Angelina
Si Rafael. Binubulabog niya ang puso ko. Nalilito ako. Gustong gusto ko siya pero mahal na mahal ko naman si Renz.
Sabi nila,kung mahal mo,bakit ka magkakagusto sa iba?
Sa palagay ko, wala naman sa mga sabi sabi yun eh. Nasa sarili mo. Kung magpapaka tanga ka or aayusin mo ang takbo ng isip at tibok ng puso mo.
Humiwalay ako kay Rafael, nagkatitigan kami. Siya ang unag bumasag sa katahimikan.
"I'll let you go for now. Pero please,wag mo akong iwasan. Hayaan mo akong mahalin ka. Promise hindi na kita momolestyahin." At nangingiting hinalikan nito ang noo ko.
Nagtawanan kami. Paniguradong magiging masaya ang Paskong ito.
"So, sasama ba kayong mamili ng pasalubong tita? Dadalhin namin ni Rafa yung si manong driver. Kasama namin si Ken at Eve." Sabi ko kay tita Fina habang nananghalian.
"Hindi ba masyado pang maaga? "
"Tita,habang walang gagawin. Kase magiging busy na sa wedding after Christmas eh. "
"Oh sige, ipapadala ko yung listahan ko sayo. Kayo na bahala ni Eve ang mamili. "
Usapan namin ay mamimili lang ng souvenirs pero pati pang handa ay kami na ang pinabili. Talaga naman si Tita, masyadong hands on sa dalawang asawa niya.tsk tsk.
"Dala mo ba yung mga pangregalo mo?" Tanong sakin ni Rafa.
"Oo naman noh,ikaw ba?" Natingin kami ng magandang designs ng mga t-shirts na ipapasalubong sa mga tauhan sa grocery.
"Dala ko naman. Yun nga lang nakalimutan kong ibili ka ng regalo,ano ba gusto mo?" Sabi niya.
Hinampas ko siya ng pouch ko sa braso. "Kainis ka! Yung akin pa talaga ang kinalimutan mo?!" At kinurot ko siya sa tagiliran. Tatawa tawa itong lumayo sa akin. Napatawa na lang ako.
Minsan, hindi pala, madalas, pinapasaya ako ni Rafael sa simpleng pang-iinis niya.
Giselle
Kaharap ko ngayon ang mommy ni Stephen. Siya raw si tita Martha. Halatang close sila ni Marga. Kanina pa sila nag uusap tungkol sa bagong labas diumano na Gucci purse.
Nung dumating si Stephen at tumabi sa akin lang tumigil si Marga sa kakadaldal. Si tita Martha naman ay nakangiti sa amin.
"Hijo, gusto ko itong girlfriend mo. Mukhang matino ka na." Bumaling naman siya sa akin," Hija,gusto mo bang magshopping kasama ako?" Nagpapadyak si Marga pero tumango nalang ako.
"Marga, hija? Kami lang ni Giselle ang aalis okay? Nasesermunan na ako ng mommy mo sa dami ng gamit mo."
Binalingan niya si Stephen," Let's go son! We have to celebrate your new life as a matured man."kinindatan ako ni tita at hinila na palabas ng bahay.
I think mabait naman ang mommy ng boyfriend ko. Medyo may kaartehan lang.
Ramon
Nakailang ulit na akong nag palit ng diaphers ni Jojo, busy sa pagluluto si mama Nita at si Leanne,halos magkandahaba na ang leeg ko.
"Chill lang cousin, kasama nila si Krystal. Mag enjoy tayong mga boys dito." Sabi ni Renz.
Nakakapagtaka lang na kasama namin ang pinsan ni princess dito sa loob habamg yung dalawang asungot ay nanonood ng wrestling.
Ako, si papa Ric, si Renz, si kuya Bon ko at si baby Jojo ay narito sa family room ng bahay nila Leanne, at ang mga babae ay naghahanda ng pang noche buena. Tanging si Maxine lang ang babae rito at mukhang malalim ang pag iisip sa nilalaro nilang chess ni papa Ric. Umiyak si Jojo nung naghiyawan si kuya at si Renz. Tinignan ko sila ng masama at pasimpleng lumabas kami ng anak ko para masilayan si mommy niya."Honey, bakit andito kayo?" Nagulat ako nung mula sa likuran ko nanggaling si Leanne.
"Namiss ka namin eh" paglalambing ko.
"Halika,tikman mo yung fruit salad na ginawa ko." Hinila niya ang isang kamay ko at pumasok kami sa kusina.
Inirapan ako ni Krystal na mukhang nasabugan ng harina sa damit.
"Ano yan Krystal? Hindi yan polbo,bakit pinaligo mo?" Pagbibiro ko. Inambaan niya akong babatuhin ng rolling pin pero ibinaba rin niya agad nung marinig ang tawa ni Jojo. Natawa naman si mama Nita.
"Say ahh.." Ang ganda ganda talaga ng princess ko.
"Ahhm...ang sharap. Pakiss nga!" Naghiritan ang mga lalaki sa pinto. "Madaya yung mag-ama, nangunguna sa pagkain oh!" Sabi ng kuya kong si Bon.
"Psst,labas,pati yung bata,labas. Mausok jan sa kusina." Sabi ni papa Ric at napatingin sa ate kong namumula sa kahihiyan.
Lumabas na ako bago pa umatungal ang hopeless sa pagluluto na si Krystal.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?