Stephen
*Ding* Naalimpungatan ako. Nakaidlip pala ako. Napatingin ako sa cellphone ko malapit sa lamp at inabot iyon. Malapit ng mag shut down. May notification at binuksan ko iyon. Isang friend request. Sino kaya ito? Llegise Oravan?
Ini-zoom ko yung profile pic pero tatlong keychains lang iyon na mabalahibo. I was about to ignore when my phone shut down. I lay back to my bed and was about to sleep when it hit me. It was Giselle, as in my Pretty Giselle!!I ran down the staircase to the living room where my laptop was charging and there I opened my facebook and accept her. Goodness! I am so happy. I hope this is not a dream.
Giselle
"Leanne,bes,ginawa ko na, in-accept niya ako in five minutes."
"Sabi ko naman sayo eh. Ewan ko ba kung bakit wala kang bilib sa sarili mo. Ang ganda ganda mo kaya. Isa pa, hindi mo naman siya aagawin eh, kinakaibigan mo lang." Wow,ang galing talagang magpayo ni Leanne,ang kaso...
"Ano ka ba Leanne,kapag ganitong in-accept niya ako agad agad,ibig sabihin nun ay may gusto siya sakin. Kita mo nga at kahit iba yung name ko sa private fb account ko ay accept agad siya. Ito na yung sign. Kami talaga ang meant to be." Ayun ang feel na feel ko. Walang kaibi-kaibigan sa love. Kalokohan yun.
Umiling iling si Leanne. Pansin ko na kung gaano kaganda si Leanne ay ganoon din ito kahina sa tiwala sa sarili. Akala ko pa naman nung una ay isnabera. Ayun pala ay sya ang prone sa pagiging kawawa.
Si Angelina naman ay may sariling mundo. Kausap namin siya kanina about sa art project then after nun ay napunta na sya sa lulu land nya. Kausap nanaman si papa Renz. Ang yummy naman kase ng bf niya.
Balik tayo kay Stephen Ko, I mean Go.hihi"Basta bes, magtiwala ka. Feel ko talaga na walang love sa relationship nila. Kita ko kung paano mainis si Stephen sa kaartihan nung Marga na yun. Si Marga nga ata ang nanligaw eh..."
"Excuse me? Ako? Nanligaw sa guy? No way! As in never. Wag ka nga gagawa ng kwento Giselle,baka ipahabol kita sa aso naming si Goldy. Oh my gosh ang hirap pala talagang walang boyfriend. Hmp!" Tignan niyo nga yung babaeng yun. Yung ganoong kaarte ba ang liligawan ng mag boys?
Tinaasan ko ng kilay si Leanne at nag shrug lang siya. Paglingon ko kay Angelina ay tumataw iyon habang itinuturo ang palayong si Marga. May nakadikit na paper sa likod nito. Nakasulat doon ay 'I'm a selfish brat. Forgive your lowly cousin, your majesty!'
Napabunghalit na rin ako ng tawa. Si Leanne naman ay nagtakip ng bibig dahil naibuga niya yung iniinom niyang buko juice. Lumingon sa amin si Marga at nag Loser sign using her left hand. Nakakaloka ang powers ni Marga. Binuo niya ang araw ko na akala ko ay masisira dahil sa kanya.
Uwian na at nagmamadali kaming makalabas ng gate. Wala ang kotseng susundo sa amin ni Leanne dahil coding iyon tuwing Martes. Habang hila hila ko si Leanne ay nadaanan namin si Rafael. Hinahanap nito si Angelina.
"Wala na,sinundo ng jowa niya. Unang una siyang lumabas kanina eh. Hindi nga namin naabutan kase ang bagal mag ayos ng gamit ni Leanne." Paliwanag ko.
"Sige,salamat ate." At umalis na ito. Kainis naman, tawagin ba naman akong ate. Samantalang si Angelina ang ate niya. Kaya nawala pagkacrush ko jan eh, nakakabugnot. Mahigit two years ko din siyang crush noh! Kung alam lang niya baka mahiya siya.
Paglabas namin ay mukhang wala nang masyadong estudyante. Nakasakay agad kami ng taxi. Pupunta kami sa Flower Shop ng aking queen mother. Tuturuan niya si Leanne.
Excited na ako. Baka kase kapag kasama ko si Leanne ay matuto na rin ako sa wakas, ang kaso , kinurot kurot ako ni mama s dami ng bulaklak na nasira ko. Si Leanne naman ay natanggap na mag part time tuwing Sabado. Nakakainggit,bakit ang bilis niyang natuto??
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?