Chapter Thirty Four

211 3 0
                                    

Rafael



We are walking back to the rest house while holding hands. I pulled her closer to me and hugged her. It's already past midnight and we just let time passed by as we are reminiscing our childhood memories.

"Aren't you mad at me?" She asked. Sometimes, I don't get her. I have loved her since forever. How can I be mad?

"Sira ka ba? Lahat ng chance na makukuha ko para maging touchy sayo,susunggaban ko. Am I not amazing?"

Pabiro kong pinisil ang butt niya.

"We are a match made in heaven,haha!" Sabi niya at kinurot ang pisngi ko. Tumakbo siya at dumeretso na sa loob ng bahay.


Sana nga ay kami ang itinadhana. Baka ikamatay ko kapag tuluyan na niya akong iwan.








Angelina

I woke up. Nahihirapan akong huminga. Bakit ako naiyak. Sa anong dahilan ay iniiyakan ko ang panaginip na iyon. Ano nga ba iyon?

Pinilit kong matulog ulit. At salamat naman at hindi na ako nanaginip pa.








Nangangati ang mukha ko. May kung anong humahaplos sa aking pisngi. Napunta iyon sa aking mata at tungki ng aking ilong.

Naramdaman kong gumalaw ulit iyon.
Nasaan na?

"Hmm."

At ganun nalang yung pagkakiliti ko nung naramdaman ko iyon sa aking tenga.

"Aaahh!!"

Nakita ko si Rafael na nakaupo sa sahig habang si Chico ay nakahiga sa kabilang dulo ng kama at naglalaro ng video game.

"Gising na, hindi ka si Sleeping beauty. Haha. Malayo itsura mo don!"

Tawa ng tawa si Rafa nung iumang ko yung paa ko sa mukha niya. Bago ko pa iyon maisipa sa mukha niya ay hinila niya iyon kaya nahulog ako sa sahig.

"Aray ko Rafa!! Ang sakit ng pwet ko! Loko ka!!" Daing ko. Nakita ko siyang tumingin kay Chico kaya napatingin rin ako. Busy ito sa paglalaro sa..teka,cellphone ko yun! Baka malowbatt!

Bago pa ako makaalma ay nahalikan na ako ni Rafa sa labi. Mabilis lang pero nagawa pa niyang kagatin ang ibabang labi ko. Sabay sabi ng," oh, Angelina! May panis laway ka.haha! " inis na itinulak ko ang mukha niya kaya natumba siya sa sahig at doon tumawa ng tumawa. Si Chico ay nagpipigil ng tawa.

"Oy bubwit, akin na yang cellphone ko. Natutulad ka na sa ugali ng kuya mo."

Malambing itong nakangiti habang  gumagapang na parang uod sa kama ko at iniabot ang cellphone.


"Ate kong maganda,good morning!! Pakiss nga? Muwahhh!!" At hinalikan ako sa pisngi. Hinila ni Rafael ang tenga nito.

"Sabi ni mama, maligo ka na! Lakad na at dalian mo!! Sisirain ko yung PSVita mo pag di ka pa naligo. Go!!"

Nagtatakbo si Chico palabas ng kwarto.

Inalalayan akong tumayo ni Rafa. At muli ay hinalikan niya ako.

"Matamis pala ang panis laway Nahnah." Nakurot ko ng pino ang tagiliran nito kaya  nagpasa iyon. Buti nga sa kanya.tss. Lumabas na ito ng kwarto ko habng hinihilot ang kinurot kong tagiliran niya.

Pero teka,bakit parang ang baduy ng tawag niya sakin.

"Nah-nah? Hmm"




Matapos ang almusal ay nag babad na kami ni ate Mayla at ng iba pang brides maid sa spa. Halos wala na kaming kinain sa lunch sa takot na magmukha kaming butete sa satin gown namin. Beach wedding ang kasal at mamayang alas singko ng hapon ang start.

Nagpa- manecure ako. Gusto ko ng kulay peach na glitters. Nagkataon naman na peach and lavender ang motif ng kasal nila kuya Jeric. Best friend ni ate Mayla ang Maid of Honor while si Kuya Ced naman ang Best man na best friend ni kuya Jeric from College.

Hapon na at kanya kanya na kaming nag -aayos. Si Eve naman ay talagang sa parlor pa na pinuntahan namin nag make uo at nagsuot ng dress niya. Tawa kami ng tawa nung suotin niya yung bra niya na kulay red. Pero in fairness,matambok ang dibdib ni bakla kahit wala pang bra.

Sinundo na kami ng van. Kasunod non ang bridal car ni ate Mayla.

Si Rafael ang partner ko. Habang naglalakad kami ay alalay na alalay siya sa akin. Ito kase ang first time na magtakong ako ng 5" na killer heels.

"Next time,baka wedding na natin ang lakaran mo." Sabi ni Rafael na nakatingin ng deretso kay kuya Jeric.

Nginitian ko lang siya at naggiwalay na kami pagpunta sa harapan.

Habang ikinakasal sila kuya Jeric ay panay ang tinginan namin ni Rafael. Halos matawa aki kapag nakindat siya sa akin. Napabaling ang tingin ko kay Eve na nakataas ang kilay at palipat lipat ang tingin sa amin ni Rafa. Nagkibit balikat lang si Rafael habang sa harap na ako tumingin at hindi na lumingon ulit kay Rafa at Eve.











Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon