Naligo na ako at nagbibihis sa kwarto namin ni bakla,oo,kwarto namin,share kami. Hindi naman ako naghuhubad sa harap nya eh,isa pa,bihirang bihira na magkasama kami sa kwarto sa umaga..kase nasa grocery pa sya hanggang alas nueve ng umaga,alas sais palang ngayon. Seven thirty pa naman ang flag ceremony sa school kaya't hindi ako nagmamadali,isang sakayan lang naman ng jeep at nasa school na ako. Biglang sumagi sa isip ko si Raf,nakabihis na ito nung umalis kanina ngunit bukas ang mga butones ng suot nitong polo. Siguro nga ay maglalaro pa ito ng basketball sa labasan..
"Hoy!bakit ba ng tagal tagal mo diyan,baka mabasag na ang salamin." Nagulat ako ng biglang pumasok si Rafael sa kwarto at nahiga sa kama ko. "Hoy!yang rubber shoes mo!!!kakapalit ko lang ng kobre kama,damuho ka. Lumabas ka nga at nagbibihis ako,sira ka ba? At hindi ako nagsasalamin ano." Masungit na litanya ko. Nakakainis ito, akala mo naman ay kay pangit ko para ako'y punahin ng ganoon.
"Tss,wala namang makikita sayo eh. Dalian mo na at baka makatulog ako dito,ikaw pa mamasahe sa jeep,natalo ako sa laro dahil sayo,naipanglibre ko ng almusal sa mga mokong yung baon ko." Sabi niya at itinakip ang kanang braso sa mga mata na tila ba matutulog na. Nakakainis naman,imbis na makabili na ako ng bagong set ng ballpen ililibre ko pa ito ng pamasahe. Talaga nga naman,bawing bawi ang kagandahang lalaki nito sa pangit ng ugali. Lagi nalang akong nauutakan sa pera.
Minadali ko na ang pagbibihis at pag-aayos ng mukha,sa daan na ako magsusuklay. "Uy Rafa, bumangon ka na,aalis na ako,bahala ka dyan." Isang tapik ko lang ay nagmulat na siya ng mga mata at sabay na kaming umalis ng bahay patungo sa paaralan.
"Bebe!nagawa mo ba yung assignment natin sa A.P.? Kung hindi pa,meron ako,papakopyahin kita,pero pakopya ako sa math ha?" Si Giselle yan,isa sa mga masasabi kong mabait na classmate. Ganyan lang talaga siya kapag may assignment pero mabuti naman yang tao."May assignment ako sa lahat noh! Pero sige,tutulungan kita sa math."
Recess na at tila ba nakahinga kaming lahat ng umalis na si Ma'am Cynthia,ang teacher namin sa Math. Bago nanaman ang aming leksyon kung kaya't kahit ako ay naninibago at nahihirapan. Buti nalang at hindi ako natawag sa recitation sapagkat hindi ko pa masyadong gamay ang itinuturo nya.
"Kaloka si Ma'am,siguro walang lablayp yon. Lagi nalang beast mode eh!"sabi ni Giselle at inakbayan ako. Tumango na lamang ako at hinila na siya papunta sa canteen. "Be,alam mo,ang pogi ni Rafa ano?kaso sabi mo damuho yun. So,sayang,crush ko pa naman sya." Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko si Giselle,"nabubuang ka na ba?mas bata sa atin iyon. Kaka-fifteen lang natin last August,magkasunod na week pa tayo nagbirthday,samantalang kaka-fourteen lang nung totoy na yun nitong January. Grabe ka ha. Ganyan pala mga type mo,mas bata sayo." Pang-aalaska ko sa kanya.
"Sabi ko nga,gwapo siya,di ko sinabing magsyota kami. Oa ka girl. Konyatan kita jan eh" nakasimangot na sabi nya,tinawanan ko nalang nung madaanan namin si Rafael sa isa sa mga table sa canteen,
"Ate Angelina,pengeng pera,gutom na ako." Wow,ate daw oh? Ganito ito kapag may hinihingi sa akin. Bigla nalang akong tatawaging ate. Pinagbigyan ko na, bago pa man makasabat si Giselle at magbigay din. Hindi kasi lihim kay Rafael na crush siya ng kaibigan ko,kaya talaga namang nagpapasikat pa ito. Hinila ko na pabalik sa classroom si Giselle at maghapon na kaming magkasama at nag aral.Kinahapunan at uwian na ay natanaw ko si Rafael sa gate,bago pa man ako nakalapit ay tinawag na ito ng mga barkada nito at nagsialisan na sila. Ako naman ay pumara na ng jeep na patungo sa market dahil sa grocery ako matutulog ngayon. Biyernes at walang pasok kung kaya't ayos lang ito sa akin.
Pagdatimg ko roon ay nakita ko si Eve na nagtetext at nakasimangot. "Hoy,kaya ka nananakawan ay dahil sa kakatext mo," sabi ko sa kanya,"ano ba ang ikinasisimangot mo diyan?"tanong ko pa.
"Etong jowa kong si Ken,uuwi daw ng probinsya,sabi ko naman na wag muna at sa bakasyon ay sasamahan ko sya,hindi nanaman ako sinusunod.nakakaimbyerna!" Galit na pahayag niya. Ewan ko ba sa baklang ito,maganda naman siya,bakit pinakawalan pa niya si Rico na ex niya at ipinagpalit kay Ken na makunat.
Si Rico ay isa ring bakla,at mahal niya si Eva,pero si Evang bakla,gusto ay lalaki at hindi bakla. Sabi ko nga,wala naman pagkakaiba iyon. Ang kaso, iba raw ang pananaw niya,at isa pa raw, babae sya. Nalintikan na talaga si Genevo 'Eve' Mondo jr.Hinayaan ko na siyang magmarakulyo at hindi na pinahaba ang pambabara ko,baka mag away lang kami,nagsasalansan ako ng mga cup noodles ng may narinig akong tawanan sa labas. Nakita ko si bakla na may kausap na dalawang gwapong lalaki kaya makikiusisa na ako,baka isa sa kanila si "maKENat", meaning makunat.lol
"Oy bakla,sabi mo may jowa ka,wala naman ata eh,naiyak dun sa Bar namin kagabi si Rico Yum mo.haha" sabi nung balbas saradong gwapo,ang gwapo nya,kahawig nya si Matt Evans sa Pure Love na palabas sa Abs Cbn. Nabaling ang paningin ko sa isang lalaki,so hindi isa sa kanila si maKENat. Pero ang isang lalaki namang kasama na nakangiti lang ay makinis ang mukha,mas mukha syang bata kaysa dun kay balbas. Medyo chinky ang mga mata nya,at mas moreno kaysa sa kasama nyang si balbas.
"Hoy bobita,halika dito. Ipapakilala ko yung bagong may-ari ng Bar sa tapat natin,sa gabi ay tayo ang kinukunan nila ng mga alak kaya dapat kilala mo na sila,sabi ni tita Fina ay kilalanin mo para pagsama ko kay Ken ay alam mo ang gagawin." Sabi ni Eve.
"Etong si pogi," turo nya kay balbas,"ex ko to,inlove sakin itoh,haha..ang pangalan nya ay Ramon. At ito naman si chinitong hindi naman intsik,ay si Renz,mag pinsan sila at sila ang may ari ng bar sa tapat. Ayusin mo ha? Wag ka munang lalandi at bata ka pa.hmp." titig na titig ako kay singkit, este Renz, nang bigla na lang nya akong kindatan. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o totoong kumindat sya sa akin."So, high school student ka palang?" Hindi ako makapaniwalang kinakausap nya ako,tango lang ang isinagot ko at mukhang obvious naman kase nakauniporme pa ako, nagpaalam na ako kay bakla na magbibihis muna ako. Iniwan ko silang nag aasaran sa labas at pinigilan ang sarili kong lumingon pabalik sa kanila. Ano ba itong weird na nararamdaman ko? Nababagabag ako sa pag init ng aking pisngi hanggang sa aking magkabilang tainga.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?