ko na ikina hagikhik niya.
"Hmm, I dont care,babalik balikan kita hanggang sa makuha ko ang gusto ko sweetheart." At kinindatan niya ako bago pa nag sexy dance sa gitna ng bar kung saan puno ng nagsasayawang costumer. Pinanood ko siya at napailing. Parehong pareho sila ni Regina. Sexy, pero malandi.
Angelina
Naging masaya ang outing namin. Nag scuba diving kami nung 28 and nung 29 naman ay nagpunta kami sa Zoobic Safari. Favorite ko yung mga Camels. Mabaho lang pero ang cute. May picture pa nga si Rafael na katabi yung Camel at sinubukan niyang palakihin yung butas ng ilong niya. Magkamukha tuloy sila. Ginawa kong picture niya iyon sa contact numbers. Ako naman ay sa kanyang wallpaper kung saan nasa labas ako ng kulungan nung Liger. Cross breed ng Lion at Tiger.
Pag uwi namin ay sobrang pagod kami. Nag Island hopping kami bago umuwi. Si uncle ted ay idinertso na sa kwarto niya ni kuya Jonas.
Si Chico ay nakanila tita Fina. Nakatulog sa byahe.
Nakakalat ang mga gamit namin sa sala. Inuna kong ilagay sa aquarium yung mga starfish na nakuha namin. Tatlo rin iyon.
Si Rafa naman ay nakatulog na sa sofa sa pagod. Matapos kong maghugas ng kamay ay umakyat na ako sa kwarto ko para matulog. Hinubad ko lang ang aking bra tulad ng nakasanayan at natulog na.
Ganun nalamang ang pagkabulabog namin nung narinig namin ang pasigaw na daing ni uncle Ted.
Lahat kami ay nagising. Tumawag kaagad ng ambulansya si kuya Jonas at dinala namin si uncle Ted sa Lumar City General Hospital or LCGH.
Napasugod din si Eve at Tita Fina. Mayamaya ay naroon na rin si Kenneth na mukhang galing pa sa pagtulog.
Itinakip ni Rafael yung suot niyang polo akin. Sando na lang ng suot niya."Bakit?" Tanong ko
"Wala kang bra.tss"
"Thanks." Sabi ko. Doon na kami nagpalipas ng gabi.
Alas diyes ng umaga nung nailipat si uncle Ted ng kwarto. Naghihina na ito. Parang hinintay lang na matapos ang kasal ni kuya Jeric at talagang nanghihina na.
Umuwi kami ni Rafael at si Tita Fina naman ang nagbantay. Si Eve naman ay bumalik sa grocery store para asikasuhin yung mga stock na idi-deliver ngayon.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?