Rafael
Pinagsisisihan ko na hindi ako naniwala sa banta ni Angelina noon sa park. Nasampolan lang naman ako ng high kick nito.
Binalak ko kase itong patulugin. Gusto ko itong kidnapin at dalhin sa bahay ko. Nagsimula na kaseng tumanggi ang mga kaibigan namin sa pagdalaw kay Angelina,isa pa ay nanganak na si Giselle,mas kailangan nito ng dalaw dahil nadedepressed sa katabaan nito.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Rafael? Hanggang kelan ba tayo maglolokohan!?"
Napatingin ako kay Nah-nah. Inilahad nito ang kamay sa akin. Inabot ko iyon at tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig ng parke.
"Natatandaan mo na ba ako Nah-nah!??"
"Ano ka ba naman? Ilang taon lang akong nawala,naging bobo ka na? No wonder,ikinahihiya ka ng anak mo."
Napasigaw ako ng yeah!
Yinakap ko ito. Haalikan ko na sana ng sipain nito ang tuhod ko. Masyado naman ata itong naging brutal.
"Gusto ko munang makausap si Daddy ko. Dalhin natin si Lorenzo." Sabi nito. Yinakap ko itong muli at sa galak ko ay yumapos na itong pabalik.
"Anghelita,ako ang tunay na asawa ng nanay mo. Sana ay hindi monipagdamot sa akin si nanay Rina mo. Handa akong mahalin ka tulad ng pagmamahal sayo ni nanay Rina mo.." Narito ako ngayon sa apartment ni Angelina at kausap si Anghelita. Ang anak anakan ni Nah-nah.
Inilibot ko ang tingin sa mga taong nakapalibot sa akin. Sa may hagdan ay nakatalikod sa akin si Angelina..
Yung iba ay seryosong nakamasid sa pag-uusap namin ni Anghelita...Nagsimula ng magsalita ni Anghelita. "Sigurado po kayong kaya niyo akong tanggapin bilang anak ng asawa ng asawa niyo?"
Napatulala ako sa tanong niya.. Hanggang sa bigla itomg tumawa ng tumawa kasabay ng tawanan sa paligid.
Napatingin ako kay Angelina na nakaharap na sa akin at halos maglupasay na sa hagdan.
Ngayon ay gets ko na. Matagal na nila akong pinagtatawanan sa bahay na ito..
Hindi naman pala legal ang mga papeles ni Angelina. Ipinaayos na nito sa ama ang mga papeles nito maging ng anak naming si Lorenzo.
Si Anghelita naman ay inampon ng ama nito kaya sila ay legal na magkapatid na. Ipinaliwanag na sa akin mismo ng bata na aware siya na hindi niya ina si Angelina. At ganun din diumano ang turing ng ama nito sa aking asawa.
Kaya naman nakahinga ako lalo ng maluwag ng malaman kong asawa nung pulis ang isa sa mga babaeng kasama ni Nah-nah sa bahay.
Kasama ko ngayon si Angelina sa bahay ko. Si Lorenzo ay nakikigulo sa bahay nila mama. Magkasundong magkasundo ito at ang kapatid kong si Chico. Pareho nila akong binubully. Pero nakapag usap na kami ng masinsinan ni Lorenzo. Iginagalang ako nito at mahal daw ako nito basta wag lang daw akong aaktong korni sa harap nito. Sa tingin ko ay ang kapatid ko ang nagturo ng sasabihin nito sa akin.
"Rafael, tumaba ba ako?bakit hindi na kasya yu g paborito kong dress?"
Kasalukuyan itong nagpa-fashion show sa harap ko at iminomodelo ang mga dati nitong damit.
Paano iyon magkakasya eh lalong naging malaki ang butt nito sa kaka-exercise at ang dibdib nito ay naging malaman lalo mula ng manganak kay Lorenzo. Base na rin sa mga litrato nito kasama si Lita.
"Nah-nah," lumapit ako at iniyapos ang magkabila kong kamay sa bewang niya."hindi ka tumaba,tumambok lang ito,"at dinakma ko ang butt niya,"pati ito," at yung isang kamay ko ay ipinasok ko sa loob ng kanyang blouse papunta sa kanyang dibdib.
Humarap siya sa akin." Alam ko,nilalandi lang kita. Ang tagal ko kayang nagpasexy para sa pagbabalik ko. Namiss ko yng si Junior mo. Balita ko kay Eve,natigang ka for six years." Sabi nito.
Hindi na ako nakapag pigil at sinubasib ko na ng halik ang mga labi nito....
Oh God! Gaano ko nga ba na-miss ang asawa ko? Parang kahit nandito na siya sa bisig ko ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Angelina
Kakatapos lang ng Church wedding namin ni Rafael. Lahat ng dati naming kaklase sa Don Manuel ay imbitado. Maging ang ilan sa mga guro lalo na ang mag asawang si ma'am Cynthia at sir Ronnie.
Pati yung mga close friends ko sa UPLB at yung mga tropa namin ni Rafa sa basketball team niya. Nakilala ko na rin ang mga anak ni kuya Jeric at ate Mayla.
Made of Honor ko si Giselle at Marga. Nagpatalbugan pa ang dalawa sa gown.Imbitado rin ang magpinsan na si Ramon at Renz pati ang mga asawa at mga anak nito.
Ang kinuha naming Event organizer ay si Gino,ang asawa ni Lala na dati naming cashier at boy sa grocery ni Tita Fina. Si kuya Makmak naman ay isa sa mga groomsmen ni Rafael. Neto ko lang din napaamin si Rafael sa ginawa nito kay Renz dati. Kinasabwat pa talaga nito ang kuya kuyahan kong si kuya Makmak.
Naging masaya hanggang sa reception. Kasama sa kasal ko si Anghelita. Naroon ito at kachikahan ang panganay na anak nila ate Mayla na si Yohanne. Parehong maganda ang mga dalagita.
Si Lorenzo naman ay pinagkakaguluhan ng mga dalagang guests. Ang gwapo kase ng anak ko,kamukha ng groom.
At ang groom ko,heto at nagsasayaw kami ng huling sayaw namin. Kami ay lilipad patungong Boracay. Doon kami magha-honeymoon.
"Are you ready wife?" Nakangisi nitong tanong at yinapos ako palapit. Naramdaman ko ang tayong tayo na si Junior.
"Never been this ready my dear husband." At nag halikan kaminsa dance floor na umani ng tukso at hiyawan.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?