Chapter Fifty One

234 7 0
                                    

Angelina


Naging mabilis ang mga buwan. Dumaan ang pasko at bagong taon.  Lumipas ang last quarter exam at heto na nga't graduation na.

Lumapit sa akin si Marga.

"Mamimiss kita. Ikaw lang ang tunay kong friend." Niyakap niya ako. Bago pa siya makapagsalitang muli ay hinila na siya ni Giselle.

"Mang-aagaw. Akin si Angelina. Hindi sayo.tss."
Nagyakapan kami.

Sa kabilang dulo ay nakita ko si Maxine. Kumaway ito at itinuro ang assistant teacher namin sa comlab at sumunod sa palayong lalaki. Sa tingin ko ay may relasyon ang dalawa kahit hindi umaamin.



Mayroong party sa bahay nila tita Fina.
Kesyo daw tatlong anak nito ang nagtapos.

Grumaduate na rin si Chico sa elementary.
Kasabay ng graduation party na ito ay ang engagement party namin ni Rafael. Naroon din si Ma'am Martha. Na pinsan ng nanay ko.

Masaya ang gabing iyon. Nagplano kami para sa mga kinabukasan namin. Kasama ko ang mga kaibigan ko at lalong ikinasaya ng puso ko na kasama ko si Rafael.














Isang linggo bago kami lumuwas ni Rafa pa-Maynila ay nakaayos na ang lahat. Pati ang apartment na aming tutuluyan.

Mahigpit kong ipinagbawal ang araw araw na pagtatalik dahil kailangan naming seryosohin ang pag-aaral.

Pumayag naman si Rafa at nakontento na sa mga lambingan namin.





"Rafael, ano itong nasa Facebook mo? Bakit mo in-upload yung mga pictures natin!! Ang gulo gulo ng buhok ko dito!!"

Tatawa tawa ito habang nagluluto. "Ang cute mo nga eh,para kang ita jan."

Tinignan ko ito ng masama, "Ang galing, maghanap ka ng mistisang babae,yun ang pakasalan mo. Kainis!" Nagdabog ako papasok sa kwarto ko at humiga. Hindi naman ako maitim eh. Morena lang. Hindi rin naman ako kulay brown. Medyo reddish ang balat ko. Kainis na Rafael yun! Hmp!

Narinig kong bumukas ang pinto kaya nagtalukbong ako. Naramdaman ko ang paglubog ng kutson. Nasa malapit lang ito.

"Nah-nah,wag ka ngang parang bata jan. Hindi ka na nasanay sakin. Isa pa, ayoko sa maputi. Hindi rin naman ako maputi. Mas maputi lang ako sayo kahit  pa sabihing moreno rin ako. Alam mo na kutis artista." At tumawa pa ito.

Tinanggal ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa ulo ko. "Yabang mo bata!"

"Uy,haha. Makabata ka. Gusto mo gawan kita ng bata jan eh. Bangon na at kakain na tayo. Ikaw lang mahal ko kaya wag ka nang magpabebe jan. Baka makabuo tayo ng baby ngayon kase sabado." Kumindat ito sa akin at kinagat kagat pa ang labi nito.

Pinaghahampas ko nga sa braso. Aasarin ako tapos gusto akong lamangan. Anong akala niya sa akin? Uto uto? Neknek niya.

"Kain na tayo. Tara na." At hinila ko siya patayo. Nung ayaw niyang tumayo ay binitawan ko siya at lumabas.

Bago pa ako makapunta sa kusina ay hinabol na niya ako at inakbayan. Doon ay nagsubuan kaming nag-umagahan.











Maxine

Naiinis na ibinagsak ko ang aking bag. Nakakainis ang Lucas na iyon! Siya lang naman ang kauna unahang lalaki na barkada ko dito sa Pilipinas pero tina-traydor ako.

Ngayon ay nasa kanya ang pinakatatago tago kong scrap book kung nasaan ang mga litratong matagal ko ng iniingatan.

Bina-blockmail ako na kailangang maging kami para maisekreto ang lihim ko.
Pumasok na ako sa kwarto ko at naligo. Ngayon ay papunta ako sa Manila para sa pagtuntong ko sa kolehiyo. Nakapasa ako sa U.P. Diliman at alam kong doon din papasok si Angelina at Rafael. Sana naman ay magkasabay sabay ang schedule namin.


"Ang tagal mo namang lumabas. Akala ko tinakasan mo na ako." Si Lucas. Ang lalaking nagpipilut na maging syota ko at pilit na binabago ang pagkatao ko. Ang kaso ay hopeless ang attempt niya. Hindi ako maiinlove sa kanya kahit pa mag boyfriend-girlfriend kami.

"Tara na bago pa kita masapak."

Ipagpapatuloy niya rin ang pagmamasteral ng Education kaya kasama ko siya sa Manila. Kung bakit kase napakaburara ko at nakita niya ang scrapbook ko. Kainis.










Angelina

Naka-enroll na kami ni Rafa. Parehong pareho ang schedule namin liban na lamang sa Humanities at PE.


Kasalukuyan akong namamasyal sa paaralan ng may makita akong building na pinag-uumpukan ng mga estudyante.

"Anong meron dito miss?" Tanong ko sa isang estudyante na nakapila.

"Ah,pahabol na entrance exam para sa mga estudyanteng magbabalik aral.

Merong para dito at meron ding sa ibang lugar. Sa UP Baguio ako nakapasok kaya itatry kong magpalipat dito."


May naisip akonv crazy idea kaya susubukan ko. Tutal at may dala naman akong kopya ng mga school records ko. Bakit hindi?



At laking tuwa ko ng makatanggap ng E-mail mula sa exam. Nakapasa ako sa U.P. Los Baños.






Ewan ko lang kung ano ang pipiliin ko, si Rafael na mahal na mahal ko or pansamantalang kalayaan?








Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon