Chapter Forty One

204 4 0
                                    

Angelina

Halos lahat sila ay iminumungkahi na hiwalayan ko si Renz. Pero hindi ko ginawa.

Kasalukuyang pinapanood ko ang boyfriend kong mag mix ng drinks.Kumindat siya sa akin kaya natawa ako.

Naniniwala akong pagmamahal ang nararamdaman ko. Hindi nga lang 100% sure pero malapit din sa ganun.

Inihatid niya ako sa bahay. Hinalikan niya ako tulad ng dati. Nakaalis na ang kotse ni Renz nung maalala kong itext at kamustahin si Leanne. Kaso hindi ko mahanap ang cellphone ko.

Ipinasok ko na sa bahay ang gamit ko. Nagbihis na rin ako dahil pawisan na yung uniporme ko.

Palabas na ako ng gate nung dumating si Rafael. Mukhang naglaro ng basketball.

"Nasa loob na ba si kuya Kenneth?"

"Oo,nanonood sila ni Eve sa taas. Rafa,pakiabangan ako mamaya sa kanto ha? Babalikan ko lang yung cellphone ko. Naiwan ko sa bar. Baka mawala."

"Samahan na kita? "

"Sige,dalian mo. Magbihis ka nalang at mag taxi na tayo. Dalian mo ha?"

Pumasok na si Rafael at maya maya nga ay nakalabas na kaagad ito.









"Natatawa ako. Haha." Parinig ko kay Rafael. Pano ba naman ay naka jersey shorts ito pero naka long sleeve na polo na pang itaas.

Iniyapos nito sa leeg ko ang braso at umakto na sasakalin ako. Kinurot ko nga yung braso niya.

Tinapik lang nito yung kamay ko. Magkaakbay pa kami habang naghihilahan ng buhok.

"Hi kuya Bon, nakita niyo ho ba yung cellphone ko?" Si kuya Bon lang ang nakita ko sa bar counter.

"Hindi eh, tanong mo sa boyfriend mo. Kanina lang nandito yun eh. Baka umakyat. Hanapin mo nalang ha? Maraming tao ngayon kase sabado. At umuwi ka rin agad ha?" Paalala pa nito. Hindi siguro nito nakita na may chaperone ako. Si Rafael.

Umakyat akong mag-isa. Sa baba ko na pinaghintay si Rafa at baka madaliin lang ako nung lalaking iyon.

Bubuksan ko na sana yung pinto pero natigilan ako sa mga naririnig ko. Kahit parang pinipiga ang puso ko ay dahan dahan ko iyong binuksan.

At tumambad sa akin ang hubo't hubad na nobyo ko at tatlong sexy na babaeng hubad na halos magkandarapa sa katawan ng lalaki.

Hindi tumigil ang mga babae ng makita ako. Sarap na sarap ang lalaki at naungol habang nakapikit. Hinawakan pa nito ang ulo nung magandang babae na sumusubo sa ano nito.

"Ugh ugh ugh!"

Hayup ka Renz! Sa isip ko lang kayang ipagsigawan iyon. Dahan dahan akong naglakad at kinuha ang cellphone ko sa drawer niya na malapit lang sa pinto.

"Ugh !Angelina. Ahh ang sarap ah..!!"

Gago!

Hindi ako umiyak hanggang sa makaalis kami sa bar. Naghihintay lang si Rafa sa akin. Pagkasakay namin ng taxi ko na nailabas ang mga luha ko. Hindi na nang-usisa si Rafael. Inalo alo niya ako hanggang sa tumahan ako.

Gago ka Renz. Dapat talaga hiniwalayan na kita.




Rafael

Nalaman ko kung ano ang ginawa ng Renz na iyon.

Binalak namin ni kuya Kenneth na gantihan pero ayaw ni Angelina. Sa ngayon ay dito kami nakatira ni Angelina kay  mama.Sila Eve ang tumatao sa grocery at sa bahay.

Hatid sundo rin kami ni Kuya Anthony. Mabait ito sa amin, sa ngayon nga ay nagkapalagayan na kami ng loob.

Kasalukuyang nanonood kami ng NBA finals habang nag-iinuman. Kasama namin si Angelina. Si mama ay kasama namin kanina pero natulog na nung inaantok na si Chico.

Minsan kase ay para-paraan ang batang iyon pero nagpupuyat pala kakalaro ng videogame sa kwarto nito. Grade six na ang kapatid ko ngayon pero bata parin kung mag-isip.

Nakatulog na si Angelina sa kalasingan. Ilang weekends naba itong nagpapakalasing? Ah tama, pang siyam na biyernes na ito. Sabado at linggo nito binabawi ang hang over.

"Mahal na mahal mo ano?" Napatingin ako ako kay kuya Anthony. Nakangiti ito sa amin.

"Kung mahal mo,bakit mo hinahayaang masaktan?"

"Kase, gusto kong ibigay lahat ng gusto niya. May pagkamasokista itong babaeng ito kuya. Wala akong magawa kase mahal ko eh. Sa akin naman talaga ang bagsak niya." Mahabang  paliwanag ko.

Alam ko namang ako ang mahal ni Angelina. Hindi ito nagsisinungaling kapag tulog.




Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon