Chapter Sixty

172 3 0
                                    

Nakaplano na ang lahat. Ipapakuha nalang ni Angelina sa inarkila niyang van ang mga gamit sa isang linggo. Dumami kase ang gamit niya habang nanunuluyan sa Los Baños at hindi iyon magkakasya sa sasakyan ng asawa niya.

Hindi rin niya sinabi kay Rafael na tapos na niyang asikasuhin ang lahat ng kinakailangang tapusin sa University. Balak niya kasing sorpresahin ang nabubugnot na asawa.

Naghihintay na siya ng bus na pa- Maynila dahil doon ang sakayan papunta sa lungsod ng Lumar nang makatanggap siya ng text mula sa di kilalang numero. Maya maya ay tumawag iyon.

"Angie,si Max ito. Pwede bang makipagkita ka sa akin? Nandito ako sa Manila. Sa *********, magkita nalang tayo. Hihintayin kita dito."

At pinatayan siya nito. Malayo ang sinabing lugar nito kaya naman sa bus na ibang ruta ang sinakyan niya. Hindi sa bus na papuntang Cubao.





Alas sais pa lang ay nasa tagpuan na si Angelina. Wala pa ang kaibigan niyang si Maxine. Habang nasa naturang coffee shop ay nag text ang kanyang asawa.

'Misis. Buking ka na. Nakausap ko yung landlady mo. Pauwi ka na daw ngayon. Totoo ba?uuwi ka na nga ba?'

Binalak niyang biruin ito.

'Hindi ako uuwi. Wag ka ngang makulit- sent.

Naisend niya ito ng di sinasadya dahil nagulat siya sa pagtayo ni Maxine sa labas ng salamin ng coffee shop. Napatayo siya at nalimutan ang kape at pouch bag dahil sa mabilisang paglayo ni Maxine.

Lumabas siya ng coffe shop at hinabol ito.

Madilim na pala ang gabi. Hindi niya namalayan ang oras habang naghihintay sa kaibigan. Napapagod na siyang maglakad kaya pinilit niyang tumakbo para mahabol ito.

Nahabol niya ito sa tulay na abandonado at doon mismo sila sa gitna tumigil.

Napansin niya ang pamamayat nito. Mahaba parin ang itim nitong buhok na kasing haba ng buhok niya. Nakakatuwang parehong pareho ang suot nilang jeans at design ng black shirt.

Ang pagkakaiba lang nila ay maputla ito at mukhang pagod na pagod. Siya naman ay mababakasan ng sigla at buhay ang mukha.

"Maxine,na miss kita!" Humakbang siya ng isa palapit dito pero umurong ito ng isang hakbang.

Naguguluhang tinignan niya ito.

"Angelina, wag kang lalapit sa akin. Gusto ko lang magpaalam at sabihin sayo ang lahat. Para makahingi narin ng tawad at simpatya. Iyon lang ang hiling ko kaya pakiusap ay wag kang lalapit." Hindi ito nakatingin sa kanya at nakadungaw sa tubig na nasa ibaba ng tulay.

"Sige. Simulan mo nang magsalita. Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi ko magugustuhan ang sasabihin mo." Sumeryoso ang boses ni Angelina.

Hindi ito lumingon sa kanya. Bagkus ay nagsimula na itong magsalita.

"It was six years ago. The first time I met you. I can still recall how bubbly you are. Para kayong mga bata nila Giselle at Leanne. Kapag napapatingin ako sayo ay tila ba may misteryo sa mga mata mo na kahit tumatawa ka ay may itinatagong lihim ang mga iyon." Huminga ito ng malalim at mahinang tumawa.

"Hayaan mo akong magkwento,Angelina. Wag ka munang sasabat hangga't wala pa ako sa ngayon.

.....saglit pa lang tayong nag uusap ay gusto na agad kita. Kaya noong nakiusap si Leanne na tulungan ko siyang makipaglapit kay Ramon ay umuwi agad ako ng Pilipinas dahil gusto kong makasama kang muli. Noon pa lang ay mahal na agad kita.

Pero bago pa ako makatulong kay Leanne ay naayos mo na ang gulo. Kaya napabilib mo lalo ako. Yun nga lang ay may nobyo ka. Kitang kita ko na mahal mo iyon. At sa kabila ng nalaman nila Leanne at Giselle tungkol sa lalaking iyon ay hindi mo pa rin iniwan. Nasasaktan ako para sayo...."

Tahimik lang si Angelina habang nagtatapat si Maxine. Kung ganoon ay niloko siya ng natatanging kaibigan na nakasama niya sa iisang kwarto for four long years at nakikita pa siya nitong naghuhubad. Ayun pala ay leabian ito. Nakatulala lang si Angelina pero naninikip na ang dibdib niya. Hindi nga siya niloko ni Rafael. Pero kaibigan niya pa pala ang ta-traydor sa kanya.

"Kaya laking tuwa ko ng maghiwalay kayo ng tuluyan matapos ka niyang kidnapin. Pero heto naman si Rafael na fiancé mo na pala. At naging kayo. Wala talaga akong laban. Kaya nakontento na akong mahalin ka ng patago.

Sinundan kita sa kolehiyo. At pinatira mo pa ako sa dorm room mo.

Lahat ng kilos at galaw mo ay inalam ko. Mga damit,pabango,ang buhok,pananalita. Pati nga ang tatoo mo sa inner thigh ay meron din ako."

Nagulat si Angelina sa huli nitong inamin.

Mayroon kase siyang tattoo. Nagpatattoo siya last summer ng heart na parang may ribbon na nakapulupot doon. Kasinglaki lang iyon ng thumb niya at may nakasulat sa loob ng ribbon na loyal love. Para kay Rafael iyon eh.

".....pero bago mo pa ako mabuking ay nahuli na ako ni Lucas. Ipinang blackmail niya ang mga litrato at sulat ko para sa iyo.

Ginamit niya yung kahinaan ko. Ang takot ko na mawalay sayo. Iniisip ko pa lang kase na lalayuan mo ako kapag nalaman mo ay parang mamamatay na ako. Kaya imbis na hayaang malaman mo, sinunod ko ang lahat ng gusto ni Lucas. Ang maging syota niya....

....pero nung first sembreak... Habang nagsasaya kayo ni Rafael, binaboy ako ng hayup na iyon. Kung hindi ko lang inisip na pag-uwi ko ng dorm ay naroon ka na,baka nagpakamatay na ako sa mismong apartment ng demonyong iyon,at paulit ulit niya akong hinahalay sa loob ng apat na taon." May galit sa boses nito kahit naiyak pa ito.

Nakita niya sa kanyang peripheral vision na humarap ito sa kanya. Nananatiling nakatingin si Angelina sa tubig sa baba ng tulay.

"Angelina...nung umalis ka. Nakalimutan mong i-log out sa desk top yung email account mo. Nabasa ko yung isi-nend sayo. K-kasal na nga ba kayo ni Rafael?"

Hindi sumasagot si Angelina. Naisip ni Maxine na marahil ay nagulat ito sa mga ipinagtapat niya. Pero hindi pa siya tapos....

"Wala nang rason para mabuhay ako. Masaya ako para sayo. Pinapakawalan na kita. Pero kailangan ko na ring pakawalan ang sarili ko mula sa kahayupan ng Lucas na iyon. Paalam.Mahal na mahal kita,Angelina. "

At tumalon siya sa tulay. Habang nahuhulog siya ay tulala si Angelina. Pero bago pa siya lamunin ng tubig ay kumilos ito at tila ba susundan siyang tumalon at may nakita siyang luha sa nag-aalaang mukha nito.

'Paalam,mahal ko. Sana'y maging maligaya ka'









Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon