Chapter Four

585 9 0
                                    

Nagbibilang ako ng pera sa cash register ng makita ko si tita Fina na nauntog sa lamesa dahil sa pagkakatumba ng ulo nya,nakatulog kase sa kalasingan. Madalas siyang ginagabi sa pagpunta sa grocery at tinatanghali ng uwi sa bahay. Marahil ay pinapasakit nanaman ng kanyang asawa ang kanyang ulo. Kinuha ko yung sinasandalan kong manipis na unan at inilagay iyon sa ilalim ng kanyang ulo. Kawawa naman si Chico,mag-isa nanamang matutulog sa kaniyang kwarto. May pagkamanhid pa naman si Rafael. Nung minsan na kumidlat ay hinayaan lang na umiyak si Chico sa kwarto. Kung hindi ba naman makasarili ay ini-lock pa ang sariling kwarto.

Sinubukan kong tawagan ang telepono sa bahay ngunit walang nasagot. Marahil ay tulog na ang mga ito.

Napatingin ako sa aking cellphone ng magvibrate iyon. Nakita kong tumatawag si Rafael.

"Babae,nasaan si mama?" Bungad nya na wala man lang hello, "Narito sa grocery,bakit?dedede ka?" Pang aalaska ko sa kanya.

"Tss.hindi mo alam sinasabi mo,loka. Oh sige na. Matutulog na ako. Magtrabaho ka na diyan at mag uwi ng maraming pera sa bahay natin. Good night." Napangiti ako. Bahay daw namin. Feeling ko tuloy talagang kapamilya na nila ako.

"Hi,masaya ka ata?" Narito na ang tunay na kasiyahan..si Renz.

Sinabi nya sa akin na wala siyang kasintahan sa ngayon ngunit nagkaroon na siya ng dalawang girlfriend noong nag aaral pa siya. Sapat na ang kaalaman na iyon sa akin para malaya ko siyang masulyapan.

"Oo naman. Dapat masaya para maraming bibili sa grocery. Kita mo nga't naengganyo kang lumapit. Ano ang bibilhin mo?"
Palusot. As if naman ang ngiti ko ang ipinunta nya rito.

"Wala naman. Tatambay lang." Napakamot pa sya sa kanyang buhok at mahinang tumawa. Ano ng palagay nya sa grocery namin?tambayan?

"Ah ganon? Bawal tumambay dito, dapat may bibilhin." Biro ko sa kanya. Umakto itong nahihiya at biglang dinukwang lahat ng polvoron sa countertop at nginitian ako..

"Pwede naman sa acidic ang polvoron diba?" Ngiting ngiti ito kaya't sobrang nagliliwanag ang mundo ko.
"Oo naman. Akin nalang ito?" Biro ko nung matapos siyang magbayad. "Oo sana eh, kung gusto mo. So, pwede na bang tumambay dito sa tabi mo?"

"Sige na nga,basta wag kang maingay,may natutulog dito sa loob." At itinuro ko si tita Fina na mahinang humihilik sa lamesa.

Marami akong nalalaman tungkol sa buhay ni Renz tuwing nagku-kwentuhan kami. Pati buhay ni Ramon ay nalaman ko na rin. Tinutulungan niya ako sa mga gawain ko sa grocery kapag wala na siyang ginagawa sa kanilang bar. Minsan ay iniisip kong kasintahan ko na siya at magkasama kaming nag aayos dito sa grocery store.

Minsan na rin kaming napagkamalan na magjowa ng mga lasenggo na bumibili ng kape. Napapadalas din ang panunukso sa akin ni tita Fina. Samantalang si Eve naman ay walang pinagbago. Madalas pa rin akong ino-okray na kesyo daw ambisyosang negra daw ako at asado daw ako kay Renz. Hindi ko nalang pinapansin.

Ang talagang nakaagaw ng atensyon ko kay Renz ay ang pag amin ni tita Fina na meron siyang kalaguyo. Kaya pala laging gabing gabi na siya nakakarating ay dahil nakikipagkita pa siya kay  kuya Tonton. Anthony ang pangalan ng lalaki na iyon at isa siyang taxi driver. Gwapo at maginoo,iyon ang masasabi ko. Subalit alam kong mali kaya't iminungkahi ko kay tita na itigil niya. At iyon ang naging simula ng gulo sa buhay ko. Ang napakalaking pagbabago sa pagitan namin ni tita Fina.

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon