Rafael
Ilang buwan na rin akong nanghihina. Kadalasan ay maraming tao sa bahay. Maging si kuya Tonton na tatahi-tahimik ay nagiging madaldal kapag nasa bahay ko.
Padabog na ibinagsak ni Chico yung mga libro sa lamesa. Sumubo ako ng pagkain pero nahulog iyon mula sa bibig ko.
"Kuya!? Ang sabi ko, tulungan mo ako sa Thesis ko. Narinig mo naman diba kuya?haha?!"
Pilit itong tumawa kahit halata namang gusto na akong suntukin. Inawat na ito ni kuya Tonton at iyon ang tumulong sa kanya.
Hindi na ako makalunok kaya inhulog ko sa lababo ang cereals na kanina ko pa hinahalo. Halos tunaw na nga iyon.
Pumasok ako sa aking kwarto at ikinandado iyon. Doon ay nakatambak ang gamit ni Angelina mula sa UPLB.
Inaamoy amoy ko pa nga yung mga damit niya. Parang hindi ko kayang isipin na wala na siya.
Naaalala ko nanaman yung kanyang katawan na mainit at malambot. Yung mga love making namin. Yung surpresa niya sa akin noong last summer.
"Rafael, nagpatattoo ako kasama yung mga sorority sisters ko sa Los Baños, may pinsan kase iyon na professional artist. Halika, tignan mo,dali!"
Kakapasok ko lang ng kotse noon pagkatapos kong ipagbukas siya ng pinto at pasakayin.
Nakamaiksing shorts ito dahil kakagising lang. Bakasyon naman kaya malaya kaming maglakwatsa.Ibinuka nito ang hita at itinaas ang kanang paa papunta sa harapan ng kotse. Hinigit nito ang shorts na maong kaya nakita ko ang tattoo na hugis puso na may nakapalibot na ribbon sa baba..
May nakasulat pero hindi ko mabasa..
"Ano yung nakasulat? Pangalan ko ba?"
Tumawa ito, "sira! Haha. Basahin mo nga!"
Inilapit ko ang ulo ko sa kanya, 'Loyalty'
"Ah,so loyal ka sa akin. Dapat nilagyan mo nalang ng 'Rafael owns me' para mas maapreciate ko.
Tumawa ito ng malakas. " Masyado ka namang possesive nun. Di bagay. Haha"
Kaya kapag naaalala ko ang araw na iyon, naaalala ko rin ang eksenang naabutan ko sa morgue.
"Sir,kung kilala niyo po yung babae,paki check naman po kung may palatandaan kayo sa atawan niya." Sabi nung forensic personel.
Ang buhok nito ang una kong napansin. Madumi iyon peri kasing haba pa rin ng huli naming pagkikita. Kaya nung iladlad ko ang katawan ay halos magunaw ang mundo ko. Halos maagnas na ang dibdib nitong namumutla sa pagkababad sa tubig. Pero yung tattoo nito. Naroon at hindi nawala.
Hinihiling ko na sana nawala iyon para maging patunay na ibang babae ang nasa harapan ko at hindi ang aking asawa..
"Kuya,andito sila tito."
Nung marinig ko yun ay inayos ko ang sarili ko.
Pinag-usapan namin ang mga plano namin ni Angelina. Tama si Dad, ang ama ng asawa ko. Dapat kong buohin ang mga pangarap namin ni Angelina kahit wala na siya. Kung kailangang ibuhos ko ang panahon ko sa pangarap namin,gagawin ko. Tutal ay hindi ko na magagawang magmahal pang muli ng ibang babae.
After four years...
Hindi ko inakala na uunlad ng ganito kabilis ang negosyong sinimulan ko. Katulong ko sa pamamalakad ang kapatid kong si Chico. Si Kuya Jeric naman na panganay kong kapatid ay nakisosyo na rin pero sa ibang bansa sila namamalagi ng hipag kong si Mayla. Si mama naman ay magaan ang buhay kasama si kuya Tonton at naglilibot sa ibang bansa.
Hindi ko inakala na makakaya ko. Pero kahit tanggap ko nang wala na si Angelina ay nananatiling buhay siya sa puso ko. Wala na akong balak pang mag-asawa. Kung mamamatay ako ay nariyan ang mga kapatid ko para sagipin lahat ng manggagawang umaasa sa aming kompanya.
Rodel
"Anghelita! Ang kapatid mo! Pakibantayan ha?ako ay papalaot muna para makahuli ng uulamin natin. Wag kayong lalapit sa pampang at baka nerbyusin nanaman ang nanay mo."
Bilin ko sa anak ko habang kinukuha ang lambat.
Dalagita na ito ngayon. Sampung taong gulang na ito habang si Lorenzo naman ay mag-aapat na taong gulang na.
Masaya kaming lahat bilang pamilya. Kahit hindi naman talaga kami mag-asawa ni Marina. Hanggang ngayon ay wala siyang naaalala. Ayos lang iyon sa akin dahil masaya akong buo ang pamilya namin.
"Rodel,mag-iingat ka ha? Wag kang magtatagal at malakas ang alon ngayon." Bilin ni Marina.
"Opo mam!" Natatawang sabi ko.
Kilala sa bayan namin si Marina dahil sa galing nito sa pagtitinda. Ang munti naming sari-sari store noon ay grocery na ngayon.
Wala na akong mahihiling pa. Hindi ko hangad na ibigin ako ng babae,sapat na sa akin na siya ang tumatayong ina ni Anghelita. Handa akong maging ama ng ak niya si Lorenzo. Hindi ko alam kung paano niya binigyan ng pangalan ang bata. Marahil ay naalala niya ang pangalan niya kahit nalimutan niya na ang lahat.
Ang bunso naming henyo, si Lorenzo Miranda Dayos. Dala nito ang apelyido ko. Kaya ito ngayon ay anak ko na rin.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?