I've been busy at school. Masyadong maraming ganap. Kasalukuyan akong gumagawa ng research project sa library, naubusan kase ako ng spot sa computer lab. Wala namang sinabi si Mr. Agustin na kailangang print out kaya iha-handwritten ko na lang.
Pagkatapos ko ay inayos ko ang aking gamit at isinilid sa aking bag. Pinagpatong patong ko ang limang librong ginamit ko para ibalik ng may umagaw ng mga iyon sa akin. Si Rafael pala.
"Kanina pa kita hinahanap. Hindi na ako nakakain dahil sayo. Nagtatago ka ba? May problema ba?" Sunod sunod na tanong nito habang isinasalansan sa lagayan ang mga libro.
"Wala,haha. Walang problema. Una nako ha?bye!!" Mabilis akong naglakad hanggang sa exit. Paglabas ko ay tumakbo na ako.
Alam ko namang walang alam si Rafa pero di ko kase malimot yung nangyari nung huling magkasama kami ng solo.
Yinakap niya akong muli ng hindi na namin naririnig ang tawa ni Chico. Tanging ang malalakas na hilik ni uncle Ted ang naririnig namin mula sa sala.
Medyo nangangalay ang kaliwang binti ko kaya medyo iniunat ko iyon. At iyon ang pinaka pinagsisisihan ko. Dahil sa medyo bumuka ang binti ko ay tila ba sumundot sa gitna ng mga hita ko yung bukol na nakakahindik. Bakit ganun iyon!? Talaga bang ganun ang mga lalaki? Kahit malungkot ay nataas iyon?
Pero nahikbi pa rin si Rafa,imposibleng kabastusan ang nararamdan nito.At ano ba ang tumatakbo sa isipan ko? Simula nung mainit na halik na aming pinagsaluhan sa hotel ay kung ano ano na ang napupuna ko. Hindi lang sa kanya, maging sa ibang lalaki ay naalibadbaran ako, more like naging malisyoso na yung pag iisip ko. Ano ba yan Angelina! Get a grip of yourself!
Kumalas ako na para bang spring mula sa pagkakaupo sa kanya at lumabas ng kwarto. Narinig ko pa ang paglangitngit ng pinto na tila binuksan niya. Ramdam kong nakatingin siya sa akin. Dumeretso ako sa kwarto namin ni Eve at nagkulong. Pinilit ko nalang isaksak sa utak ko yung inirereview kong chapter sa geometry book.
"What took you so long?" Si Leanne iyan. Uwian na namin ngayon at balak naming ituloy ang pagrereview sa Math sa kanilang bahay. May darating silang bisita kaya maraming snack so go agad kami ni Giselle. Minsan niya na kaming pinatikim ng recipe ng mama niya at talaga namang nakakahimatay sa sarap iyon. Simula noon ay naadik na kami sa mga luto ng mama ni Leanne.
Kinuha ni Giselle yung hawak kong cartolina na pink at hinampas iyon sa puwitan ko. "Tara na gurl. Madaming bisita sila tita Nita, baka maubos ang mga pastries. Pastry is life kaya let's go na. As in now na!!" At hinatak na niya si Leanne patungo sa gate kung saan naroon at naghihintay ang driver ng huli.
"Gie,Angie, meet my best cousin, Maxine Torre, pamangkin ni mama. Nurse sa Canada yung both parents niya and kaauwi lang niya para dumalaw sa akin kase, favorite cousin niya ako. Next school year, dito na rin siya sa school natin mag-aaral." Naging hyper nanaman si Leanne. Tahimik lang si Maxine pero may nakakaasar na ngiting tinititigan si Leanne. At nagsalita na nga ito,"Paanong hindi kita magiging paborito eh tayong dalawa lang ang magpinsan? Isa pa, kapag ipapakilala mo ang isang tao,hahayaan mo siyang magsalita. Hindi yung buong autobiography niya ay aakuin mo." At pabirong hinila nito ang mahabang buhok ni Leanne.
Masayang kausap si Maxine. At ang bait bait niya. Ang tanging pisikal na pagkakatulad lang nila ni Leanne ay pareho silang maputi at yung korte ng matangos nilang ilong. Si Leanne kase ay kamukha ni Mama Mary samantalang si Maxine ay yung tipo ng babae na simple lang ang dating sa suot na tshirt at cargo pants. Pero maganda ito. Siguro'y konserbatibo lang.
Nagkatinginan kami ni Giselle at parang magic na iisa ang iniisip namin. Sinenyasan ko siya na sabihin kay Leanne at nagagalak na ibinulong nga nito sa huli, agad naman iyong nakisang ayon.
"Grabe, nakakairita kayo. Kahit anong gawin niyo, bihisan niyo man ako ng mukhang bakla tulad ngayon, mas maganda parin ako sa inyong tatlo. Burahin niyo na nga. At wag na kayong tumunganga jan.bilis na. Angkati oh!" Hindi mapakali si Maxine. Samantalang kami ni Giselle ay parang nakakita ng diwata. Si Leanne naman ay kuha ng kuha ng litrato sa cellphone niya. Bihira daw kase mangyari ito.
Matapos ang harutan namin ay nagpasya na akong umuwi. Si Giselle ay sa kabilang street lang kaya magpapaiwan na muna. Wala kaming masyadong nagawa pero nakapag enjoy naman kami.
Dumaan ako sa grocery sa bayan at tatambay doon kahit saglit. Saktong nag-iinventory si Eve kaya tinulungan ko na siya. Nagbihis muna ako ng leggings and tees para makakilos ng maayos. Itinali ko nalang ng ponytail ang buhok ko para hindi makaabala.
Nang matapos kami ay nagpasya kami ni Eve na doon nalang matulog dahil masyado ng gabi. Umakyat na ito sa itaas. Ako ay nakikipag kwentuhan sa dalawang panggabi na tauhan namin. Si Lala at Gino. Si Lala ay working student na cashier namin habang si Gino naman ay ang boy namin na taga deliver at taga ayos ng mga paninda. Ang pang umaga naman ay parehong lalaki. Si Kuya Joel ang Cashier at si Makmak na kapalitan ni Gino.
Nakiki-usisa ako sa namumuong love story ni Lala at Gino ng biglang sumingit si Ramon.
"Eh ikaw Angelina, kelan kayo aamin nitong si Renz na kayo na?" At sinakal pa nito si Renz gamit ang kaninang nakaakbay na braso nito.Alanganing tumingin si Renz sa mga kasama ko at nahihiyang ngumiti sa akin. Naging sentro kami ng kantiyawan hanggang sa tila ginanahan na si Renz. "Angelina, pwede bang manligaw? Mahal na kita eh. Iingatan kita,mamahalin. Sana akin ka na lang. Promise,I'll do my best. Kahit ihatid sundo pa kita araw araw, mapuyat man ako mabantayan lang kita tuwing narito ka sa grocery. Kahit anong gusto mo na kaya ko ay ibibigay ko sayo. Mahalin mo lang ako." At yumuko ito dahil pulang pula na ang buong mukha nito.
Parang sira naman si Ramon na natawa at tila ba maiihi. Kinakantyawan nito si Renz. "Hanep insan. Mana ka talaga kay tito at dad,mga makata.hahaha!!"
Mukhang hinihiling na ni Renz na lamunin siya ng lupa. Hindi siya ang unang nagtapat ng pag ibig or pag hanga sa akin. Meron na rin mula elementary until recently in highschool. Pero iba si Renz. At gusto ko talaga siya.
"Sige.tayo na.I-mark mo sa kalendaryo. November 12,biyernes.. Ten fifty-six ng gabi. Tayo na. Girlfriend mo na ako." At hinawakan ko ang isang kamay niya. Si Ramon ay bumunghalit ng tawa at lalo kaming tinukso. Yung dalawa naman ay tila ba lalong nailang ng magyakapan kami ni Renz. Siguro'y naiinggit.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?