Chapter Five

545 6 1
                                    

Masama parin ang loob ni tita Fina sa akin. Hindi niya ako masyadong iniimik nitong mga nakalipas na araw. Madalas siyang may kausap sa telepono at umiiwas sa akin.

"Hoy babaita,anong problema mo?" Si Rafael iyan,kinukulit namaman ako,palibhasa hindi ko na siya pinapatulan sa mga kaek-ekan niya mula pa kaninang umaga sa bahay.

"Pwede Rafael Benitez? Lumayo ka muna sa akin. Pinapasakit mo ang ulo ko. Parang awa mo na. Huwag mo akong kausapin!",hindi ko gustong pag taasan siya ng boses pero talagang nanlulumo na ako sa nangyayari. Masyado ng nababaliw si tita Fina sa lalaking iyon. Naichismis na sa akin ni Eve na twenty six years old lamang iyon at twelve years ang tanda ni tita sa lalaki.

Hindi na nagsalita pang muli si Rafael ngunit ramdam ko pa rin ang kanyang mga titig hanggang sa nakapasok ako sa cr na pambabae. Wala akong ginawa sa buong recess kung hindi ang tumunganga sa cr at mag isip. Hanggang sa narinig ko si Leanne na nagsalita sa likod ko. Hindi ko na namalayan na kanina pa pala siya nakatingin sa akin.

"What's bothering you Angie?", si Leanne ,ang dyosang transferee sa aming klase,balita ko ay sa Amerika siya nanggaling at dito na sa lungsod namin maninirahan kasama ang ina nito na hiwalay sa asawa. Siya rin ang muse namin ngayong third year na kami sapagkat bukod sa bagong mukha sa paaralan,matalino rin ito na bagay sa ganda nito.

" Ahm,ano kase,I have a problem,tama,yun nga." Don't get me wrong,matalino din naman ako. Hindi lang ako sanay mag- ingles ng dere-deretso.

"I wanna be friends with you. You can tell me. And oh,you can speak with me comfortably. I can understand tagalog. Pilipina paren ako. Wala akong lahing amerikano. Okay?" Ubod ng tamis ang ngiti niya. Sa palagay ko ay magkakasundo kaming dalawa.

Nag-open up nga ako sa kanya. Wala raw siyang magandang maipapayo kung hindi ang unahing makipag usap at alamin ang saloobin ni tita Fina. Kaya naisip kong subukan iyon. Pagbalik namin sa classroom ay ang cute na busangot na si Giselle ang nakaupo sa armchair ko. "Saan ka galing? Bakit kasama mo yang si transfer student? Ipinagpalit mo na ba ako??" Halos mapabunghalit ako ng tawa ng nagpapadyak pa siya ng paa. "Giselle,gusto ko sana na kaibiganin natin si Leanne,isa pa,hindi naman pala niya kaclose yang karibal mo sa bago mong crush na si Stephen. Lalong hindi niya crush yon,hindi ba Leanne?" Tanong ko sa aking katabi. Tango at matamis na ngiti ang isinagot nito kay Giselle. Naging magiliw na muli si Giselle at sumali sa magkaabriseteng mga braso namin. Sumingit sya sa gitna. "Sa wakas! Di na ako maiiwan mag isa kapag uwian. Sabay tayong umuwi ha,Leanne? Taga Montana Subdivision din ako. Nakita kita nung pauwi ako kahapon."ayan na nga at dumaldal na si Giselle. "Sure!" Sagot ni ateng dyosa.
Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa school.






Lumipas ang mga buwan na sa mga kaibigan ko lang ako humuhugot ng kasiyahan.
At ngayon ngang biyernes ng hapon, buwan ng Oktubre,uwian na,dadaan muna ako sa grocery bago umuwi.

Takang tinignan ko si Eve na nakadekwatro sa upuan habang nakain ng mansanas. "Eve? Sino sila?" Ang unang nasabi ko ng ako ay matauhan. Tiningnan lang ako ni Eve ng nanunuyang tingin bago kumagat ng mansanas at sumagot ng pauyam,"Gaga,bulag ka ba? Edi mga tauhan. Buhay prinsesa na tayo girl! Ayaw mo pa?Pwede na akong makipag date kay Kenneth baby ko at ikaw ay pwede ng lumandi. May magbabantay na ng store. Inventory at tambay lang gagawin natin dito. Ano pang inaarte mo? Magbihis ka na at may lakad pa tayo. Go go go. Ang kupad talaga nito kahit kelan.hmpf!" At ngumuya na naman na parang kambing itong baklitang si Eve.

Dumeretso ako sa taas para magbihis. Habang sinusuklay ko ang aking buhok ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Rafa na nakauniporme pa at aktong maghuhubad ng binato ko siya ng unan. "Hindi ka ba marunong kumatok?ha? Lagi ka nalang basta basta napasok. Akala mo naman lahat ng pinapasukan mo kwarto mo!" Inis na saad ko. Ngunit pagkatapos niyang ilapag ang unan na nasalo sa kama ay tuluyan ng naghubad ng kanyang polo,"Bakit ba ang init ng ulo mo Angeline. Akala mo ka niloko ng asawa mo kung makasigaw ka. Umayos ka nga. Dalian mo at magbibihis din ako. Kasama ako sa lakad niyo noh? Wala kang kaalam alam. Dali na at bumaba ka na,kung hindi ay maghuhubad ako sa harap mo. Baka himatayin ka jan,negra." At tumawa pa ang mokong!!

"Che!jan ka na nga!" Padabog kong isinara ang pinto at bumaba ng hagdan. Nakita ko si Renz na kadaldalan si Eve. Kumaway ito ng makita ako ngunit wala ako sa mood kaya't tinanguan ko na lamang at pumasok sa cr sa baba para ayusin ang mahabang buhok ko na mamumuti na ata sa konsumisyon kay Rafael.

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon