Chapter Nine

407 7 0
                                    

Inilapag ko malapit sa pinto ang mga bag namin at dumeretso sa kama. Bahala na si Angelina na ayusin iyan bukas. Pinakatitigan ko si Angelina na na kasalukuyang natutulog ng mahimbing at naka fetal position pa ito. Nang nag-unat ito ay nalilis ang comforter at nahulog iyon sa sahig. Nangingiting pinulot ko iyon at akmang ikukumot sa kanya ng mapuna ko ang mapipintog niyang mga binti.

Pinagmasdan ko ang kabuuhan ni Angelina. Hindi siya kaputian ngunit hindi naman talaga siya maitim. Morenang morena,kulay kayumanggi,at nakakaaliw tignan sapagkat kitang kita ang kinis ng kanyang balat na pantay na pantay ang kulay. Medyo mabalbon siya at mabilis iyong mapupuna sa unang kita palang sa kanya.

Ipinatong ko sa kanya ang comforter dahil may kalakasan ang lamig ng aircon sa kwarto. Ngunit talagang malikot ang babae kaya't ang kaninang takip na takip na katawan nito ng comforter ay hanggang sa bewang nalang nito ngayon. Medyo nahilik pa,siguro ay napagod talaga ito sa biyahe.

Alam ko ang bawat kilos ni Angelina sa school,maging sa grocery store. Pasimple kong inaalam kay mama o di kaya ay kay Eve ang mga nangyayari. Wala akong balak na hayaan si Angelina na mapunta sa ibang lalaki. Alam iyon ni mama kaya nga hindi siya kumokontra sa anumang gawin ko. Tanging si Angelina lang ang walang alam. Hindi lihim kay bakla ang tungkol sa pamilya namin. Anak siya ng dating yaya ni mama noong nasa Manila pa si mama nag aaral. Kasabay na ni kuya lumaki si Eve at talagang pamilya na ang turing namin dito.

Pero iba ang kaso ni Angelina. Hindi namin siya kilala at lalong wala siyang kaugnayan sa pamilya namin. Kung hindi dahil sa akin ay baka naipadala na siya sa bahay ampunan ng kaniyang tiyahin na taga Mindoro.

"Naman ehh.." Bulong ni Angelina. Nagsasalita pa rin ito sa pagtulog nito. Tumabi ako sa kanya sa kama at hinalikan ang kanyang noo. Kumunot ang kilay nito ngunit hindi ito nagising. May kinakapa ito sa kama at ng madaanan ng kamay nito ang unan ay kinuha ko iyon at hinagis sa sahig. Ang aking mga braso ang naabot niya at hinila niya iyon papunta sa kanyang mukha. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang paghinga sa aking kanang braso. Inayos ko ang kanyang ulo at inihiga sa aking braso at yinakap ko siya. Mas matanda siya ng apat na buwan sa akin pero kung ituring niya iyon ay isang taon. Kahit kailan ay hindi ko siya itinuring na ate ko at hindi mangyayari iyon. Kahit pa maraming nagkakagusto sa akin ay balewala silang lahat kung hindi sila ang Angelina ko.

Yumapos si Angelina sakin at idinantay ang paa niya sa aking bewang. Ganitong ganito ito kung matulog simula pa ng mga bata pa kami.

Si kuya ang nag aalaga sa amin habang si Eve ang tumatayong nanay. Lagi pa ngang kinukurot ni Eve si Angelina kaya nabato ko iyon noong isang beses ng takip ng kaldero sa balikat dahil sa inis ko.

"Hoy nanay bakla!wag mo sasaktan si Angelina! Baka gusto mong upakan kita!?"bulyaw ko nung umiiyak si Angelina. Ayaw kase niyang kumain ng pritong manok ni Eve. May dugo pa kase sa loob.

"Naku Rafa ah..hmpf!" At nagmartsa na si Eve para lutuin ulit ang mga manok niya. Si kuya naman ay nakatingin kay Angeline.

"Rafael. Gusto mo ba si Angelina? Gusto mo sayo nalang siya? Balak ko kaseng mag aral sa Manila. Ayokong mag asawa. Ikaw nalang. Mukha namang magiging close kayo. Ano? Gusto mo ba?",ang tanong ni kuya.

Seryoso ako ng sinagot ko siya, "Yun nga ang gusto ko kuya. Umalis ka muna para makalimutan mo ang gulo dito. Ako ang bahala kanila mama at papa. Basta mag iingat ka roon. Lagi kitang tatawagan. Alis na."

Tumawa si kuya at ginulo ang buhok ko,"Hindi pa ngayon Rafa,pagka graduate ko pa ng highschool. Wag kang mag alala. Hindi ko aagawin ang cutiepatootie mo." At kinindatan pa ni kuya si Angelina. Ngumiti na ulit si Angelina at lumapit kay kuya dala dala ang isang pritong manok. Sobrang inggit ko kaya inagaw ko iyon at kinagat. Sinimangutan ako ng batang si Angelina. Binelatan ko siya at tinalikuran na.

"Hmm.." Napatingin ako sa mukha ni Angelina. Napapaisip ako kung ano ang napapanaginipan nito. Kailan kaya mawawala ang pagkamanhid nito? Kailan kaya niya malalaman na pag aari ko ang puso niya?

Napadako ang tingin ko sa matambok niyang mga labi. Tuwing nakikita ko iyon ay parang nahihipnotismo ako at gustong gusto kong sunggaban. Na nagagawa ko kapag mahimbing ang tulog niya. Tulog mantika naman kase ang babae.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at dinampian ng halik ang kanyang mga labi. Siguro ay dala ng kasabikan,kaya pinalalim ko ng kaunti ang halik at kinagat kagat ang kanyang mga labi. Hindi ko mapigilang mapaungol ng tila ba sinusubukan niyang tumugon ngunit para lang siya nainom ng tubig. Inihinto ko ang pag halik sa kanya at inilayo ang aking mukha upang titigan siya. Tulog na tulog at nakakunot ang noo. Dapat pala ay matagal ko ng pinalalim ang halik ng sa ganon ay kahit tulog ay marunong na siyang tumugon. Naaaliw na pinanuod ko siyang matulog hanggang sa igupo na rin ako antok.

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon