Chapter Sixty One

180 3 0
                                    

Gone with the Wind

Rafael

Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko? Kaninang umaga lang ay naglalambingan pa kami sa tawag at pabiro pa akong umungot na susunduin ko na siya.

Nakauwi na kase ako sa Lumar City. Maagang naayos ang mga paperworks ko dahil sabay sabay naming nilakad na magbabarkada iyon. Isa pa ay pamangkin ng BSBA  dean ang barakada naming si Marco,ang pinaka captain ng basketball team namin.

Hinayaan ko na lang na mag-isa muna si Nah-nah. Pero hindi ako nakatulog ng gabing iyon at talaga namang nag-aalala ako. Sinubukan kong tawagang muli ang numero nito pero nakapatay na. Hindi kaya paluwas na ang asawa ko? Hindi naman siguro nagkamali ang landlady nito na nakakita sa pag -alais nito.










Tatlong araw at natawagan ko aa ang lahat ng kaibigan ni Nah-nah sa school maging sa ilang sisters nito na kakilala ko sa sorority. Lahat sila ay hindi na nakita si Angelina matapos itong magpaalam na uuwi na diumano sa akin,na  asawa niya.

Sabi pa ng mga ito ay mukhang excited at blooming na blooming pa nga raw si Angelina ng magpaalam sa kanila.


Kaya nung marinig niya iyon ay talagang kinabahan siya. Tinawagan niya ang ama nito. At matapos niyang maglumuhod at umiyak ay naintindihan na ng ama nito ang nangyayari. Dahil maimpluwensya ang ginoo,maging ang kanyang bayaw, nagtulong tulong silang hanapin si Angelina na ngayon nga ay Maitha Andrade-Benitez ang pangalan.





"Hijo, narito ako para tumulong. Gusto kong sabihin sayo na wala sa akin ang asawa mo. Ako man ay nag-aalala. Malaki ang pagkakahawig nila ng bestfriend at pinsan kong si Lauren pero magkaiba sila ng ugali. Mahilig mag pull ng stunts ang pinsan ko. Peri sa tagal ng pagmamasid ko kay Angelina, I mean Maitha, nakita ko kung gaano ito ka-straightnforward. Tumutulong na rin ang mga tauhan ko sa mga tauhan ng father-in-law mo."

Ipinagpasalamat niya ang tulong ni tita Martha. Kalat na sa buong Manila, Los Baños, at Lumar City ang pagkawala ni Nah-nah. Siguro naman ay may makakakita na rito.









He was restless. Maghapon siya naglibot at ngayon nga ay alas nueve na ng gabi. Kakabalik niya lang sa condo na ibinigay sa kanya ng kuya ni Angelina na pag-aari nito noong nag-aaral pa ito. Binuksan niya ang tv at kumuha ng beera sa ref.

Nagring ang phone niya mula sa kanyang bulsa. Sinagot niya iyon habang umiinom.

"Rafael,you better watch the news!" Si kuya Matthew. May sinasabi pa ito pero hindi na niya naiintindihan. Sa news na nasa harapan niya ay ang pagkakuha ng bangkay ng isang babae, halos hindi na makita ang mukha nito sa pagkakaagnas. Sinasabing mahigit kumulang isang linggo na ito sa tubig mula sa ilalim ng tulay at ngayong hapon lang may nakapansin ng lumutang ito sa tubig.

Parang binuhusan ng malamig ma yelo si Rafael..

".....fael,susunduin kita. Wag kang aalis sa condo. Huminahon ka." At binaba na nito ang tawag.  Nabitawan niya ang hawak na beer at napahawak sa refrigerator. 

'Imposible! Hindi ako magagawang iwan ni Nah-nah. Mahal na mahal niya ako. Hindi niya ako iiwan. Imposible iyon!'














Giselle

Matagal tagal na rin akong hindi nakakabalik sa Lumar City. Pagkatapos kase ng graduation  ay naipadala agad ako sa Bangkok Thailand. Pero handa kong ihinto muna ang aking kinabukasan,mas kailangan kong puntahan ang best friend ko.



Nakarating ako sa bahay ni Rafael. Maraming tao roon. Doon  nga ay nakita ko si Leanne pati ang asawa nitong si Ramon. Ang anak ng mga ito ay naglalaro. Malaki na at kamukhang kamukha ng ama.

Nagkaiyakan kami. Naitanong ko kung bakit wala si Maxine. Ang babae kase ang naging best friend ni Angelina noong nasa  kolehiyo ito. Ang sabi ni Leanne ay nagsend ito ng e-mail kahapon  saying that she's on a soul searching journey. Ikina inis niya iyon nung una bago niya naintindihan. Apat na taon ba namang napundi ang kukote nito sa kakaaral tapos napunta lang sa wala. Talaga nga namang gugutuhin niya ring mapag isa. Siguro naman ay alam na nito ang nangyari.

Nagpaalam siya at tumuloy sa loob ng bahay. Doon ay nakita niyang kausap ni Rafael si Tita Martha. Nginitian niya ito at ganoon din ang ginang sa kanya. Sa kabilang side ay dalawang mama. Na napag alaman niyang kuya at ama ni Angelina. Sa kusina ay naririnig niya ang boses at iyak ni tita Fina na nagpalaki kay Angelina. Naroon din si Eve na nagpapatahan dito.

Napaka gloomy ng bahay. Si Rafael ay tila ba lutang na lutang. Tulala ito at naiyak ng tahimik. Pinipigil ko ang umiyak. Ayokong maiyak sa harap nila at lalong palungkutin ang bahay na iyon. Sa aking paglabas ng pinto ay naabutan kong papasok ang konsehal na si Renz kasama ang asawa nito. Pormal ko silang binati at hindi nakakigtas sa akin ang sakit na dumaan sa mga mata nito ng makita ang pangalan ni Angelina sa banner ng burol nito. Pinapasok ko sila at narinig na nakikipag usap si Rafael sa konsehal..

Pumunta ako sa garden sa gilid ng bahay at doon umiyak ng umiyak. Hanggang sa nakarinig ako ng mga yabag at amoy ng sigarilyo na palapit sa akin.

At doon ay nakita ko sa nahihilaman ng luha kong mga mata ang lalaking ipinagpalit ako sa pagpipinta. Si Stephen na ngayon ay isa ng sikat pintor.



Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon