Angelina
Nagising ako na nakayapos kay Rafael. Hindi ko alam kung bakit imbes na bumangon ako ay pinakatitigan ko pa ang mukha niya. Bata pa lang kami ay nasanay na ako na bigla ko nalang siyang kayakap matulog pagkagising sa umaga. At tulad ng dati kapag tinititigan ko siya ay napapansin ko ang kanyang napakatangos na ilong, matapang nahugis ng kanyang mga panga. At yung mga labi niya ay higit na mapula kompara sa akin. Pinaghalo ang nakuha niyang features sa kanyang magulang, at maganda ang kinalabasan non. Di katulad ng kay kuya Jeric na kamukhang kamukha ni tita Fina. Si Chico naman ay kamukha naman ni Uncle Ted. Speak of Chico, bakit parang naririnig ko ang mga tawa niya sa labas ng kwarto?
"Ate,ate beks,tulog pa si kuya? Gusto ko magpunta sa Star City. Sabi ni mama sasama kayong lahat sa akin eh. Di ba kuya Kenneth?"masayang tanong ni Chico.
Napabangon ako ng marinig ko ang pag sang-ayon ni Kenneth at ang pagdaldal ni Eve. Ngunit bago pa ako tuluyang makababa ng kama ay hinablot muli ni Rafa ang bewang ko kaya nawalan ako ng balanse at natumba sa kanyang dibdib. Naituon ko ang aking siko sa kanyang braso ngunit tila wala lang sa kanya iyon.
"Dito ka muna sa tabi ko. Inaantok pa ako. Titigan mo nalang ulit ako. Hayaan mo sila sa labas." Paos pa ang boses niya mula sa pagkagising. Napatitig ako sa mga mata niya at may kung anong kumudlit sa puso ko na nagpabalik sa akin sa tamang huwisyo.
Tinapik ko ang pisngi niya,"ang baho ng hininga mo,amoy beer ka pa. Diyan ka na at pupuntahan ko pa si Chico.Bitaw!"at hinila ko ang aking katawan mula sa pagkakayapos niya.
Nag iinit ang pakiramdam ko ng lumabas ako ng kwarto. Pinagtaasan lang ako ni Eve ng kaliwang kilay at binigyan ng isang bowl ng cereals si Chico.
"Ate! Alam mo bang pupunta tayo sa Star City!!!? Pwede na ako sa roller coaster kase matangkad na ako!!" Masayang sunggab sa akin ni Chico. Tinanguan ko siya at hinalikan sa pisngi. "I miss you bebe..kain na at nang makagayak na tayo." Lumingon ako sa wall clock ng hotel,"Alas otso na pala. Eve, saan natulog si Chico?"
Si Kenneth ang sumagot dahil puno ng saging ang bibig ni Eve.
"Sa kwarto namin. Naglalaro pala yan kagabi sa children's play room,itinext lang ni tita na sunduin. Isinama namin sa MOA kagabi kaya hindi na kami tumuloy sa bar. Kami na ang bahalang mag alaga sa kanya ngayon.""Ganoon ba? Pero kung may lakad kayo ni Eve....." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumabat si Rafa mula sa likuran ko,"Eva,ikaw na bahala kay Chico. Susunod na lang kami sa Star City. Pupunta muna kami ng Divisoria."at dere-diretso ito papuntang cr para maligo.
Nakangiti lang si Kenneth habang pinapakinggan ang mga kwento ni Chico. Hinila ako ni Eve papunta sa kwarto nila.
"Ano ito Eve!?"naeeskandalo ako sa box na iniabot niya. Hindi ako mangmang pero first time kong makahawak ng ganito. "Ano beh?pa-virgin ang peg?" Wika ni Eve at pinakatitigan ako. Maya maya ay umayos siya ng tayo at namewang,"Kung sakali lang na lalandi ka at mangati na yang gitna mo. Gamitin mo yan. Mahirap na at baka majontis ka. Hindi ako papayag hanggat hindi ako nagkakaanak. Naiintindihan mo?"nakataas nanaman ang kanyang kilay.
Tinawanan ko siya,"gaga, kahit kailan ay hindi ka mabubuntis." Pero kinuha ko na ang binigay niya. Kaysa naman ibato nya sa ulo ko. Bulls eye pa naman yang bakla na yan kapag namamato ng gamit.
Nag hiwalay na kami sa lobby dahil kasama nila sila tita at kuya Jeric samantalang kami ni Rafa ay lumabas na at pumara ng taxi. Nakasambakol ang mukha nito. Kahit anong usap ko ay hindi ako pinapansin.
Hindi na ako makatiis sa mood niya kaya't pagbaba na pagbaba namin ay kinausap ko siya." Ano?ano nanaman ang problema mo? May ginawa ba akong mali? Kung ayaw mo sumama edi umuwi ka na. Ang arte mo kanina. Sabi ko sayo sumama ka na sa kanila,tapos ngayong nandito na tayo saka ka magmamaktol. Nakakainis ka! Kelan ka ba magmamature? Umuwi ka na nga lang Rafa."at tinalikuran ko na siya.
Nagulat ako ng bigla niya akong yinapos,at mali pala ako. Hindi niya ako yinakap,ipinatong nya ang jacket niya at ibinuhol sa bewang ko.
"Mamalengke tayo ng pasalubong dito,napakaraming tao at siksikan. Tapos ang iksi ng suot mong shorts. Halos natatakpan na ng oversized tshirt mo. Ano ka ba?para kang engot." At hinila niya na ako papasok sa 168 mall.
Marami rami din kaming naipamili kahit dalawang oras palang kaming nag-iikot. Ngayong third year na ako ay hindi na lang si Giselle ang nireregaluhan ko tuwing dumarating ang pasko. Kakadisisais lang namin ni Giselle noong August. Soetember naman ang birthday si Leanne. Pareho ko silang niregaluhan at ganoon din sila sa akin. Kaya dahil binigyan ako ni God ng dalawang best friend ay minamahal ko sila ng bongga.
Ang isa pa sa mga binili ko ay mga panregalo sa pamilya ko ngayon. Excited na ako sa Christmas. Magpupunta kami sa Subic at doon na rin mag babagong taon. Sa December 27 ang kasal nila kuya Jeric kaya talaga namang masaya. Papasyal nga pala kami sa Zoobi Safari sa december 29.
Kumakain kami ni Rafael ngayon sa Chinatown Mall kalapit lang ng 168 mall. Marami ring paninda rito pero marami na rin kaming naipamili. Naghiwalay kami saglit ni Rafa kanina kaya nakapamili na ako ng regalo para sa kanya. Pati si Renz, ready na.
"Hoy,nakangiti ka nanaman jan mag-isa. Mukha ka nanamang baliw. Ibili mo nga ako nung Shawarma doon sa labas ng resto,tag isa tayo." Inutusan pa ako! Kung hindi ko lang favorite ang shawarma,nunkang sundin ko utos niya.
Patayo palang ako ng may babaeng lumapit sa akin at tinapik ang balikat ko.
"Ikaw nga! Sabi ko na nga ba ikaw yan eh. Kamusta na hija? Ako ito,ninang Martha mo ako. Dati kong kaklase ang mommy mo noong high school. Nagkita na ba kayo ng daddy mo?" Nakangiti ang babae sa akin. Medyo pamilyar ang mukha niya ngunit hindi ako sigurado."Mukhang hindi mo na ako tanda. Oh siya, kung maalala mo na ako,eto ang calling card ko. Tawag ka lang ha?" Ibineso niya ako bago tumalikod at umalis. Tinignan ko ang calling card niya. Martha Go, CEO of M&G Clothing Line.Inc.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?