Chapter Sixty Six

170 6 0
                                    

Leanne

I was shocked. Nagkatinginan kami ni Ramon. Agad itong lumapit para alalayan ako.

Pinakatitigan namin yung picture sa cellphone ni Marga.

"What?!  Shocked,Aren't you? Ako rin noh, kamukhang kamukha. Akala ko nga nabuhay siya, number one fan ko kaya si Angelina. Alam ko namang mas nagagandahan siya sa akin kesa ka---y.. Okay, so ayun nga, kamukha niya si beshy.haha"

Natigil ang sinasabi nito ng sitahin ito ng pinsan na si Stephen.

Napatingin kami nung marinig naming napahagulhol si Rafa. Inalalayan ito ni Luderica na malapit lang dito at pinaupo sa tabi ni Renz.

"Si Angelina ito. Alam kong buhay siya. Sabi ko sa inyo, babalikan niya ako eh. Buhay ang Nah-nah ko. Mahal na mahal niya ako kaya imposibleng mamatay siya ng ganoon lang!"

Naaawa ako kay Rafa. Mahal n mahal nito si Angelina.

"Pero sorry kayo, hindi nga yan si Angelina. Ano ka ba Rafa? Ang pangalan niyan ay Marina Miran...da Dayos. Miranda? Diba apelyido dati ni Angelina ay Miranda? Bago pa naging Maitha Andrade? Diba Giselle?"

"Tss.kung makaangkin ka ng bestfriend,hindi mo pala tanda ang apelyido. Oo, Miranda nga. Engot. Tss."

"Hey! Walang ganyanan ha? Stephen oh, nagpapakabait na ako inaaway pa ako ng wifey mo!"

"Manahimik nga kayo! May sasabihi  pa si Leanne oh!"pigil sa amin ng councilor ng bayan. Si Renz Boas.

"Rafael,remeber the letter you gave me 5 years ago. Yung letter ni Max kay Angelina? Contineous ang dating ng E-mail ni Maxine. And somthing's off. Hindi nag-iisnow sa New York ngayon. Doon nakatira ang ate ni Ramon. Kaya talagang may mali sa mga E-mail na isinisend ni Maxine. Kaya nagpatrace kami ng location ng laptop na gamit niya......



.....Nasa bahay mo ang laptop na ginagamit ni Maxine, Rafael."
















Rafael

Parang bomba na sasabog ang dibdib ko habang naghihintay s labas ng maliit na apartment na ito sa Brgy. Lanay dito rin sa Lumar.

Nahagilap ko itong address na ito sa tulong ni Renz. Dahil may record ang Marina na iyon sa mga nag-apply ng scholarship para sa mga estudyante na anak diumano nito.

Nahalungkat na namin ang lahat ng records nito at napag-alaman kong may dalawa itong anak at byuda na,ilang buwan na ring nakakalipas.

Inutusan ko yung bata na dumaan na iabot ang isang box ng buko pie. May iniipit din akong litrato doon ni Chico at Angelina noong bata pa si Chico. Nagbukas ang apartment at isang dalagita ang lumabas at kinuha iyon. Kitang kita sa malaking bintana na tinanaw oa nito kung saan papunta ang bata.

Nakita ko rin na inilayo niya iyon sa batang lalaki na kasama at hindi iyon binigyan kahit nanghihingi. Itinaas nito sa mataas na cabinet yung buko pie. Tapos ay inilapit sa mukha ng bata ang litratong kasama noon.

Maya maya ay tila ba may tinawag ito at nawala sa bintana.

Yung bata naman ay may hila hilang bangko at inakyat ang cabinet. Kinuha nito yung box ng buko pie. Akala ko ay kakainin nito pero lumabas ito ng apartment. At lumabas din ng gate para itapon ang buko pie sa basurahan. Malinaw kong nakita ang mukha nito. At lalong kumabog ang dib dib ko dahil narinig ko ang sinabi nito sa bukas na bintana ng kotse ko.

"Ang kulit kulit ni ate Lita, aba!
Sabi na ngang allergic kami ni Nanay sa buko. Tumanggap nanaman ng buko. Parang sirang plaka.tsk." at tulala lang ako habang pinapanood itong padabog pumasok sa apartment nila.















Dumating ang mga magulang ni Maxine. Pinaimbistigahan nila ang pagkawala ng anak. At ganoon na nga lang ang paghihinagpis naming lahat ng mahuli ang nobyo nitong si Lucas.

Ito pala ang may kagagawan ng pagkawala ng mga records ng dalaga. Habang ini-interogate ito ay umamin na hinalay nga nito ng pauli ulit si Maxine. Ang nakakagulat pa roon ay ang rebelasyong lesbian ang nobya at may pagsinta iyon sa aking asawa kaya hindi makapayag na ilantad ang sikretong ipinangba-blackmail dito.

Hanggang sa napilitan pa nga angmga itong lumapit sa akin. Pinahukay namin ang labi ni Angelina. At ganoon na lamang ang pagkagimbal namin nang mag match ang DNA test nito sa mag-asawang Torre.

Kaya tama nga ang hinala ko. Si Angelina nga ang babaeng nakilala ni Marga. At ang batang nakita ko ngayon, natitiyak kong anak ko iyon.


'Magiging buo tayong muli,Nah-nah ko.'











Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon