Chapter Seventy One

209 3 0
                                    

Angelina

Ilang araw na ring puro bisita kami. Madalas nagrereklamo si Lorenzo na lamog na raw ang pisngi nito.

Nagpakilala sa akin ngayon si Konsehal Renz Boas.

Ang pagkakaalam ko ay may asawa't anak na ito. Tanda ko na rin ang parte niya sa buhay ko subalit hindi niya alam iyon. Sa katunayan ay naaalibadbaran ako sa pagtitig niya kaya gusto ko na siyang pigilan sa kakatitig sa akin. Sumubok akong magsalita kaso nauna na siya..

"Angelina. Na miss kita."

Nakatitig siya sa akin. Ang mga mata niya ay puno ng paghanga.

"Kasalanan mo naman eh,hindi ka nakapag hintay. "

Nakita ko na ikinagulat niya ang sinabi ko,kaya naman nagpaliwanag ako.

"Huwag mong susubukang sabihin kay Rafael na alam ko na ang lahat dahil hindi iyon totoo. May mga ala alang hindi pa nagbabalik. Kaya huwag niyo akong lokohin. Naiinis ako sa mga pinagga gagawa ninyo. Ano bang akala niyo sa akin? Kawawa?"

Hindi ko na napigilan ang himutok ko.

"Nasan na ang lalaking iyon!? Siya ang asawa ko,bakit hindi siya ang humarap sa akin? At ikaw? Sa tingin mo ba gusto kitang makita? Hindi sa may nararamdaman pa ako sayo Renz, talagang ayoko lang sa mga manloloko. Kaya please.. Kung talagang nagka-ayos na kayo ni Rafael,wag na wag mong sasabihin na alam kong asawa ko siya,payuhan mo lang na kausapin ako bago pa ako mapundi sa mga pakulo ninyo. Naaabala ang mga anak ko maging ang kasama ko sa bahay. And don't you dare give me that stupid look. I don't love you."






Sa wakas ay wala ng tao sa bahay. Alam ko na ang mga nangyari. Paano? Dahil kay Eve. Hindi sila nagpunta ni Kenneth sa apartment. Nakipag-kita ako sa kanya sa Manila.

Alam ko na ang lahat maliban na lang sa ilang maliliit na bagay. Alam ko na rin ang pagkamatay ni Maxine. Hanggang ngayon ay nakakaramdam parin ako ng guilt dahil wala akong kaalam alam na ginagawan na siya ng masama ng hayup na Lucas na iyon. Mabuti nga sa kanya at nakakulong na.

Nagsimulang bumalik ang karamihan sa ala ala ko ng makilala ko si Rosalie, ang nakatatandang kapatid ni Andrea. Tiyahin nila si Aling Mela,na nakababatang kapatid naman ni Aling Josa na tiyahin din nila Andrea.

Si Aling Mela ang nagtakas sa akin sa mga sindikatong intsik sa inn na pinagtatrabahuan nito. Napunta ako roon dahil hinahabol nila ang babae ng boss nilang si Henry Ching na si Rosalie.

Dala ng kahirapan sa buhay ay nagprosti si Rosalie para pag-aralin si Andrea. Hanggang sa nainlove dito si Henry at binalak itong pakasalan. Ang kaso ay mabuti ang konsensya ni Rosalie,at hindi nito maatim na yumaman ng dahil sa ilegal na gawain. Nung gabing tumakas ito ay pareho kami ng suot maliban na lang sa imitation ang damit nito. At doon nga ay napagkamalan akong siya.

Naawa lamang si Aling Mela sa akin kaya itinakas ako nito dala ang mga pera ng sindikato.

Matagal na nagtago si Rosalie hanggang sa nakilala nito ang asawa ngayong pulis na siyang nakahuli sa mga sindikatong intsik. Kaya naman ipinahanap ako ni Rosalie at napag-alaman niyang tiyahin niya ang nagligtas sa akin at ako nga ay napangasawa na ni Rodel na kababayan nila mula sa Batanes.

Ilang linggo na akong nagtatrabaho sa kompanya ng asawa ko nung dumating si Rosalie para hingan ako ng tawad sa pagkadamay sa gulo ng buhay nito. Ang sabi ko lang ay nangyari na ang dapat mangyari kaya sapat na yung ngayon na pareho kaming ligtas. Mabilis kong nakapalagayan ng loob ito katulad ni Andrea. Mabait din ang asawa nito na nagbabalak na lumipat at magpadestino dito sa mapayapang lungsod ng Lumar,tutal ay dito naglalagi ang kapatid ni Rosalie na si Andrea. Kaya naman inanyayahan ko sila na sumama na ng tirahan dito sa amin. Makakasama ko nang muli sa pagtulog ang aking anak na si Lorenzo. Ang kaso ay hindi ito pumayag,kaming mga babae raw ang magsama. Kaya ayun at solo niya ang kanyamg kwarto. Kami naman ni Anghelita ay laging magkukuwentuhan tuwing gabi.









Rafael

Naningkit ang mata konng makita sa labas ng mababang gate ang lalaki sa loob ng apartment. Nakikipag tawanan ito kay Nah-nah. Napansin ko rin na dumami ang nakatira sa kanilang apartment. Pero ikinaiinis ko na may ibang nagpapasaya kay Nah-nah.

"Jun,basta pag punta mo sa palengke,pakibili na rin ako ng murang kamatis. Salamat pogi!" Sabi pa ni Angelina sa pulis.

Iyon ba ang sinasabi ng anak ko na magiging karibal ko!?

Hindi ako papayag. Akin lang ang asawa ko!


Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon