Chapter Thirty Six

217 3 0
                                    

Angelina

Pabalik na ako ng ospital. Kasama ko si Rafael. Sobrang nag aalala ako para kay uncle Ted. Kaya ganon na lang ang gulat ko ng biglang suntukin ni Renz si Rafael.

"Gago ka, bakit kung tingnan mo ang girlfriend ko ay ganon? Ha!?
Manyak kang gago ka!" At sinuntok nanaman nito si Rafa.

Pumagitna ako. Hinila ko si Renz.

"Rafael,mauna ka na kanila tita. Dalhin mo yung mga gamit pati na yung pagkain. Pasensya ka na. Mag taxi ka nalang. Hinawakan ko ang mukha niya at naaawa ako. Malala na si uncle ay nasuntok pa siya ni Renz.

Nang makaalis na si Rafael ay hinarap ko si Renz..
" Ano ka ba? Bakit mo ginawa iyon? Kawawa naman si Rafa, Renz. Nasa ospital ngayon si uncle. Bakit ba ang dumi mong mag-isip?"

At noon ko lang napansin na amoy alak ito at magulo ang buhok.

"Okay. Sorry, nagselos lang ako. Sorry na Angel ko." Yinakap niya ako kaya hinayaan ko na. Lasing pala.

Tinawagan ko si Ramon para sunduin si Renz. Wala akong panahon para alagaan siya ngayon. Importante si uncle Ted sa akin dahil siya na ang tumayong ama ko.

Maghapong  namimilipit sa sakit si uncle. Nung mag gabi na ay tinawagan nito si kuya Jeric. Video call. Nag sorry ito sa mga pagkukulang nito.
Nagkaiyakan kami lalo na si tita Fina na dati pala nitong bestfriend bago naging asawa. Nagkapatawaran na rin ang mag aama. Dumating si Chico ng alas siyete ng gabi, dinala ito ni kuya Tonton. Hindi galit si uncle at inihabilin pa ang mga anak sa lalaki.

Hatinggabi ay pumanaw na ito.
At iyon ang unang beses na nakita kong umiyak si Rafael.
Magkayakap kami sa labas ng room ni uncle Ted. Naiiyak na ako pero pinigilan ko dahil kailangang may masasandalan si Rafael sa mga oras na ito.







Renz

"Gago ka Renz. Narinig mo na ba ang balita?"
Kanina pa putak ng putak si Ramon. Alam ko na nga eh. Kanina pa. Naitext na ako ni Angelina.

"Manahimik ka na,please? Masakit ang ulo ko." Daing ko sa kanya.

"Pare, magpinsan tayo, pero hindi ko alam kung paano ka aayusin. Kahit na babaero ako noon, hindi ako nakikipag sex basta basta." Pabulong na yung huling sinabi niya. Nasa kabilang  kwarto lang kase ang mag-ina niya.

"Alam ko,nalasing lang ako. Tsk. Naalala ko lang si Regina. Alam mo namang first love ko yun. Pero wala akong gusto sa Rica na yun. Parausan lang at ginusto naman niya."

Nagkandahulog yung dala dalang mga papeles  ni Ramon.

"Gago ka talaga. Akala ko nagbago ka na. Mas malala ka na ngayon tol!.

Hindi ko na pinansin si Ramon.
" Ramon, mahal ko si Angelina. Sobra. Hindi ko kakayanin kapag iniwan niya ako."

Naging seryoso ang pinsan ko.
" kung seryoso ka,magpakatino ka. Sa tingin mo ba matutuwa iyong taong mahal mo dahil mahal mo lang siya? Mas matutuwa yon kung alam niya mahal mo siya at di mo siya ginagawang option pare. Mahal mo pero kailangan mo ng malalabasan ng libog? Kagaguhan iyon!"

Hindi ko maintindihan kung bakit masyadong apektado si Ramon.

Nahiga ako sa kama ko at nagtalukbong. Narinig kong pinulot ni Ramon yung mga papeles na nahulog niya kanina at padabog na isinara ang pinto ng kwarto ko.

"Honey,nag-aaway ba kayo ng pinsan mo? " tanong ni Leanne mula sa labas.

"Oo hon. Sinumpong nanaman ng toyo niya si insan. Tara na at baka maupakan ko pa yun." Narinig ko na lang ang mga yabag nila pababa ng hagdan.









Giselle

Kanina pa ako dito sa grocery nila Angelina. Araw araw ay dito ako namimili ng mga kailangan sa bahay mula nung matapos ang pasko. Kahit medyo may kalayuan mula sa amin ay talagang bago at dekalidad ang mga produktong itinitinda rito.

Isa pa ay nautusan ako ni tita Martha, mommy ng boyfie ko. Hatid sundo naman ako ng driver nila at minsan ay sinasamahan pa ako ni Stephen na tumambay at makipag chikahan kanila kuya Joel na cashier. Pero mas madalas kami dito tuwing gabi tulad nalang ngayon. Wala nga lang si Stephen dahil nilalagnat kaya mag isa ako na nakatambay. Ka-close ko na yung magjowa na sila ate Lala at kuya Gino. Nakikitulong na rin ako mag arrange ng grocery stocks.

Nang marami nang tao sa bar ay pinasamahan ako ni ate Lala kay kuya Gino. Naka disguise kami at pa-sponsor pa ni tita Martha ang outfit namin.

At iyon na nga. Nakita nanaman namin si Renz na kaharutan yung babaeng kahawig ni Jessica Alba. Yung sikat Hollywood actress.

Kunwari ay naseselfie kami ni kuya sa Night Camera na dala ko pero sila ang pinaka focus ng photo.

Matapos makakuha ng maraming katibayan ay pasimple kaming lumabas at iniwan ang inorder naming drinks.





'Lagot kang manloloko ka, patay ka sakin. Hindi ako makakapayag na niloloko mo ang best friend ko since gradeschool!!?'

Himutok ko habang tinitignan ang malalaswang litrato ng kumag na iyon.

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon