Chapter Sixteen

350 3 0
                                    

Rafael

'Bakit bigla niya akong itinulak?'
Napatitig ako sa maliit na mukha ni Angelina. Tumayo ito at akmang lalabas ng kwarto ng mahablot ko ang isang siko nito.

Binawi iyon ni Angelina. Hindi kakikitaan ng emosyon ang kanyang mukha. Nang bigla siyang ngumiti ng matamis.

"Thanks for the kiss. Now I know how to kiss Renz. Mauna na ako. May lakad kami ngayon." At tinalikuran niya ako.

Hindi ko maipaliwanag pero parang may mali.

Dapat ay magalit siya or mahihiya. Pero hindi, bagkus ay parang nasubukan lang nito ang isang bagay na hindi naman gaanong kaimportante.
















Renz

Mula ng makita ko si Angeline ay nagandahan na ako sa kanya. Lagi akong pinapaalalahanan ni Ramon na mag ingat ako dahil menor de edad pa nga lang ang dalaga. Isa pa ay hindi naman ako bastos na tao. Importante siya sa akin. Ganito talaga ako kapag tinamaan ng pana ni kupido.

Ang isa pang dahilan kaya talagang nagseseryoso ako sa kanya ay dahil nakikita kong mahal niya ako. Sa murang edad niya ay nakikitaan ko na siya ng loyalty. Kapag nag uusap kami ay talaga namamg kinikilig ako.
Aminado naman akong mas kinikilig ako kaysa sa kanya. Simpleng lalaki lang ako. At manang mana ako sa mga lalaki sa angkan namin na wagas kung umibig. Sadyang naiiba lang si Ramon na hindi malaman kung kanino nagmana gayong parehong mahinhin ang magulang nito maging ng mga kapatid.

Sa ngayon ay itinext ko si Angel ng buhay ko. Sinabi kong malapit na ako. Nagtaka ako ng sinabi niyang nasa Plaza siya. Excited kaya ito sa date namin kaya nauna na ito? Ayan at kinikilig nanaman ang puso niya. Halos mapunit ang aking pisngi sa lawak ng pagkakangiti.




Giselle

"Bruha ka!hindi mo manlang ipinakilala ang jowa mo tapos nakikipag date ka na agad jan!? Ang duga mo friend!" Bulyaw ko kay Angelina sa cellphone, kasama ko si Leanne ngayon dahil kakatapos lang namin maglaro ng badminton. Lunes na bukas kaya dapat ay masulit ang weekend. Ang kaso,itong si Angelina,ang daming ganap,naunahan pa akong mag jowa.

"Pakausap nga," si Leanne. "Girl,ipakilala mo samin yan ha? Kailangan makilatis. Baka bulok na kamatis. Haha" natawa naman ako sa joke niya.

Kinulit kulit pa namin si Angelina kaya nangako ito na magpopost sa fb ng pictures nila.



Hapon na ng makita ko ang post niya. Ang dami nilang pictures. Naka-couple shirts and shoes pa. Tilian kami ng tilian ni Leanne. Nag kwentuhan kami about sa dream guys namin. Naisip ko si Stephen. Boyfriend na iyon ngayon ni Marga,yung kaagaw ko. Pero crush ko pa rin siya. Ang cute niya kase.

Si Leanne naman ay may childhood sweetheart daw sa ibang bansa. Ang balita daw nito ay sa Korea naninirahan ang amerikanong si Johannes. Ipinakita niya ang litrato nila at talaga namang nag uumapaw sa dimples si pretty boy. Halata naman na bagay na bagay sila.







Tita Fina

Namamasyal kami sa mall ni Chico at ni Tonton. Tanggap na ni Chico si Tonton pero kuya ang tawag nito sa huli.

Nag text si Eve at nakita kong pinapacheck niya ang Fb ko.
Nakita ko ang mga posts ni Angelina. Umiibig na ang dalaga. Sana ay walang gawing kalokohan si Rafael. Mukhang mabuting tao pa naman si Renz.

"Mama,kuya, tara sa cinema!! Showing na yung transformers,gusto ko yun mama, ang astig nun." Inakbayan ni Tonton ang bata kaya napilitan na akong pumayag. Minsan nalang kami magkasama ng mga anak ko kaya namimiss ko ang ganito.



















Someone's POV

"Angelina, ako ang dapat na kasama mo. Hindi kung sino sino lang." Titig na titig ako sa masayang mukha ni Angelina. Kahit masakit na makita siyang nasa piling ng iba,bawing bawi ng mga ngiti niya ang lungkot ko.

"Halika na kakain na tayo, mamaya ka nalang ulit magkulong sa kwarto mo."

Isinara ko ang aking laptop at lumabas na ng aking kwarto.








Leanne

Nanginginig ang mga kamay ko matapos na makita ang mga larawan na iyon sa facebook. Naalala ko ang tinakasan kong nakaraan. Hindi ko alam kung paanong nagawa ko ang bagay na iyon. Paano kung malaman nila? Paano kapag nalaman niya at magkita nanaman kami? Siguro ay hindi niya na ako guguluhin. Sana naman ay hindi niya nga talaga ako maalala. Kung sana ay narito ang kaibigan kong si Johannes. Baka makaya ko,ayokong lumayo sa mga kaibigan ko. Hindi na dapat ako maging mahina. Kailangan kong tatagan ang sarili ko.

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon