Chapter Sixty Eight

176 3 0
                                    

Rafael

Alam kong may event sa Don Manuel High. Kaya naglakas loob akong abangan ang batang lalaki na pinaghihinalaan kong anak ko. Kanina pa ako nandito sa labas ng Lanay Elementary School. Titig na titig ako sa gate sa kakahintay ng labasan ng mga bata sa tanghalian.

Nagulat ako dahil napakatahimik nung bumukas ang pinto sa passenger's seat.

Doon ay naupo ang batang lalaki na kamukhang kamukha ko noong bata ako.

"Manong,may pambili ba kayo ng Ice Cream?"cute na tanong nito.
Napangiti ako at pinaandar ang kotse matapos itong kusang magseat belt. Manang mana sa akin ang anak ko!








Nandito kami sa Ice Cream Parlor na nasa second floor ng mall.

Naipamili ko ito ng mga libro. Tinanong ko kase kung bukod sa ice cream ay baka gusto rin nito ng laruan...pero imbis na sa toystore ako hilain ay sa National Bookstore ako nito dinala. Doon nga ay puro reference book ang pinagtuturo nito. Syempre ay ikinatuwa ko naman iyon.

"May gusto ka pa ba?" Malambing na tanong ko.

"Opo." Magalang na sagot nito.

"Ano iyon?" Nginitian ko ito ng matamis. At sa kauna-unaha g pagkakataon ay ngumiti ito ng puno ng galak.

"Iuwi niyo na po ako. Miss ko na si Nanay ko." At bumaba ito ng upuan at pilit na binuhat ang dalawang bag ng libro. Bukod pa yung backpack nito na ayw nitong hubarin kanina pa.

"Ako na," alok ko pero tumanggi ito.

"Kaya ko na po. Big boy na ako sabi ni Nanay."

Kaya hinayaan ko na at nagpunta na kami sa parking lot para iuwi ang paslit.




Pagkarating namin sa apartment nila ay wala pang tao roon.

Inunahan ko nang hablutin ang mga libro.

"Wala pang tao, baka mamaya pa sila." Pero may kinalkal ito sa bag at naglabas ng susi. Napanganga ako lalo ng ayain ako nitong pumasok.

Pagkapasok ay natanaw ko ang isang malaking bulletin board sa pader malapit sa mesang kainan.
Time table nila ito pang isang linggo. 

Habang tinitignan ko iyon ay nagsalita ako..
"Hindi mo naman na ako kailangang papasukin. Isa pa ay wag ka basta bastang tatanggap ng estranghero sa bahay niyo. Baka masamang loob ang pagbuksan mo."

Matapos kong magsalita ay napalingon ako sa tahimik na bata.

Naghihikab ito habang sinasandalan ang pinto. Nang makita nitong nakatingin ako ay sumenyas ito palabas ng pinto. Pinapalayas na pala ako ng bata.

Tatawa tawang lumabas ako. Sumunod siya hanggang gate.

"Hindi ko kailangan magpasalamat. Tatay kita kaya dapat lang na ibili mo ako ng libro." Sabi nito habang nakayuko at ikinakandado ang maliit na gate. Matapos iyon ay tumingala ito sa akin.

"Makakaalis ka na. Saka ka nalang bumalik kapag malakas na ang loob mong humarap sa nanay ko. At pwede ba,tigil tigilan mo na ang pagpapadala ng buko pie? Baka tumaba na ang ate ko. Good bye!"

Tumalikod ito at may kalakasang isinara ang pinto.

Oh, anak ko nga ba iyon? Parang ako ang anak niya kung makapag salita ah?















Marina



Naiiyak ako mag-isa sa kama ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Ganito ang nangyayari simula pa noong namatay si Rodel. Nawalan ako ng seguridad sa buhay. Sa piling ni Rodel ay komportable ako,kahit na hindi naman kami talaga mag-asawa.
Pakiramdam ko ay ligtas ako at hinding hindi ako masasaktan sa piling niya. Para ko na siyang ama,o kuya. Inamin niya rin naman sa akin na may paghanga siya pero hindi sapat iyon para ituloy namin ang pagiging tunay na mag-asawa. Sabi pa nga niya ay minsan,nadadala lang siya sa kasinungalingang ginagawa namin sa mga kababayan namin.

Pero ngayon ngang wala na siya,pakiramdam ko ay may bumabangong pag-aalala at sakit sa dibdib ko. Parang mayroon akong responsibilidad na tinalikuran at takot akong harapin iyon. Iyon naman ay pakiramdam ko lamang. Iba ang dating sa akin ng gabi gabing panaginip ko.

Simula kase noong napalipat kami dito sa Lumar City kung saan mura ang nakuha naming apartment, naging magkakabukod na ang kwarto namin. Dati sa Maynila maging sa Batanes ay magkakatabi kaming mag-iina habang solo si Rodel sa kwarto,maliban na lang kapag nagpupuyat kami sa pag-aalaga sa isa sa dalawa naming anak kapag may trangkaso.
Kahit kasama naman namin si Andrea sa inuupahang apartment ay lagi naman itong wala. Sa tingin ko nga ay may nobyo na kaagad ito sa trabaho.





Pinilit kong matulog muli. Hating gabi pa lang base sa orasan kong pambisig na nakapatong sa lamesang patungan ng maliit na lampshade.



At doon ay muli kong napanaginipan ang ni minsan ay hindi nangyari sa amin ni Rodel.




Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon