Angelina
Puro reklamo si Eve ng umuwi sila ni Kenneth ng linggo. Kesyo daw umulan ng umulan sa Baguio at kung paanong hindi natuloy ang camping nila.
Wala sa sinasabi niya ang isip ko.
Nakangiwi akong nakaupo sa sofa habanv nagkukunwaring nakikinig at tumatango tango sa kwento niya."Hoy bruha,ang sabi ko may pasalubong ako, anong 'ah,ganun?' ang sinasabi mo?
Napatingin ako sa mukha niya. Tumingin ako sa kwarto ni Rafa at narinig ang malakas na tugtugin mula sa kwarto nito.
" Eve,hindi ako makakilos ng maayos. Nanghihina ako. Paano ako papasok bukas?" Nag aalalang tanong ko.
"Ay gaga,sabi ko na nga ba may milagro nga kayong gagawin nung wala kami. Ginamit mo ba yung laman ng mga boxes ibinigay ko?"
"Hindi.panu ba gamitin iyon?"
Hinila ako ni Eve papunta sa kwarto ko at isinara iyon.
Itinuro niya kung para saan ang mga contraceptives na ibinigay niya sa akin last year. Pinatapon niya yung pills dahil luma na. Ibibili daw niya ako ng bago.Natahimik kami pareho nung matapos siyang magpaliwanag.
"Eve," basag ko sa katahimikan, "thank you. Kahit na para tayong aso't pusa,para ka paring nanay sa akin."
"Jusme,wag mo akong dramahan. Hindi ikaw iyan." Natatawang sabi nito. Maya maya ay naging seryoso ito.
"Basta wag mong ibibigay ang lahat lahat mo. Huwag ka ng tumulad kay madam Laura na masyadong ibinuhos ang lahat sa pagmamahal pero duwag naman sa huli."
"Alam ko yun Eve. Wag na nating pag-usapan." Puna ko sa kanya.
Mayamaya ay nakangisi ito,"malaki ba yung kay Rafa?"
Nangingiting tumango tango ako.
"Malamang,eh ang laking lalaki eh, natatangkaran nga si Kenneth ko. Ano? Masarap ba?""Gaga! Labas na! Manyak ka!"
"Kuhhh,wag araw arawin ha?baka malaspag ka. Wag kang gaga!" Pahabol nito bago pa lumabas ng kwarto ko.
Kinahapunan ay iniabot niya sa akin ang napakaraming pills, good for a year agad. Tatawa tawang itinago ko iyon sa loob ng shirt ko.
Kumuha ako ng tubig at pumasok sa kwarto ko. Doon ako uminom ng pills kase bago sa akin ang ganito.
Renz
May asawa na ako. At hindi si Angelina iyon.
Nagpunta ko ng New Jersey para sunduin si Mama pati si Papa. Tuwang tuwa sila na ikakasal na ako. Nabigla man ay masaya silang sumama noon sa akin.
Kaya lang ako humiwalay kay Angelina ay dahil sa konsensya ko.
Ang akala ko ay wala na itong pamilya pero nakilala ko ang tiyahin nito. Hindi biro ang pinagmulan nito. Ayaw kong pasakitan si Angelina kapag nagkatuluyan kami at may responsibilidad ako sa iba.
Isa pa ay pinagbantaan ako ng ginang. Na kapag ipinagpatuloy ko ang paghahabol kay Angelina aynsa kulungan ang bagsak ko. Alam kong sapat ang ebidensya nila sa akin kaya ayokong magkagulo pa.
Sa pagsasama namin ni Angelina ng ilang araw ay para bang nalinis ang puso ko ng kabutihan at pagiging puro ng pagkatao niya. Nung ikinasal ako ay may dalang sulat sa akin si Lala,yung cashier sa grocery nila at umalis din kaagad.
Renz,
Alam mong handa akong ibigay ang lahat sa iyo,hindi ba? Kaya kong lumaban sa kahit sinumang hadlang sa atin at ginawa ko iyon at pinili ka.
Pero hindi ko kayang agawan ng ama ang isang munting sanggol bago pa man itong isilang.Hindi ako galit dahil iniwan mo ako. Masakit,oo, pero tanggap ko. Hinhiling ko na sana'y maging maligaya ka. Paalam. Kalimutan mo na ako at iyon din ang ginagawa ko ngayon.
Dapat ay simula palang,itinama ko na ang lahat. Ngayon, everything's in the right place. Do whatever you can to love your family.Sincerely yours,
Angel.Binabasa ko ang sulat niya kapag nalulungkot ako. Ito ang kauna unahang sulat na natanggap ko mula sa kanya at ganito pa ang laman.
"Renz,darling?" Napalingon ako sa kama kung saan natutulog anh asawa ko.
Sa ilang buwan na kasal kami ay nakita ko ang tunay na ugali niya. Hindi siya malandi. Nakita ko na ang mga gamit niya at iyong mga suot niyang pang prosti noon ay bukod tangi lang sa kanyang mga damit. Naipakita niya na sakin ang mga larawan niya noong nag aaral pa siya sa LA at hindi nga siya kasing libirated tulad ng inaakala ko. Kung ganoon ay totoong virgin nga ito nung una ko itong galawin. Lasing ako noon at ang paliwanag niya sa dugo ay dinatnan siya.
Bumalik ako sa kama.
"Saan ka galing?" Tanong ni Rica."Bababa sana ako para uminom. Pero hindi na. Matuog na ulit tayo. Masamang mapuyat ka at si baby."
Nakangiting yumakap ito sa braso ko. Sana nga ay mapamahal ako sa babaing ito. Sana ay patuloy na ganito ito kabait nang hindi ako magsisi sa pag pili sa kanya..
Sa aking pagpikit ay muli kong nasilayan ang nakangiting mukha ni Angelina at napanaginipan ang murang tawa nito na tila ba kasingganda ng umagang liwanag. Namimiss parin kita Angel ko.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?