Angelina
Natatawa ako. Paniguradong maghuhuramintado so Rafael mamaya.
Inihanda ko ang almusal niya pati na ang isusuot niya sa pagpasok mamayang tanghali. Nai-set ko na ang alarm clock ng isang oras bago ang pasok niya.
Malamang ay iisipin niya na nauna na ako at gabi niya pa malalaman na wala ako sa Manila.
Kaunting damit lang ang dala dala ko. Maari naman akong bumili kapag naroon na ako sa Laguna.
Nakasakay ako ngayon sa bus na papuntang Laguna. Inalam ko na kung paano makapunta roon.
Medyo masakit ang aking hita at balakang. Mukhang lalagnatin pa ako. Masyado akong pinagod ng lalaking iyon.
Pagdating ko sa UP Los Baños ay inuna kong puntahan ang dorm na inupahan ko online. Maganda iyon. Pumili ako ng may kaliitan na pangdalawahan tao lang na kwarto. Kahit wala akong kasama ay komportable ako sa maliit na kwartong ito.
Tinext ko si Rafael. Tanghali n kaya siguradong gising na iyon.
'Miss you already.' Sent message.
Ngayon ay magiging malaya muna ako sa mga galamay ng tita Martha ko. Nakahinga ako ng maluwag at dumungaw sa bintana ng aking dorm room.
Rafael
'So kiss me and smile for me,
Tell me that you'll wait for me..
Hold me like you'll never let me go..
'Cause I'm leaving on a jetplane
Don't know when I'll be back again,
Oh babe, I hate to go....Leaving on a jetplane..
Leaving on a jetpl~'Nagising ako sa lakas ng alarm ng phone ko kaya isinara ko ang alarm nito.
Nasaan na ang babaeng nagset ng alarm ko? Wala akong natatandaan na may ganitong kanta sa phone ko.
Bumangon ako at sinuot ang hinubaran kong boxers. Lumabas ako at nakita kong nakahanda na ang aking pagkain. Napapangiting lumapit ako doon at kinain ang mga niluto niya.
Malamang ay nauna na ito sa University.
Kaya ganoon na lang ang pag-aalala ko nung hindi ko ito nakita sa anumang klase ko. Nagpunta na rin ako sa office para i-check ang schedule niya pero hindi naman nabago iyon.
Tinawagan ko ng paulit ulit ang number niya hanggang sa sagutin niya iyon.
"Ano ba Rafa! Nasa klase ako. Mamaya ka na tumawag. Mag-aral ka jan."
Hindi pa ako nakakasagot ay binabaan na ako nito. Narinig kong may nagdidiscuss sa kanyang kinaroroonan. Kaya nilibot ko ang lahat ng klaseng maaaring pinag aaralan ngayon.
May nakita akong on going na lecture at naki sit-in sa dulo ng klase habang inililibot ang mata para hanapin siya. Kaso ay wala siya roon. Ito na ang huling klase sa araw na ito. Nasaan na ba ang Angelina ko? Bakit ba parang natatakot ako na hindi siya kasama.
"Angelina!nasaan ka ba?gabi na at wala ka pa!! Pinag aalala mo na ako. Sabihin mo at susunduin kita." Mainit na ang ulo ko. Narinig ko sa background niya ang mga tawanan ng kababaihan
"Angel,what do you think of entering the cheering squad? Mariel here is the captain. Mukhang magaan ka oh!" At tawanan ang narinig ko. May mga sabay sabay nagsasalita kay malabong maintindihan ko ang pinag uusapan nila..
"He-hello? Rafa? Malapit na ako sa dorm. Tawagan kita mamaya ha?love you baby. Bye.muah!" At binabaan na naman ako. Ano raw? Dorm!?!
Kanina pa ako tahimik. Nagpapaliwanag ang babae sa nakaloud speaker na phone ko. Nandito ko sa kwarto niya at halos nandito pa ang lahat ng damit niya. Liban nalang sa mga couple shirts namin pati na yung mga binili kong pants and dresses para sa kanya.
"Rafael. Wag ka nang magalit. Labs na labs kita. Magpapakabait ko dito. Pramis. Wag mo na akong hanapin. Lagi kitang tatawagan. Video call pa,gusto mo?"
Doon ako napatingin sa smartphone ko.
"Sige,ngayon na. Video call."
Narinig kong tumawa ito at wala pang kalahating minuto ay magkavideo call na kami. Nakasuot pa ito ng dress na pink. Yung regalo ko sa kanya nung first real date namin.
"Oh ayan na. Nasilayan mo na ako. Galit ka pa ba?"
Pinipigil kk ang ngiti ko. Nakapamewang ito at OA ang punto ng pagsasalita.
"Paano ako matutuwa!?iniwan mo na ako!"himutok ko.
" Rafael,babe. Para sa atin ito. Baka magsawa ka sa akin or ako sa iyo pag lagi tayong magkasama."
"Kahit kailan,hindi ako magsasawa sayo,kahit pa matanda ka na at pogi parin ako."
"Ulol! Edi maghanap ka jan ng bata. Yung mestisa!!"
Sabi nito at tumalikod sa camera. Naku naman..Tsk.tsk.
"Bumalik ka na dito. Saan ba iyan at susunduin kita?"
"Hindi nga pwede. Kapag nagpunta ka dito,tatakasa lang kita. Okay?matuto kang makontento Rafa. Hayaan mo at sa sembreak,magkasama nanaman tayo. Okay?" Parang naaaburidong paliwanag nito.
"Promise mo yan ha?at wag na wag ko akong ipagpapalit Angelina. Magpapakamatay ako!"
Tumawa ito na kita ang ngala ngala.. "Sira. Bago ka mamatay,mauuna na ako. Mahal na mahal kita noh. Wala ng hihigit na lalaki sayo maliban ang Diyos. Kaya pwede ba? Wag na wag kang magsasalita ng ganun. Bad yun."
"Opo ma'am. Araw araw bago pumasok at pag-uwi,video chat ha?"
"Oo na nga. Oh siya! Bukas ulit. May iri-research pa ako. See you soon! Love you so much Rafa!"
"Sige,see you soon too. Love you more. Magpahinga ka rin ha?"
"Oo naman. Ikaw din bye!"
"Bye."
Naisip kong marahil ay gusto niya ring mamuhay ng walang nakabantay. Sana nga lang ay walang bagong Renz na aagaw sa kanya mula sa akin.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?