Chapter Forty Eight

216 5 0
                                    

Rafael

Maaga akong nagising pero mas maagang nagising si junior. Sa kaliwa ko ay ang tila dyamanteng nasisinagan ng araw mula sa medyo nakahawing kurtina.

Tumayo ako at isinara iyon ng maayos.

Nag shower ako. Paglabas ko ay tulog pa rin ang dalaga. Kinumutan ko ito.

Nagbihis ako at lumabas ng kwarto.

Naabutan ko yung dalawa na nalalampungan.

"Oh?ang aga ah, kala ko puyat kayo kagabi?" Tanong ni Eve.

Binato ko ito ng toasted bread. "Gusto mo palayasin ko kayo para hindi kayo mabulabog sa pagtulog?"

Tumawa si bakla. Si Kenneth naman ay tatawa tawa habang nahigop ng kape.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko ng lumabas si Angelina na hila hila ang kumot. Napatakbo ako palapit at ibinalot sa kanya ng maayos ang kumot.

"Rafa,ang sakit ng pwet ko."

"Ah,sige teka lang. Wait moko sa loob."

Narinig ko pa ang pagsipol ni bakla sa labas.

"Angelina,wag ka ng lalabas ng ganito ha?buti sana kung tayong dalawa lang."

"Kiss muna!" Natawa ako at hinalikan siya.  Lumabas ulit ako at pinagluto ng hotdog at itlog si Angelina.

Dinala ko iyon sa kwarto pati na ang ipinasangag kong kanin kay Eve. Lumabas ito ng shower room na hubad. Ang twalya ay nakabalot sa buhok nito.

"Hmm. Hindi ko na type ang hotdog. Gusto ko yung Sausage. Mas malaki at mataba kesa sa hotdog." Kinagat niya iyong hotdog at may tumulong katas non sa dibdib niya.

Sumaludo nanaman si junior. Ang lakas talagang mang-asar ni Angelina, kay aga aga ay binubuhay niya ang pagkalalaki ko.
















Angelina

Kung alam ko lang,sana pala hindi ko na pinahirapan pa si Rafael. Napangiti ako. Naalala ko ang panaginip ko.

Napanaginipan ko na ito noong may sakit si uncle Ted. Hindi iyon isang panaginip lang,isa pala iyong munting ala ala noong kami ay paslit pa.

Kinakausap ako ni uncle Ted. Bata pa ako noon at pinapipili niya ako kung sino daw ang gusto kong maging asawa. Ngumiti sa akin si kuya Jeric. Napatingin naman ako kay Rafa, nakausli ang nguso nito sa akin.

Lumapit ako kay kuya Jeric. Kaso umiyak ng malakas si Rafa. Naiiyak akong lumapit sa kanya at hinalik-halikan ang pisngi niya. Yinakap niya ako kaya yinakap ko rin siya.

Tumingin ako kay uncle Ted. Naroon sa likod niya si tita Fina at nakangiti.

Si Rafa ang pinili ko.

"Wag ka ng iiyak Rafa,aalagaan ka ni ate mo..."

"Promise yan. Walang bawian ha? Nah-nah." napakaseryosong saad ni Rafa habang yakap yakap ako. Tumango ako at muli siyang hinalikan sa pisngu. Ang kaso ay itinulak niya ako sabay sabing,

"Ano ba yan nah-nah! Nilagay mo sipon mo sa muka ko!"

Napangiti ulit ako.

"Anong ngini-ngiti ngiti mo jan bru?" Nagulat ako nung bigla akong kudlitin ni Giselle sa tagiliran.

"Parang wala lang sayo ah? Kinasal kahapon si Renz sa anak ni Mayor Diaz. Baka hindi mo alam?"

Nakakainis naman itong babaeng ito.tss.

"Alam ko noh, masaya akonpara sa kanya." Nanlalaki ang mga mata ni Giselle.

"Totoo? Eh nung kelan lang broken hearted ka ah?"

"Hmm,oo nga ano?" Sabi ko na napapaisip din.

"Ehh,mabuti na yun. Ayaw ko namang maging kabet ang best friend ko. Isa pa,bata ka pa. Maghanap ka ng boyfriend na kasing fresh mo!" Sabi ni Giselle.

"Tulad ko." Singit ni Stephen sa usapan namin.

Natawa ako. "Pamangkin ka sa pinsan ng nanay ko. Bakit kita sosyotain?"

Nagulat ang dalawa.

Natawa ako sa itsura nila.

"Walang lihim na hindi  nabubunyag. Isa pa, pakisabi kay Tita Martha, wag niya akong pinapasundan sa mga men in black niya. Napaparanoid ako."

Matagal bago nakahuma ang dalawa. Saktong dumating si Rafael. "Oo nga pala, tuloy ang nasa will ng nanay ko. So, wala na kayong dapat alalahanin maliban sa sariling lovelife niyo."

Tumayo na ako at sinalubong ang palapit na si Rafael. Sabay na kaming lumabas ng canteen.





"Rafael,punta tayo ng mall mamayang uwian."sabi ko habang naglalakad kami papuntang auditorium. May program kase.

" Sure,may bibilhin ka ba? Gluta ba?" Ay bwisit.

Pinaghahampas ko ang braso nito. "Che! Bahala ka! Makikipag date ako sa iba. Bwisit!"

Nagmartsa na ako papasok ng auditorium. Narinig ko pang tumawa si Rafael.

"Kita nalang tayo sa gate Nah-nah. Labyu!!!"

Natawa ako. Nah-nah, namiss ko ang pangalan na ito. Ipinatigil ko lang na tawagin ako ng Nah-nah dahil feeling ko ay yaya ako ng tatlong magkakapatid. Pero ngayon, siya nalang ang natawag ng ganun sa akin.

"Nah-nah."






Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon