Chapter Thirty Seven

214 4 0
                                    

Angelina

I recieved the photos that Giselle sent me. Inuna niyang ibigay sa akin kaysa kay ma'am Martha.
Alam ko naman na iyon ang nag  utos kay Giselle, pero hindinyon ang importante.

Pinunit ko ang mga litrato. Nanlalaki ang mga mata ni Giselle.

"Bakit mo pinunit!?"

"Dahil wala lang ito bes. Halika at pumasok ka. Kumain ka manlang."

Nakaburol si uncle Ted sa Chapel ng barangay namin dito sa Matiban, maraming tao kanina pero ngayong hating gabi na ay kami kami nalang. Bago kami makapasok ay hinarap kong muli si Giselle.

"Wala kang sasabihin. Wala kang nakita. Hayaan mo si Renz. Ako ang bahala sa kanya, bes. Wag kang mag-alala sakin. Kaya ko ito." Nginitian ko siya ng tipid. Naiiyak na tumango ang bestfriend ko at inakay ko papasok.

"Giselle,bakit naman gabing gabi ka na nakarating? At ano iyang suot mo?walang pogi dito ngayon. Baka ma-rape ka ng tikbalang sa labas." Pagbibiro ni Eve. Sumama si Giselle kay Eve matapos kumain at pinatulog sa bahay, sa kwarto namin. Si Eve ay babalik sa grocery dahil hindi ito nakapunta nitong mga nakaraang araw bukod pa nung nasa Zambales kami.


Tinignan ko yung mga litratong pinunit ko. Kahit pinunit ko iyon ay nakikita ko parin ang mga nakuhang mukha ni Renz.

Nagpunta ako sa may candle holder kung saan nakasindinang kulay puting kandila na nangangalahati na. Sinunog ko ang mga litrato. Sa aktong iyon ay lumapit sa akin si Rafael na bagong gising mula sa pagkakatulog sa isang sofa sa dulo.

"Ano iyang sinusunog mo?" Tanong ni Rafael.

"Basura, hindi importante. Masakit pa ba ang ulo mo? Gusto mo bang kumain muna?" Pag-iiba ko ng usapan.














Nailibing ng maayos si uncle Ted.
Tatlong araw lang ito ibinurol at inilibing din kaagad.

Pagkatapos itong ilibing ay naghiwa-hiwalay na kami.

Si Chico ay maglalagi na kanila Tita Fina at ililipat na sa paaralan malapit sa bago nilang tahanan.

Yung bahay naman ay pamana ni uncle Ted kay Rafael. Kaya si Rafael ang mananatili roon kasama kami ni Eve.

Hinakot na ni tita Fina lahatnng gamit niya. Nabakante na yung dalawa pang room kaya magiging tag-isa na kami ng kwarto ni Eve. Inayos ko yung dating kwarto ni Chico. Katapat iyon ng kwarto ni Rafael.

Masyadong naging busy ang mga dumaang buwan. Nagkikita kami lagi ni Renz tulad ng dati at tulad ng dati ay madalas kaming magbangayan ni Rafael. Nagkaroon na rin ng trabaho si Eve. Isa na itomg guro sa dating school ni Chico kaya halos hindi na ito nakakapunta sa grocery. Si tita Fina naman ang naging hands-on sa grocery kaya hindi na ako nakaatambay doon.

Ngayon nga ay sinundo ako ni Renz. Masama ang tingin nila Leanne at Giselle sa kanya pero hindi sila nagsalita. Walang binabanggit si Leanne sa fiance' niya kaya walang malay si Renz.

"Angel ko, kamusta ang resulta ng exams mo?" Hinalikan niya ako bago tanungin. Nginitian ko siya.

"Ayos na ayos, mataas ang grades ko love. Oo nga pala. Next school year, sa June, fourth year na rin si Rafa. Nag take siya ng acceleration exam. Kaya nag jump siya ng isang taon." Pasimple kong sinabi sa kanya.

Nawala ang ngiti nito. Pinaansar ang kotse at mabilis iyong pinatakbo. Hindi ako umimik.

Parang wala kaming pupuntahan. Nakalabas na kami ng Lumar City pero walang imik si Renz.

"Love? Naeenjoy ko yung mga times na ganito. Nawawala yung pagod ko. First time kong mag joy ride kasama ang boyfriend ko. Maginhawa pala sa pakiramdam. Inaantok ako. Pwede bang matulog saglit?"

Hindi ko na siya pinagsalita at ipinikit ang mata ko.

Nakaidlip ako at nagising nung huminto kami pero hindi ako nagmulat.

"Akin ka lang Angel. Akin ka lang. Ngayon ay kukunin na kita bago ka pa makuha ng bastardong iyon."

I'm shocked. He's insane.














Stephen

Nakasunod kami sa kotse ni Renz. Itinawag namin kay mom ang nagiging behavior ni Renz. Lagi na itong nakabantay kay Angelina. Kapag hindi nagpapasundo si Angie ay nakaabang ito na parang stalker sa labas ng school.

Huminto ang kotse nito malapit sa isang park. Nakaabang kami ni Giselle, naikwento na samin ni Giselle ang pakiusap ni Angie na wag aawayin si Renz. Mukhang mahal ng pinsan ko ang gagong iyon.

Mga ilang minuto ay lumabas sila. Nakatingin lang kami. At nagpasyang umuwi ng makitang masayang naglalambingan ang dalawa at parang maayos naman sila.

Hinawakan ko ang kamay ni Giselle.

"Manong,hatid na natin itong girlfriend ko sa bahay nila." Sabi ko sa driver ko. Yumakap si Giselle sa akin at tahimik kami sa buong biyahe pauwi.






Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon